LXXX

8.9K 317 22
                                    

  Zila's PoV

"On the count of three!" narinig kong sigaw ni Miss Pola mula sa stage.

"President!" tawag ko kay President Gunford na nakatalikod sa 'kin at tinatanaw ang kung sino. Nung sundan ko nang tingin, si Caroline pala ang minamasdan niya. "President!"

Lumingon ang matanda sa 'kin.

"We're about to start!" sabi ko.

"Ah yeah!" anang matanda bago hinawakan ang kamay ko.

Yeah, you read it right. Nakipag-holding hands talaga ang matanda sa 'kin.

"I was wondering, why is your husband there and being a partner to somebody? You two should be partner!" taas-kilay na sabi ng matanda.

So kaya pala nakatingin si President Gunford kina Caroline. Nagtataka pala siya kung bakit yung anak niya ang kasama nung "asawa" ko.

"For a change, Sir," sagot ko na lang. Ayokong masyadong magkomento.

"ONE!!!" sigaw muli mula sa stage.

Humanda kami ng matanda sa pagtakbo. Itinali ko sa bewang ko yung flag para hindi maging hadlang sa pagtakbo ko.

Muli akong lumingon sa gawi ni Zehel. At medyo nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin. Particularly, doon sa kamay ko na hawak ng matanda.

Kita kong kumunot ang noo ni Zehel. At nagtiim-bagang siya bigla bago umiwas nang tingin.

"It seems like your husband doesn't like me holding your hand," nakangiting komento ni President Gunford. "His eyes are fiercing straight through me."

Umikot lang ang mata ko.

"Well, he shouldn't let go of my hand if he doesn't like it. But he did, so its fine," sagot ko.

"TWOOOO!!"

Tumingin ako sa unahan. Walang sign ng zombies sa buong District 3. Siguro nagtatago sila. Gusto kong makarating sa finish line pero mukhang mahabang takbuhin ang gagawin ko.

Ayoko na munang intindihin si Zehel at ang kung ano mang pinag-iinarte niya. Kung ayaw niya akong pansinin, fine! Aalis na ako mamaya. Hindi ko na siya dapat pakialaman pa.

Tsh!

"THREE!"

Nagkaroon ng malakas na ugong mula sa sound system. It was an alarming sound, nagulat tuloy ako. Pero mabilis kong inihakbang ang mga paa ko bilang reaksyon.

"PRESIDENT!" sigaw ko dahil bahagyang naiwan pa ang matanda. Mabilis naman siyang nakabawi. Sumunod din agad siya sa akin.

Marami kaming kasabay sa pagtakbo. Nagsisigawan pa ang iba dahil sa excitement. Everyone run in pair. Isa kami ni President Gunford sa unang nakarating sa pinaka-starting point ng race. Ang malaking building malapit sa port.

May mga zombies na agad ang nag-aabang sa kabilang panig. Medyo kinilabutan pa ko nang matanaw ang isa sa kanila. Grabe parang totoong zombie ang nakikita ko. The makeup and prosthetics they used are first class. Yung mga lamang tila naaagnas at ang mga dugo. They looked very realistic.

GOODLUCK KAY ZEHEL! BWAHAHAHA!

Speaking of Zehel, hindi ko na siya nakita. Humalo na siya sa karamihan ng tumatakbo kasama si Caroline.

Tumigil kami sa pagtakbo ng matanda. Tumingin pa sa akin si President Gunford. "Why did we stop?" tanong niya.

Tinuro ko ang main road kung saan tumakbo ang maraming kalahok. "They'll be expecting us to run over there. Zombies are scattered all over that area. We better take a detour," sagot ko.

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon