Blyth's POV
Year 2030
Present Time"Congrats anak!"the moment that I took one step away from that hell,everyone welcomed me with their warm hugs.
Ay mali—(maka everyone 'to akala mo kadugo rin ang mga taong nasa labas.Hays.)niwelcome pala ako nila Mama at Kuya.Nakakarga kasi si Zion kay Mama.Ayaw sigurong mapalayo kay nanay.
Kung nagtataka kayo kung bakit nila ako kino-congrats,well may good news kasing dumating.
Sabi ni Doctor Luz,magaling na daw ako at pwede na akong makalabas dito sa ospital—morelike,mental ospital.Ngunit hindi ibig sabihin n'on ay magaling na ako totally.Maaaring bumalik ulit topak ko kapag may mga bagay na nakakapag-stress ulit sa'kin.Kaya advice ni Doc. kina Mama,iwas-iwasan ko daw gumawa ng mga bagay na makaka-cause sa'kin ng depression.
Habang nasa impyerno ako,andami kong napagtanto.Pinaniwalaan ko na sina Mama na wala talaga.Na imahinasyon ko lang ang lahat at nahihibang lang ako.
Imahinasyon ko lang mga kaklase ko.Sila Mei,Anthonette,Kiara,Aimreal,Ate Lorena at Wesley,Carl at Moses.Sina Kuya Angelo,Ammiel,Caleb,at Ashka.Lahat-lahat!Imahinasyon ko lang.
Nalaman ko din mula kay Doc. na may sakit ako na kung saan gumagawa ako ng sarili kong mundo o tinatawag na imahinasyon(ng hindi ko namamalayan)na nagpapasaya sa akin dahil sa mga pangyayaring lubos na ikinapipighati ko sa reyalidad.
Ang sakit lang.Yung akala mong totoong mundo,peke pala.
Nalaman ko rin na apat na taon na akong nandito.Minsanan ay umuuwi ako sa bahay namin para hindi ko daw makasanayan na tumira sa ospital.
Kaya pala nakakalabas ako at kung saan saan nagpupunta.
At yung sinabi ni Kuya na siya lang ang nag-aaral sa aming dalawa?Well totoo ngang si Kuya lang ang nag-aaral sa isang school.Hindi totoong hindi ako nag-a-aral,actually nalaman ko na nag ho-home studying pala ako.May kaibigan kasi si Mama na nag-volunteer para i-home study ako.Malaki daw ang utang na loob ng kaibigan ni mama sakanya kaya bilang pagbalik ng utang na loob,ay tinulungan niya kami.Naka-graduate na ako,at ngayon pwede na akong maghanap ng trabaho.
"Ma.Pagod na ako,tara umuwi na tayo"nabalitaan ko din pala na lumipat na sila Mama.Kung saan 'yun?Hindi ko alam.
Grumaduate at nagtratrabaho na rin kasi si Kuya kaya nakabili siya ng bahay at lupa.Doon siya sa Korea kasalukuyang nagtratrabaho.Umuwi lang siya dito sa Pinas para makita ulit ako.Matutuwa na sana ako kaso naalala kong sutil pala 'to.
Huminto kami sa harap ng isang itim na kotse.Nakatayo lang ako sa gilid habang pinagmamasdan ang aking pamilya na pumapasok sa loob ng kotse.Akmang isasarado na sana ni Mama ang pinto ng makita ako.
"Anak!Pumasok ka na,doon ka sa back seat"tinuro niya ang bandang likuran ng kotse.Tumango ako at walang imik na pumasok sa loob.
Nakakapanibago.
Parang kailan lang,gumagapang pa kami sa hirap.Ngayon,aba may pa kotse na.I wonder kung gaano kalaki ang bahay namin ngayon.Ilang rooms.Ilang floors.Ilang maids.Gaano ba kalaki ang T.V.If may mini bar ba.Kung ilang kotse ang nasa garahe namin.Pero na-a-alala ko.Pinagbawalan ko na pala ang aking sariling mangarap ng imposible.Baka kasi kapag nangyari sa akin ang mga bagay na imposible ay madi-disappoint lang ako if malaman kong peke lang pala ang lahat.Na nag-iimagine na naman ako.Ansakit lang isipin.
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...