Prologue
Malakas ang buhos ng ulan, at kalat na ang dilim sa paligid. Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon, walang paglagyan ang galit at poot na kumakain sa buong pagkatao ko.
"Iniwan mo ako! Tapos ngayon babalik ka? Huli ka na, dahil may mahal na akong iba, pinagmukha mo akong tanga! Bakit ha? Bakit mo pinili maengaged sa iba? Dahil ba mas gwapo sya? O baka naman dahil mas mayaman sya.. Di ko akalain na ganyan ka pala kadesparada.."....wala na akong pakialam kung ano na ang lumalabas sa bibig ko.. Gusto kong maramdaman din nya ang sakit.. Yung sakit na halos pumatay na sakin.
Parehas na kaming basang basa ng ulan. Tiningnan nya ako deretso sa mata, nakita ko pa ang pagpatak ng luha nya o baka naman basa lang ng ulan. Sya? Iiyak? Eh sinaktan nga nya ako at ginago.. Screwed this fvcking life of mine.
She smiled. Pero di umabot sa mga mata nya. Damn! Niloko at iniwan ka nya, wag kang magpadala, umaarte lang yan. Sigaw ng isang bahagi ng utak ko..
"Di ko akalain na ganyan pala kababa ang tingin mo sakin.." she said, kasabay nun ang sunod sunod na pagpatak ng luha nya. I smiled bitterly.
"Alam mo ba kung anong tumatakbo sa isip ko ngayon ha?" sabi ko at tiningnan sya mula ulo hanggang paa..
"Iniisip ko kung binigay mo na din ang sarili mo dahil sa pera at------PAKKKKKK"
Napamulat ako dahil sa lakas ng sampal sakin..
"Wengya, labas na yung litid ko kakasigaw sa labas ng kwarto mo at ubos na din ang isang basong tubig pero di ka pa din nagigising,, kala ko binangungot ka ng gago ka"- iretableng sabi ni Young,..
"Gago! sakit ng sampal mo.." reklamo ko at napahawak sa mukha.. At ngayon ko lang napansin na basang basa pala ang mukha ko.
Panaginip? Anong klaseng panaginip yun? At sino yung babae?
"Ano? Ilang oras pa kayo tatanga? Mauunahan na naman tayo nina captain taena!" narinig kong sigaw ni Dela Cruz..
"Ano bang meron?" tanong ko, at inumpisahan bumangon mula sa kama ko. Bakit ganun? Bakit parang totoo ang lahat? Ang bigat sa pakiramdam.. Ngayon lang ako nanaginip ng ganun..
"Tungunu mo! Spencer! enrollment day ngayon, college ka na gago! At may pustahan tayo nina captain wengya, napuyat ka na naman sa pagpapantasya mo sakin!" binato ko ng unan si Gibson, ang aga aga mang asar ng hayop na to..
Napansin ko na bihis na bihis na sila.. Nagkibit balikat na lang ako at pilit na kinalimutan yung panaginip ko.. Mabilis akong nagtungo sa banyo at naligo..
Pero kahit anong balewala ko sa panaginip ko, di pa rin mawala yung pakiramdam.
May nabasa akong libro dati tungkol sa mga panaginip, sabi dun sa nabasa ko, na yung panaginip mo, mangyayari pagkatapos ng maraming taon.. Ibig bang sabihin, na yung panaginip ko kanina, mangyayari din pagkatapos ng maraming taon?? Eh di ba, sabi ng karamihan na ang panaginip daw ay kabaliktaran..?
"Sige lang Spencer tagalan mo pa taena ka, pag tayo natalo sa pustahan wengya ka ibabalik ka namin sa sinupupunan ng ina mo!" narinig kong sigaw na naman ni Young.. Pero di ko sya pinansin.
Paano ko malalaman na nangyari nga ang isa sa mga panaginip ko kung maraming taon pa ang kailangan para mapatunayan? Kalokohan, panaginip ay mananatiling panaginip na lang ng tao.
At kung tatanungin nyo ako kung gusto ko bang mangyari yung panaginip ko kanina? Aba naman, gago lang? Nasasaktan kaya ako dun sa panaginip kong yun, bakit ko pa gugustuhin mangyari yun.. Sa inyo na lang, isasali nyo pa ako..
BINABASA MO ANG
My Pick Up GIRL
Teen FictionJAGUARS' SERIES 2: Johnny Spencer "Nakalunok ka ba ng kwitis? Pag ngumiti ka kasi may spark.." Babae lang ba ang kinikilig? E paano naman kaming mga lalaki? Wala ba kaming karapatan kiligin kapag bumanat na kayong mga babae? Para sa kaalaman nyo, ki...