Blyth's POV
Year 2019Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit pagkadilat ko isang napakadilim na lugar ang sumalubong sa akin.Hindi ko alam kung nasaan ako o kung papaano ako napunta dito.Pero isa lang ang nasisigurado ko,buhay pa ako.
Sariwa parin sa isip ko ang mga kahangalan na ginawa ko sa aking sarili.Nagsisisi ako dahil nagpadala ako sa galit at hinanakit.
"Hello?"sabi ko habang inililibot ang aking paningin sa lugar.Ilang hakbang pa ang ginawa ko ngunit parang naglalakad lang ako sa kalawakan na walang mga bitwin.
Maya-maya pa ay may nasilayan akong liwanag sa bandang likuran ko.Nakakasilaw na liwanag.
Paglingon ko ay napakunot ang aking noo.
Anong ginagawa nila dito?
Sinubukan ko silang tawagin ngunit hindi ko maibuka ang aking bibig.Pilit ko rin hinahakbang ang aking mga paa ngunit tila na estatwa ako sa kinatatayuan ko.I tried to reach them pero ang layo nila—malayo kahit ang lapit lapit lang nila.Hindi ko alam pero parang may humaharang sa pagitan namin.
Taimtim lang nila ako tinitignan.Nakangiti.Parang natatawa.Inaasar.Walang pakealam.
Gusto kong umiyak.Nasasaktan ako dahil sa mga mapanghusgang tingin nila.
Bakit ganyan makatingin ang mga kaklase ko?Bakit kasama nila si mama at kapatid?Bakit...nasa gitna nila ang bespren ko at binibigyan ako ng tingin...nakakalokong tingin habang nakangisi.
Anon ibig sabihin nito?
Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng aking mga luha mula sa aking mga pisngi.Hindi ko maintindihan ang senaryong ito.Anong gustong ipahiwatig nito?
Feeling ko ako lang mag-isa.Walang kaagapay.
Magsasalita na sana ako ng inunahan niya ako.
"Blyth"hindi ko maibuka ang aking bibig kaya nanatili lang akong nakatayo.Hinihintay ang susunod na sasabihin ng best friend ko.
Carl
"Hindi ka dapat nandito"naguguluhan man ay nanatili lang akong tahimik.
"Hindi dapat naririto ang mga taong kagaya mo"at isang ngisi ang gumuhit sakanyang mga labi na siyang nagpadurog sa puso ko.Bakit?
"You don't belong here.You know why?"he looked at me.Nanatiling nakangisi.Para bang isang saglit nawala yung best friend na kilala ko.Yung best friend na iniingatan ko ng lubos.Yung best friend na mahal na mahal ko."Because you're nothing"
Tatlong salita lang yun.Tatlong salita lang ngunit ang laki ng epekto sa'kin.Tila ba gumuho ang napakakulay kong mundo sa tatlong salita na yun.
I am nothing...is it true?
"Can't you see?"
See what,Carl?
"Nobody likes you.Nobody cares for you.Nobody wants you.Nobody loves you..including me."ang kaninang ngisi ay napalitan ng pagkaseryoso.Parang tinusok ng napakaraming karayom ang aking puso.Hindi ko namalayan na napahagulgol na pala ako.
BINABASA MO ANG
Hiling
عاطفيةBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...