Zila's PoV
"Miss, I'm very sorry but going to hell is too expensive my meter might blow up." sabi ng driver ng taxi nang makabawi siya mula sa pagka-shock. Tumingin siya sa 'kin mula sa rearview mirror. "One more, you do look like an angel. I'm afraid the hell's won't permit you to enter its premesis."
Huh? Binobola ba ako ng Kanong Taxi Driver na 'to? Mukhang anghel daw ako? Nice try!
Bahagyang nawala ang inis at sakit na nararamdaman ko dahil sa sinabi ng driver. Ikaw ba naman ang sabihan na mukhang anghel, ewan ko lang kung di gumaan ang pakiramdam mo.
Umayos ako ng upo at kinalma ang sarili ko, tapos tumingin ako sa lalaking driver at bahagyang ngumiti. "Sorry about that. I'm just..."
"Pissed off?" nakangiti ring agaw ng driver kaya napatawa na ako.
"Beyond pissed off, actually!" sagot ko. "But I'm okay now..."
Tumango-tango lang driver at patuloy na nagmaneobra palayo ng RedSphere Tower. "You don't look fine, Miss."
Alam ko. Hindi naman talaga ako "fine". Dahil bukod sa umuugong pa rin ang tenga ko, nanlalambot ang tuhod ko at pumipitik ang sentido ko. Himala na lang na may malay pa rin ako ngayon, salamat na lang sa unlimited supply ng will-power, super-ego at makapal na mukha.
Sumandal ako sa upuan ng passenger seat at nagmasid sa labas ng bintana ng sasakyan na ngayon ay binabagtas na ang kahabaan ng Windle Avenue papunta sa exit ng Silicon Valley.
"I may not look fine to you..." bulong ko. "But I will be."
"I bet you are," mahina ring sabi ng driver.
When I looked at him, I found the man staring at me. I smiled faintly and then put my mask on.
Tama. Magiging okay din ako. Lagnat lang 'to, this is nothing compare to what I've been through. I'm a dinosaur! Singkapal ng bakal ang depensa ko at hindi ako matitinag ng kahit anong virus.
Kahit si Zehel pa ang virus na yun.
Nagngingitngit pa rin ako dahil sa nangyari. Hell! I've never felt humiliated like this before, sobrang sakit sa loob nang sinabi at inakto ni Zehel sa harap ng matandang palaka na yun. Hindi na nga niya ako inacknowledge bilang asawa niya, pinakilala pa niya ako bilang isang walang kuwentang maintenance personnel! Not that I hate being one, nirerespeto ko ang trabahong 'yun at hinahangaan. Ang ipinagpuputok lang ng litid sa sentido ko ay yung paraan ng pagkakasabi ni Zehel.
'Don't bother yourself with her, Mr. President...'
Walang kaemo-emosyon ang boses niya. Kulang na lang sabihin niyang, 'Huwag kang makipag-usap sa babaeng tae na yan, Mr. President. Babaho ka.'
Parang ganun kasi ang dating sa 'kin eh. Worse, may babae pang nakaangkla sa braso niya! At sabay silang nag-lunch, kafaaaal! Nagpakapagod ako sa pagdadala ng lunch kahit maysakit ako, tapos malalaman ko na may ka-lunchdate pala siya! Ay hutang-ina lang!
Siguro nga mali ang umasa ako na kakainin niya yung inihanda kong pagkain dahil unang-una wala naman siyang dahilan para kainin yun. He's mad at me and I'm mad at him kaya malamang isipin niya na nilagyan ko yun ng lason. One more... hindi rin naman niya ako inobliga na dalhan siya nun, ako lang ang nag-obliga nun sa sarili ko.
But still... still... Urrgggh!
Buwisit! Hindi na talaga 'to mauulit! Hindi na! Wala na akong pakialam kay Zehel kung tumirik man ang mata niya sa gutom o kung makipag-lunchdate pa siya kay Taylor Swift! Wala na! Ayoko na talaga!
I hate him and his fvcking contract! Uuwi na ako sa Pilipinas oras na gumaling ako, bahala na siya sa buhay niya! I'm ZILA MADRID anyway, Zila not Liza. He can't force me with this stupid empty marriage dahil hindi ako si Liza! Babalik na ako sa trabaho ko. Mas gusto ko pang i-handle ang mga leon sa South Africa kesa kay Zehel na isang modified na halimaw!
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila