Chapter 4:Wattpad Book

49 11 0
                                    

Blyth's POV
Year 2017

Simula nung araw na 'yon hindi na ako nakatulog ng maayos.Everytime kasi na ipipikit ko ang aking mata ay pagmumukha niya ang sumasalubong sa akin.

Sa totoo lang hindi ako natutuwa sa mga nangyayari sa akin ngayon.Ito ang kauna-unahang beses na nagkaganito ako dahil lamang sa isang lalaki.

Baka naninibago lang ako kasi first time ko magkaroon ng bestfriend na lalaki kaya ako nagkakaganito?Naku tama tama!Yun nga.

"Blyth may bago akong libro!Kakabili ko lang nito nung makaraan sa National Book Store"nakangiting lumapit sa akin si Mei habang may dala-dalang makapal pero maliit na libro.Inilapag niya iyon sa aking mesa at binasa ang titulo.

The writer's block?

Nakaramdam naman ako ng excitement at pagkauhaw nang mabasa ang titulo niyon kaya hindi na ako nag-alinlangan pang humingi sakanya ng permiso."Mei pwede bang hiramin ko muna ito?"

"Syempre naman!Kaya nga nilapitan kita kasi alam kong mahilig ka sa pagbabasa.I swear,magagandahan ka sa kwentong iyan."lumapad naman ang aking ngiti.Ang sarap lang malaman na may isang tao na alam na alam ang mga bagay na kinahihiligan mo.Masarap pala talagang magkaroon ng kaibigan.

"Yiee thank you bes!"sabay yakap ko sakanya.Pagka-alis niya ay agad kong binuklat ang libro at nag-umpisa ng magbasa.

Unang kabanata pa lamang makakaramdam ka na ng excitement.Kaya kapag natapos ko ng basahin ang isang kabanata hindi ko maiwasang ipagpatuloy ang pagbabasa sa bagong kabanata.Mabuti nalang at halos lahat ng subject namin ngayong araw ay hindi nagdidiscuss at nag-iiwan lang ng task.

Sumapit ang lunch time at patuloy parin ako sa pagbabasa.Ni-hindi ko nagawang kumain kasi nasa libro lang ang atensyon ko.Kapag ako kasi nakapagsimulang magbasa ng libro hindi ko na iyon titigilan pa.Hindi ako makakaramdam ng gutom hangga't hindi ko pa iyon natatapos.Ganyan ako kadesperada pagdating sa mga libro.

~*~

"Blyth"tawag sa akin ng aking katabi.Nakaupo kami sa pinakadulo at huling row ng mga upuan sa right side.

(Ako yung baboy tsaka yung seatmate ko naman yung unggoy)

🐶🐶      🐶🐶       🐷🐵
🐶🐶      🐶🐶       🐶🐶
🐶🐶      🐶🐶       🐶🐶

Isang araw pa lang ang nakakalipas ngunit malapit ko ng matapos itong The writer's block.2 pages left.

"Yes Carl?"and yep.Tama kayo ng binabasa.Seatmates na naman kami.Kung kelan iniiwasan ko na siya tsaka pa kami paglalapitin ng tadahana.Tsk

2 pm na pala at malapit ko ng matapos itong binabasa ko ngayon.Ako kasi yung klase ng reader na mabilis magbasa pero naiintindihan naman ang kwento.

"Tapos mo na basahin yan?"I nod habang hindi siya tinatapunan ng tingin.Patuloy ko paring binabasa ang panghuling parte kahit na tapos ko ng basahin iyon.Para lang makaiwas sa nakakatunaw niyang tingin.

"Pwede bang manghiram?"

"Oo naman.Pero manghingi ka na muna ng permiso kay Mei."nakita ko naman sa peripheral eye view ko na tumango siya.Naramdaman ko namang tumayo siya at narinig kong kinausap niya si Mei at nanghingi ng permiso.Pinahintulutan naman siya nito kaya otomatik na inilapag ko na ang hawak-hawak na libro at napabuntong-hininga.

Naramdaman ko ulit na umupo siya sa aking tabi at nakangiting sinalubong ako.Binigyan niya ako ng pwede-na-ba look at tumango naman ako bilang tugon.Ipinasa ko na sakanya ang libro at marahan na kinuha naman niya ito.

"Vampire vampire 'to?"at tumango lang ulit ako.Nahihiya talaga ako sakanya.Ewan ko nalang kung papaano siya haharapin.Hindi ko alam na ganito pala ang epekto sa akin yung nangyari.

"Maganda yan.Basahin mo hanggang sa huli ha?"sa wakas ay nagsalita narin ako.Para naman hindi niya mahalata na nahihiya ako sakanya.Sinubukan ko ang aking sarili na hindi mautal sa tuwing sasagot ako sakanya.Buti nalang at nakikisama itong bibig ko.

"Shems ang ganda nga!Grabe ilang araw mo ito nabasa?"tanong niya sakin habang nakatuon panangin sa libro.Ganun din naman ako,nasa libro lang din ang aking atensyon.

"Isang araw at kalahati"nagitla naman ako ng sinara niya iyon tsaka mangha-manghang humarap sakin.

"Isang a-araw?!.at kalahat?!Eh ang kapal nito eh!"

"Hindi kaya.Sakto lang"hindi na siya kumibo kaya nanatili nalang akong tahimik.Siguro seryoso na siya sa pagbabasa kaya hindi ko na muna siya guguluhin.Baka masapak pa ako,delikado na.

"Ang ganda ng part na'to!Ang ganda ng story!"sinilip ko yung libro para tignan kung anong kabanata na ba siya.Ngunit hindi ko ito makita ng maayos kasi nilalayo niya ito na tila ayaw niyang ipabasa sakin yung part na yun baka ma-spoil siya.

Pinilit ko paring tignan iyon.Hindi naman kasi ako mang-spo-spoil!Mabait kaya akong bata."Oi humo-hokage na si Sensei!"nagulat ako sa pagbiglang sigaw ni Earl sa likod ng aking tenga.Napagtanto ko na napasandal na pala ako sa balikat ni Carl dahil pinipilit kong basahin ang librong iyon.Naramdaman ko namang nag-init ang aking pisngi at napatingin nalang sa sahig.

Napalingon naman ako kay Carl ng magsalita siya."Huwag ka ngang makealam Earl.Hayaan mo siya"at para naman akong natunaw nang ngumiti siya sakin.Shems,bakit ka ganyan?

Nagulat pa ako ng kusa niyang isinandal ang ulo ko sakanyang balikat at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa.Ako naman na si ewan,parang baliw na gulat na gulat sa mga naging pangyayari.Sobrang bilis ng tibok ng aking puso na parang gust na nitong kumawala sa aking katawan.

Lord,tulooooonnnngggg!

"Aww Earl.Pinagpalit ka na ni Blyth.Kawawa"at eto na naman si Giomar.Hindi pala masungit itong lalaking 'to eh.Masyado lang siyang mapang-asar.Siya yung puno't-dulo kung bakit may naging ka-loveteam ako.Tsk.

"Carl.Ingatan mo si Blyth ah?"tinapik-tapik niya pa ang balikat nito na parang tatay na naghahabilin sa manliligaw ng kanyang anak.

Inalis ko na ang aking pagkakasandal dahil sa kahihiyan.Sinulyapan ko pa si Carl na ngayon ay tumatawa lang dahil sa pinagsasabi ni Earl sakanya.

At dahil feeling ko namumula na ang aking mga pisngi ay ipinatong ko nalang ang aking ulo sa aking mga braso sa ibabaw ng lamesa tsaka nagkunwaring tulog.

Hindi ko kayang harapin si Carl kapag tinutukso-tukso nila kami.First time ko kasing magkaroon ng ganitong sitwasyon.Yun bang ka-close mo yung tinutukso-tukso nila sa'yo?

Hindi katulad nung Grade 6 ako,hindi naman kami close ni Bellie which is yung ka-loveteam ko.Ewan ko ba kung papaano nagkaroon ng loveteam sa gitna namin?Basta ang alam ko lang ay related sa position namin,President kasi siya tapos Vice President ako.At siya yung tinutukoy kong Top 1 palagi na hindi ko naman nalalampasan.Ewan ko ba o sadyang matalino lang talaga itong taong 'to kaya nasa Top 2 lang bagsak ko.And para malaman nyo,gwapo din 'to.Si Teacher Rose talaga ang may pakana niyan eh kaya nagkaroon ng loveteam.Hindi ko tuloy ma-approach si Bellie kasi napangungunahan na ako ng hiya.

Pero mygad gusto kong matulog nalang dito habang buhay!

I promised to myself na hindi ako magkaka-crush.Pero ano itong nararamdaman ko?

I wish hindi ito totoo.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon