Chapter 22:Meet the Marquez and Bejar Brothers

49 10 3
                                    

Blyth's POV
Year 2020

Ano bang susuotin ko? hmm jeans?leggings?jogging pants?

Tsk!Ang hirap talagang pumili ng damit.

Pupunta kasi ako ngayon sa bahay nila Aimreal.Doon ako mag-o-overnight.Gusto ko rin kasi makatakas kahit panandalian lang sa gulo dito sa loob ng aming pamamahay.Mabuti't hinayaan lang ako ni Mama na doon matulog.

Kinuha ko na ang aking maliit na bag tsaka pinasok doon ang aking pajamas,toothbrush at etc.Jogging pants ang sinuot ko at maliit na gray shirt na yumayakap sa bawat hubog ng aking katawan ang aking pang itaas.Dinidipina nito ang kurba ng aking baywang.

Sinuklayan ko ang aking buhok ng isang libong beses bago ko ito nilagyan ng hairpins sa harap.Tig-aapat sa bawat side.Jennie Kim ng pinas 'to huwag kayong ano!

Pagkatapos ay naglagay narin ako ng pulbo at liptint.Pampakulay lang ng aking mukha na parang patay.

Pagkatapos ng seremonyal ay isinuot ko na ang aking puting sapatos tsaka nagtungo sa munting garahe para kunin ang aking bisikleta.

Mabilis ko itong pinaandar patungo sa malapit na convenience store.Bumili ako ng mga makakain katulad nalang ng piatos,nova,potato chips,gummies at marami pang iba.Bumili narin ako ng canned drinks tsaka isang pack ng yakult,pitong chuckie,at pitong fresh milk.Hindi yata ako mabubuhay kapag wala ang mga 'to.

Pagkatapos kong magbayad ay inilagay ko ang plastik sa basket ng aking bisikleta tsaka ulit nag-pedal.

Pagkarating ko sa harap ng kanilang gate ay agad akong nag-door bell.Pinagbuksan naman ako sa isa sa mga katulong nila.And yep mayaman nga sila.

Ang pamilya nila ang may-ari sa isa sa pinakasikat na hotel dito sa Cebu.Ang Hotel de Marquez.

Kaya nga anglakas nilang umenglish sa'kin eh!Hmp.

Pagkarating ko sa main door ay walang sumalubong sa'kin.

"Good evening po Manang.Nasaan po si Aimreal?"tanong ko kay Manang na siyang umalalay sa akin papasok dito sa mansion.

"Ay nasa itaas pa iha.Sabi niya idederetso nalang kita sa guess room para mailagay mo na ang iyong mga dala"tumango na lamang ako bilang tugon tsaka sinundan si Manang sa paglalakad.Umakyat kami sa second floor.Tsaka lang kami huminto sa paglalakad ng makarating na kami sa kwartong may kulay kayumanggi na pintuan.May nakasulat pa ditong Guess room #1.Sa dami siguro nilang kwarto dito ay pinangalanan nalang nila.Ayos din 'to para hindi ka-malito.

"Oh?Mommy Blyth!!"nakangiting si Ammiel ang sumalubong sa'kin pagkabukas ni Manang sa pintuan ng Guess room.

"Hi Ammiel!Kumusta?Namiss kita!"niyakap naman niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik.Mommy Blyth rin ang tinatawag niya sa'kin.Gaya-gaya daw kasi siya sa Ate niya.

"Bakit nandito ka sa kwartong ito?"may halong pagtataka kong tanong.

"Ay.May kinuha lang kasi ako sa loob.Naiwan kasi dito yung laruang sasakyan ni Caleb.Bumisita kasi sila Lolo kaya dito siya nakapaglaro ng mga laruan na regalo lang din sakanya nila Lolo.Dito ka ba matutulog Mommy?"tumango naman ako bilang tugon.

Nagbibinata na siya.Lagpas na siya sa height ko ngayon kesa noon.Lumalabas na din ang kagwapuhan nito.Parehas sila ng kuya niya,kulay light brown ang kanilang mga mata.Parehas na maninipis at mapupula ang kanilang mga labi.Ang pinagkaiba lang ay mas maputi itong si Ammiel kaysa sa Kuya niya.Parehas rin na matangos ang kanilang mga ilong.At sa ngayon,lumalim na ang kanyang boses.Nagbibinata na nga.Parehas rin sila ng attitude ngunit itong si Ammiel hindi lang makulit at masiyahin sa mga kilalang tao,pati narin sa ibang tao na hindi niya kilala.Si Kuya Angelo kasi snobber at ubod ng sungit yun kapag hindi ka niya kilala o kaya naman ay hindi niya ka-close.Mahahaba ang kanilang itim na buhok ngunit mas mahaba nga lang itong kay Ammiel,tinatali nga niya ang kanyang mahabang buhok na siyang dahilan kung bakit nakaturo ito sa itaas.Dahil sa signature na tali niya sakanyang buhok ay mas nagiging iconic ito sakanya.Kilala siya bilang bokalista sa isang sikat na banda.Taray ng papshie niyo ano?Kung akala niyo ay silang dalawa lang ang gwapo dito nagkakamali kayo!Lima silang magkakapatid at isa lang ang babae which is si Aimreal.Kaya may apat na gwapo dito sa pamamahay—ay mali tatlo lang pala kasi baby pa yung isa na si Baby Caleb.Pero kahit na!Soon to be gwapo narin yun.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon