Chapter 45:Reunion

23 5 0
                                    

Hiling
Blyth's POV

1 week later

"Hoy!Nasaan na kayo?!Tengene.malapit ng mag-gabi ngunit wala parin kayo!!"inis na inis si Kiara sapagkat late na nga ngunit hindi parin dumadating ang ibang kasamahan namin.

"Sorry friend!Na-traffic lang."sagot ng kausap niya.

"Aba aba!Tumahimik ka diyan Earl!Anong traffic pinagsasabi mo?dose kayong wala pa dito!Wag mong sabihin sa'kin traffic lahat ng kalsada ngayon?!"

"Chill.Sige na,papunta na kami."tsaka ibanaba niya ang tawag.

"Aish kainis talaga ang mga yun!!"

"Kahit kailan hindi parin sila nagbabago."ani Tonet.

"Kaya nga eh.Mabuti na lamang at naisipan niyong mag-reunion.Nakakamiss rin kayong kasama."kung kanina ay salubong na salubong ang mga kilay nito.Ngayon ay nakangiti na siya.

"Kikiligin na ba kami niyan?"sabi ko na ikinatawa nila.

"Slight lang beh.HAHAHHA"

Isang linggo na pala ang nakalipas pagkatapos mangyari ang insidenteng iyon.

Kasalukuyang nakakulong sa kulungan si Lyn.Habang ang Doktora ay pinaghahanap pa rin ng pulisya.Simula kasi noong tumakas ito ay hindi na ulit siya nagpakita.

Gumaling na pala si Zion at kami ni Kuya ang pansamantalang nagbabantay sakanya.Hahanapin pa kasi namin ang Lolo nito para doon siya mamalagi.Paborito si Zion ng kanyang Lolo kaya't marapat lang na malaman nila ang kalagayan ng bata.

Nailibing na rin si Tito at nag-iisip pa kami kung papaano sabihin sa ama niya ang hindi kalunos-lunos na nangyari sakanya.

At ngayon,napag-usapan naming mag-reunion.Pagkatapos ng insidenteng iyon ay kailangan rin namin magsaya.At dahil nga matagal ko ng hindi sila nakasama ay pumayag ako sa naisip nila.

"HI BETCHESSS!"isa-isang bineso kami ng kararating lang na si Moses.Kasama niya yung anak-anakan niya sa classroom noon na si Josh.

"Akala ko ba hindi ka tutuloy Mos?"tanong ni Mei.Noon kasi mas close silang dalawa.Mas nagkakaintindihan kasi ang mga 'to.At mabibingi ka talaga kapag nag-fuse ang kanilang kadaldalan HAHAHAH.

"Ay jusko.Hindi sana ako pupunta dito kasi paglingon ko may mahal na pala siyang iba~"

"Gaga ka.Akala ko kung ano na"sabay batok ni Mei sa kaibigan na siyang ikinatawa naming mga nanonood.

"Nga pala,nasaan si Carl?Sinong kasama niya?"noong pinuntahan ko kasi siya sakanyang bahay ay wala naman akong nadatnang tao roon kaya dumeretso na lamang ako sa resort na'to kung saan kami magre-reunion.

"Ay si Carl daw nasan?Ilabas niyo mga beh.Hinahanap na ng jowa."

"Walang poreber.Maghihiwalay rin kayo mga putang ina."

"Ehem.Hinahanap si fafs"pang-e-echos nila Moses,Kiara,at Mei.

"Bakit?Bawal bang magtanong?"painosenteng aniya ko.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon