Zila's PoV
Naging mabilis ang biyahe mula sa Vendomme hanggang sa Silicon Valley. Si Germany rin ang driver at smooth naman siyang magmaneho.
Medyo kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung para saan ang pagpapatawag sa 'kin ni Zehel. At bakit kailangang sa RedSphere pa? Pwede namang sabihin na lang niya sa bahay kung talaga.
It must be something about business. 'Yun lang ang conclusion na meron ako.
We arrived at RedSphere, earlier than I expected. Agad na nagdial si Germany gamit ang cellphone niya habang naglalakad kami papasok ng malaking kompanya.
"Mam, President Devoncourt is still attending a meeting. Do you mind if I send you at his office? You can wait for him there," baling ni Germany aa 'kin.
Tumango na lang ako. Tumataas ang anticipation level ko kaya ninenerbiyos ako. Plus, pinagtitinginan pa ako ng ilang empleyado na nagkataong dumaraan.
What? Pangit ba ako? Mukha ba akong witch? Tiningnan ko ang sarili ko. Hindi naman. Mukha lang akong... normal.
Sumakay kami ni Germany sa elevator papuntang 110th floor. Nang makarating kami dun, dinala niya ako sa isang malaki, mabango at napakalinis na silid.
Office of the C.E.O. Wew. Iba pa ito sa mga nakita kong opisina ni Zehel ah. Kaloka! Ilang opisina ba ang meron siya?
"You can sit there, Mam. The President will be here after some time," ani Germany na itinuro ang silya sa harap ng mesa.
Tumango ako at umupo sa nasabing silya. Nagpaalam na rin ang lalaki pagkatapos noon. May trabaho pa daw siya.
Naiwan akong nakatanga sa loob ng opisina. Sobrang tahimik sa loob, nakakaparanoid lalo. Nang di ako nakatiis, tumayo ako at lumakad lakad sa buong silid.
The office doesn't look much of an office. It's more of a luxury room. May malaking bintana na tanaw na tanaw ang buong Santa Clara Valley at ang San Francisco Bay Area. Gandaaa!
May painting din na nakasabit sa dingding. Shadows On A Hill by Van Gogh. I wonder kung original 'to.
The office also has a complete set of entertainment. May gaming set din at 78 inches wide LED television. Naalala kong mahilig nga pala si Zehel sa mga Portable Games gaya ng XBoX at PsP. He even made his own, that stupid Ejax that cost millions.
Cool.Dinampot ko ang isang gadget na sa palagay ko ay Yuno. Ang gaming set na produkto ng GTE-Axis at prinoduce ng RedSphere.
Inactivate ko ang device at automatic na nabuhay ang monitor ng TV. Wicked! Connected sila!
Nabuhay ang dugo ko nang maalalang Zombie Game nga pala ang Yuno. Naalala ko tuloy ang Zombie Warfare ko. Waaaah! Maglalaro ako.
Inumpisahan kong i-operate ang Yuno. Madali lang naman siyang ma-gets dahil hindi naglalayo sa XBox ang features nito.
Ang Z-Land ay adventure game na nagsisimula ang story sa isang unknown creature na nagkalat ng epidemya na kalaunan ay naging dahilan kung bakit naging Zombie ang mga tao.
Pumili ako ng bida sa sampung character na available. Si Sasha ang napili ko, isang college student na hindi takot sa kamatayan at handang pumatay kahit kelan. Ulila at may objectives na pumatay ng isang milyong zombie sa loob ng tatlumpung araw.
Psychotic character. Siya ang gusto ko.
Todo nganga ako sa paglalaro kaya nawala ang kaba ko. Busy na ulit ako sa pagpatay sa mga Zombie. Astig ang Yuno, ipaalala niyo ngang magpabili ako sa asawa ko. Gusto ko 'to!
Engrossed na engrossed ako sa pagpatay ng Zombie nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina.
"I'm sorry, Liz... I'm late! I'm just--- WHATDAHELLAREYOUDOING?!"
Muntik na akong mahulog sa sofa nung marinig ang boses ni Zehel. Mabilis akong lumingon sa lalaki at napanganga ako nung makita siyang nakaturo sa nilalaro kung saan naka-zoom in pa naman ang mukha ng Zombie.
Kitang kita kong biglang namutla ang mukha ni Zehel. Nagkulay sukang puti ang pisngi niya. Inay ko po! Takot nga pala si Mister sa Zombie!
"Aah!" gulat na sigaw ni Zehel. Mukha siyang matutumba kaya naibato ko 'yung console na hawak ko sa kung saan at tinakbo ko agad si Zehel.
BINABASA MO ANG
Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)
HumorAVAILABLE FOR PRE-ORDER! DM WESAPH OFFICIAL ON FB FOR SLOTS! May nag-offer sa'kin ng kasal, tinanggap ko. Malay kong para sa kakambal ko pala ang alok na'yun! At ayaw niyang maniwala na hindi ako ang kakambal ko! Bra, anong gagawin ko? -GodZila