XXX

9.8K 343 40
                                    

  Zila's Pov

Holy freakin' mama mia! Ito na ba? Ito na ba talaga? Magkakaroon na ba ng katuparan ang lahat? Lahat ng pinapangarap ko? De joke lang. He he.

Katuparan ng kinatatakutan ko? Oh noes!

Nag-sign of the cross ako habang nakikipag-face to face sa sahig. Gusto kong sumuot sa ilalim ng kama pero naninigas ang katawan ko.

Mula sa pagkakadapa, dahan-dahan akong sumilip sa ibabaw ng kama at nanlaki ang mata ko nang makita si Zehel, nagtatanggal ng pantalon niya.

Shutang anak ng pitong talong!!!

Umiwas ako nang tingin at pinigilan ang pag-agos ng dugo sa ilong ko sa pamamagitan ng pag-umpog ng noo ko sa sahig. Grabe! Hindi ko ma-take! Nasisilaw ang dinosaur sa katawan ng halimaw! Aaaah! Godzila, run!

Abs naman kasi... bakit ka pa naimbento? Pinahihirapan mo ako!

"LIZA!!" sigaw ni Zehel.

"Ay Liza!!" gulat kong sagot. Sumulyap ulit ako kay Zehel at nakita kong naka-BOXER short na lang siya!! Holy mustard sauce!! Pumunta yata sa ulo ko lahat ng malanding dugo sa katawan ko. Kung anu-anong imahe ang nabuo sa isipan ko habang tinititigan si Zehel.

Kasama na doon ang... ang... aaaaaahhh! No! No! No! No! Hindi ko pa kaya!

Inumpo ko ulit ang noo ko sa sahig.

"Oh god," wala sa sariling sabi ko. "Lumayas ka demonyong mapanghikayat ng kalaswaan at kaberdehan, inuutusan kitang lubayan ako! Now na, sa ngalan ng Ama ko, Ina ko at ni Zehel na ngayon ay hubad sa harap ko---"

"ANO BANG SINASABI MO DIYAN, LIZA!!?" sigaw ulit ni Zehel. "I'LL COUNT ON THREE... KAPAG HINDI KA LUMAPIT SA 'KIN... MASASAKTAN KA!!"

Napanguso ako nang wala sa oras. Kailangan ba talaga lagi siyang magbabanta? The heck!

"One!"

Umupo ako sa sahig at wala sa loob na lumingon kay Zehel.

"Two!"

"Oo na! Oo na! Heto na... tatayo na po!!" agaw ko sabay tayo at sampa sa kama. Muntik pa akong bumaliktad dahil sobrang lambot nung kama ni Lesana. Umupo ako sa kama at nakangusong humarap kay Zehel. "O heto na po! Malapit na ako sa inyo!" Gosh! Bakit parang may sumasakit sa puson ko habang nakatitig kay Zehel?

Madilim pa rin ang expression ng mukha niya. Pero somehow, I saw some glint of mischievous light from his eyes. Gusto ko tuloy malaman kung ano ang nasa isip ngayon ng lalaking 'to.

Iniwasan ko pa rin ang mapatingin sa katawan ni Zehel. Gosh, his body could kill me in no time. Cause of death; drained of blood and insufficient supply of oxygen. Di nakahinga ang dinosaur. Tigok!

Unti-unting nawindang ang mundo ko nang sumampa sa kama si Zehel. Pinigilan ko ang tumakbo palabas ng kuwarto sa takot pero di ko ginawa dahil baka isipin ni Zehel na duwag ako. Kahit naduduwag na talaga ako.

"Er... Zehel.. sigurado ka ba i-ito ang gusto mong mangyari? I mean... hello. Three days pa lang tayong kasal at--- anak ng kabayong bakla!!!" nahindik ako nang bigla akong itulak ni Zehel pahiga sa kama. "Ano ba?! Bakit ka nanunulak?!"

Nagpanic lahat ng nerves ko nang tumunghay si Zehel sa 'kin at... DAGANAN AKO! Holy crap!! Ampotang bayawak! Panic lahat ng hormones ko nang dumikit ang hita ni Zehel sa hita ko at ipitin yun. Tapos hinawakan niya nang mahigpit ang dalawang braso ko.

Nanlalaki ang mata ko nang salubungin ng tingin ang kulay itim na ngayong mata ni Zehel. The darkness of it... glinting dangerously, yet mesmerizing and smizing like a--- hell!! Ano bang pinagsasasabi ko?!

Million Dollar Bride (Soon to be Publish the Vol.1&2 Under WESAPH OFFICIAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon