Chapter 17:Upcoming Valentine's Day

42 10 5
                                    

Blyth's POV
Year 2019

Isang buwan na ang nakalipas simula noong insidenteng iyon.Hindi naman iyon naulit ulit.Para saan pa?

Nalaman ko kasing dahil sa depression iyon kaya ako nagkaganun.Tatlo lang naman ang dahilan kung bakit ako nadepress,una ay problemang pamilya,pangalawa ang aking mga kaklase,at ikatlo ay ang tambak na school works.

Simula noong insidenteng iyon ay nagbago na rin si Mama.Mas naging maingat na siya at pansin ko iyon.Ang kapatid ko naman ay ganoon parin,walang pakealam.Pero ayos lang,isasanay ko nalang talaga ang aking sarili.

Pagkabalik ko naman sa school ay maraming naging masaya sa pagbabalik ko,especially ang mga subject teachers ko.

Sinalubong din ako ng mainit na yakap ng aking mga kaklase.Sa puntong iyon may isang bagay akong natutunan.

Huwag masyadong isipin ang mga negatibong bagay sa halip ay tignan ang positibo kahit pinapalibutan ka ng mga negatibo.

And now,okay na ako.Nakakaahon na sa depression.Ang sarap sa pakiramdam na bumalik sa dati.Na tila wala kang bigat na nararamdaman na dala-dala.

"Valentine's Day na bukas,anong plano niyo Anthonette?Tutal ikaw naman ang SSG Vice President."tanong ni Kayen sa kaklase.Kahit medyo may kalayuan sila sa pwesto ko ay dinig na dinig ko parin ang kanilang pinag-uusapan.

Oo nga pala,malapit na ang araw ng mga puso.Nabalitaan ko na this Friday na daw yung event na magaganap.

"Hmm..secret.Ampanget kapag na-spoil yung mga students.Pero ito lang ang masasabi ko,may harana booth,jail booth,wedding booth,freedom wall,at movie house."mukhang nagliwanag naman ang mga mukha nila Kayen,Kiara,April,at Criscelle.

And yeah ako lang ang hindi kasama nila ngayon.Hindi kasi ako mahilig umalis sa pwesto ko.Absent si Aimreal kaya wala na naman akong makakasama sa araw na ito.

Kahit kasi best friend daw nila ako ay palagi naman akong nale-left out.Kaya ganito palagi peg ko kapag wala si Aimreal,mag-isa.

Kung tatanongin niyo kung nasaan si Carl?

Ayun,kasama ni Josh.Nag-away na naman kasi yung dalawa,si Juniel at Carl.Nag-break lang ang peg nila.

But anywayyssss,gusto ko pang makarinig ng chismis kaya hahabaan ko tenga ko para marinig chinichika nila.

"Gusto niyong malaman ang purpose ng bawat booth?"tanong ni Mei sakanila.Isa din itong SSG eh ngunit hindi ko alam kung anong position niya.

Tumango naman ang mga babaeng kausap nila.At unang nagsalita si Anthonette."Okay!"

"Una yung Harana Booth.Kapag may gusto kayong haranahin ng patago,lapitan niyo lang si Kuya Kurt at sabihin niyo sakanya kung sinong tao ang gusto niyong ipaharana.At sabihin niyo narin kung anong kanta ang gusto niyong iparating sa taong hinarana.Hindi niyo na kailangan mag-alala kasi isesekreto lang namin ang identity ninyo.Pero syempre may bayad,limang piso para sa isang kanta."ang coollll.Pero langya wala naman akong naisip na taong ipapaharana.Maliban nalang ang best friend ko—pero langya ampanget tignan nun!Bahala na tsk.

"Second,Jail Booth.Just a worth of 10 pesos,may dalawang tao kanang mapapahuli.Ang mga SSG officer na naka-assign sa booth nato ang huhuli sa dalawang taong gusto mong ipakulong.Kapag isa ka sa mga nabiktima,wala ka ng kawala kasi poposasan ka ng mga SSG officer kasama yung kapartner mo.Hindi kayo makakalabas sa kulungan hanggat hindi niyo naibibigay ang gusto ng SSG na naka-assign sa booth na ito.Kung wala kayo nung mga bagay na gusto nila pwede kayong magsaulo ng limang BIBLE QUOTES upang makalabas.You have 1 hour as a time limit sa loob ng jail."omaygggadddd ang cool part 2.Alam kong napaaga pero langya may listahan na ako ng mga taong ipapakulong!Pero kailangan ko munang mag-ipon.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon