Blyth's POV
Year 2018"Oi ano ba yan!Lagpas 10 na oh.Kailangan ko ng umuwi."dismayadong sabi ko.Kasalukuyan kasi akong nasa bahay ni Carl.Simula nung nag-encode kami para sa subject naming computer ay madalas na akong tumambay sakanila kapag gabi.Malapit lang din naman yung samin dito kaya hindi ako nag-aalala na umuwi.
"Ayts sayang.Wala man lang tayong napanood na kahit isang movie.Di bale na nga lang,balik ka dito bukas ah?"
"Opkers naman!Sige babye naaa"akma akong aalis ngunit pinigilan niya ako."Teka Blyth,ihahatid na kita."tumango nalang ako bilang tugon tsaka umuna ng lumabas.
Hindi naman masyadong madilim sa tinatahak naming daan.May mga ilaw din kasi galing sa mga poste kaya kahit papaano ay nakikita namin ang aming dinadaanan.
"Bes,naaalala mo yung nag-encode tayo ni Giomar nung Grade-8,para sa script natin sa movie?"biglang sumagi sa isip ko yung alaala na yun.Dahil sa pag-eencode namin ay naging ka-close ko si Giomar.Scriptwriter kasi ako nun tapos sila yung taga-encode.At dahil nasa sakin yung script ay sinama nila ako sa page-encode.
"Oo naman.Bakit ko yun makakalimutan eh isa iyon sa masayang alaala ko."napalingon ako sakanya na ngayon ay nakatingala lang sa kalangitan habang dahan-dahang naglalakad.
"Sana maulit yun diba?Napakasaya natin sa mga oras na yun."napasimangot nalang ako sa ideyang hindi na yun mauulit.Maliban sa hindi na ako naging scriptwriter ulit at wala na kaming project na movie making ay ayaw ko ng maulit iyon.Ansakit kaya sa ulo kapag kulang na kulang yung tulog mo tapos may pasok ka pa kinabukasan?!Eh hindi nga ako natulog nun eh.6 am nandoon na ako dapat sa school.Dapat gising na ako 5 am.
"Gusto mo rin bang maulit yung sermon ng mama mo sayo dahil alas 4 ng umaga ka na nakauwi?Hahahaha"napatawa nalang ako.Sa totoo lang napagalitan lang naman ako nun dahil hindi ako humingi ng permiso sakanya.Kaya sa susunod na may project kami na ganito ay magsasabi na ako sakanya para alam niya at hindi na siya mag-alala pa.
"Pfft.Pero hindi ko parin nakakalimutan yung lasa ng Sting.First time kong makainom ng ganun.Ang sarap pala."napatawa naman siya.
"Sa pagkakatanda ko binili yun ni Giomar para sa sarili niya eh.Para hindi siya antokin.Ngunit ikaw yung umubos.Pero sa huli ikaw rin ang na-knock down.Hahahaha hindi ba tumalab?"
"Hindi kinaya ng mga mata ko eh.HAHAHA di bale na nga,sakanya naman yung bottle nun.Sakin lang yung laman."at sabay kaming napatawa.Ang tahimik na ng paligid ngunit ang ingay-ingay namin.Hindi tuloy maiwasang pagtaholan kami ng mga aso.
"Ano nga ulit yung pangalan ng anak natin?"napatigil naman ako sandali.Ayaw ma sink-in ng utak ko yung sinabi niya.
T-teka ano daw?A-anak?
"H-huh?Pinagsasabi mo?K-kailan pa tayo nagkaanak!"sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili ngunit taksil talaga itong dila ko,may pautal-utal pang nalalaman.
"What I mean is ano ang pangalan ni Giomar.Diba lahi tayo ng mga aso?Hahahah"napasapo nalang ako sa aking noo.Tanga!Bakit mo kinalimutan yun?!Huhu
Nagpatay malisya naman ako."Ahh ano BULLdog + SHITzu =BULLSHIT"at ayun.Naghagalpakan kami ng tawa.
"Mommy bulldog,where's our baby Bullshit?HAHAHAHHA"kung nandito lang sana si Giomar eh tatlo na kaming nagpagulong-gulong sa kalsada dahil sa sobrang pagtawa.
"Baliw HAAAHAHA teka nga ayaw ko na.Baka may humabol sating aso eh.Baka habulin tayo ni Bullshit HAHAHAHAHA"dagdag ko pa.
"Tangina hahahaha hindi yung makakahabol kasi busy yun sa baboy niya."tinutukoy niya naman si Mei.Pambansang baboy siya kung ituring ng aming mga kaklase.Naging zoo yata kasi yung classroom namin eh.Si Mei daw ay baboy,tapos si Moses ay isang kanding.Si Anthonette ay tarsier.Panda naman si Kiara.At panghuli si Carl ay isang unggoy.
Ewan ko lang ha kung bakit naging baboy yung kay Mei eh hindi naman siya mataba.Baka sa double chin nya?Ay basta ang alam ko kaya kanding si Moses ay dahil sa bigote niya.Si Carl naman ay unggoy dahil sa tenga nito.Si Anthonette dahil sa mga mata at si Kiara dahil sa eyebags niya.
Sa katunayan may pambansang prutas din sa classroom namin eh.Si April.Dahil daw sa hugis ng kanyang mukha kaya siya binansagang mangga.Sabi pa nga nila Mei na may naligaw daw na prutas sa zoo HAHAHAHA.
Sabi pa nga ng adviser namin na si cher Pretz ay tila daw naging zoo yung classroom namin.
"Oo nga."habang naglalakad ay patuloy lang kami sa pagkwekwentuhan.Wala yatang ni-isang minuto na tumahimik kami.Puro random things pinag-usapan namin.Minsan about sa school works o di kaya ay throwback memories namin simula nung Grade 7.
"Oh sha.Nandito na tayo.Bukas ulit Blyth ah?"hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa gate ng apartment na tinitirhan ko.Napahaba yata yung kwentuhan namin kaya hindi ko napansing nakarating na pala kami.
"Opo Daddy Shitzo.HAHAHA salamat sa paghatid.Ingat ka pauwi tsaka alagaan mo ng mabuti si baby bullshit ah?"
"Opo maam!"nagsalute pa ito.Bago tumalikod at naglakad papaalis.Tinignan ko muna siya para siguradong okay lang siya papauwi.Ngunit hindi pa nga siya tuluyang nakakaalis ay huminto ito.Nagtaka naman ako ng bumalik ito sa pwesto ko.
"Oh?Bakit ka bumalik?May naiwan ka ba?"nagtatakang tanong ko sakanya.
"W-wala hehe.U-uhm hatid na kita hanggang sa mismong apartment mo.Para masigurado kong ligtas ka"naramdaman ko namang nag-init ang aking mga pisngi.Juicecoloreddd buti nalang madilim na kaya hindi niya mahahalata ang pamumula ng aking mga pisngi.
Pinakalma ko ang aking sarili at salamat naman dahil nakisabay itong dila ko at hindi na nagtaksil."Eh hindi mo naman kailangan gawin yan.Malapit na kaya ako.Ilang lakad nalang.Sa katunayan ikaw nga dapat ang samahan papauwi eh."napangiti naman siya tsaka ginulo ang aking buhok.
"Wag ka ng makulit bulldog.Tara na"hindi pa nga ako nakapagsalita ay umuna na siyang pumasok.Napakibit-balikat nalang ako at sinundan siya.Alam niya kasi kung anong door number ko kaya hindi na niya kailangan ng guide ko.
"Ayan,nandito na nga tayo.Safe na po ako boss.Pwede ka ng umalis "ani ko.
"Hindi pwede.Hindi ako aalis hangga't hindi ka pa pumapasok."napasimangot naman ako.For sure hindi ako mapapakali nito kasi gusto ko talaga siyang sundan ng tingin habang umaalis eh.Baka may mangyaring masama sakanya.Syempre konsensya ko na yun kasi ako ang dahilan kung bakit siya napahamak–kung mangyayari man yun.
"P-pero—"magsasalita pa sana ako ng biglang itinapat niya sa bibig ko ang kanyang hintuturo.Senyales na pinapatahimik ako.
"No more buts Miss"
"Opo.Sige bye na bes.Good night.Ingat ka sa pag-uwi.Kapag kinidnap ka i-memorize mo ang plate number ah?Dala mo naman siguro phone mo.Picturan mo nalang yung mga kidnappers tapos i-my day mo with caption '#GroufieWithKidnappers' para hindi halata na nanghihingi ka na pala ng tulong"mahabang lantaya ko.Napa-aray naman ako ng pinitik niya ang aking noo.
"Baliw.Pumasok ka na nga lang hahaha"nag-bye pa ako bago tuluyang pumasok sa loob.Tinignan ko naman siya mula sa bintana at sinundan siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
"Sana safe yun pag uwi nun!"huling sabi ko bago tuluyang pumasok sa kwarto at natulog.
BINABASA MO ANG
Hiling
Roman d'amourBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...