Blyth's POV
Year 2016Pasukan na naman.At dahil kakagraduate ko lang ng Grade 6 ililipat na naman ako sa ibang skwelahan.
Ganito naman palagi eh.Simula nung naghiwalay sila Mama at Papa ay naaapektuhan narin pag-aaral namin.Pero kahit papaano ay hindi ko hinahayaang bumaba ang grado ko.I remained Top 2 sa lahat ng quarter nung grade 6.But hindi ako nasali sa honor students kasi bali-balita daw ay kakalipat ko lang doon at bago lang ako.Ganun pala yun?Porket kakatransfer ko lang sa school nila bawal na akong ma honor student?I did my best,sa projects,reports,assignments,and quizzes.Even if wala akong baon kasi kapos kami sa pera ng mga oras na yun or shall I say tinitipid kami ni Mama kasi may anak siya sa iba,kahit gutom na ako,kahit naiinggit ako sa mga kaklase ko habang sila ay kumakain ng kani-kanilang mga baon,ginawa ko parin ang lahat para makagraduate lang ng elementary.I did my best para malampasan ang nasa Top 1 but hindi ko kinaya.
And all my efforts ay parang nabalewala lang?Pangarap kong maging honor student eh.Yung makatanggap ako ng medalya tapos si Mama ang maglalagay sa akin nun sa leeg habang umiiyak siya at proud na proud sa anak niya?Pangarap ko iyon eh.Pero yun nga,nabalewala lang.
But it's okay.Nakamove-on na ako don.Pero hindi ko parin maiwasang HUMILING na sana naging honor student ako.
Kasalukuyan akong nakasakay sa aming motorsiklo.Si Lolo ang kasalukuyang nagmamaneho nito pagka't sa amin din pansamantalang naninirahan sila Lolo.Siya ang nagsisilbi kong taga hatid sundo.
Pagdating namin sa bago kong papasukang school ay agad na pinarada niya ang motorsiklo sa harap ng facility.Nag-expect akong malaki ito,katulad ng mga nakikita kong magagandang schools.Nabalitaan ko kasi sa private school ako pag-aaralin.Pero nadisappoint lang ako sa aking nakita.Maliit lang kasi ito,walang second floor at parang hindi matibay ang facility.But it was unique though.Akala ko nga isang barko itong napasukan ko dahil sa istilo ng dingding eh.
Umupo nalang ako sa harap ng fish pond which is kaharap lang din ng office.Naghintay nalang ako hanggang sa dumating ang in-charge sa office.Napaaga kasi yata ako.
Maya-maya pa ay unti-unti ng dumadating ang mga tao.My nakita pa akong lalaki na kay aga-aga ay ang likot likot.Narinig ko siyang tinawag na Earl nung babaeng maganda at may kulot at maikling buhok na sa pagkakatanda ko ay Christina ang pangalan.Narinig ko din kasing binanggit iyon nung Earl.
Di kalaunan ay may lumapit sa akin na isang guro at sinabihan akong pumunta muna sa itinuro niya at mamaya ko nalang daw ilagay ang aking bag sa classroom dahil hindi ko pa alam kung saan ang silid ko.Sumunod naman ako at pumasok sa sinasabi niyang gusali.Kaharap lang nito ang school at ilang hakbang lang ang mararating mo na ang gusaling iyon.Paglabas mo kasi ng school facility ay basketball court kaagad pagkatapos ay yung gusali kaagad.Maliit lang ang court eh,kaya hindi nakakapagod maglakad doon patungo doon.
Yung gusali pala na tinuro ng guro ay isa palang kapilyo o chapel.
Nilibot ko pa ang aking paningin sa loob ng gusali bago naisipang umupo sa pinakadulo na upuan sa bandang kanan.Nakahati kasi ang mga upuan,nasa kanan ang iba at nasa kaliwa naman ang kalahati.Tapos may daan sa gitna patungo sa isang maliit na stage na may iba't-ibang musical instruments.Drums,piano,at guitar lang ang kilala ko doon.Hindi ko kasi alam ang tawag sa guitar na may apat na strings.
I wish na madali lang akong makapag-adjust sa bagong society.
Actually hindi ako marunong makipag-socialize sa ibang tao kaya sigurado akong mahihirapan ako nito.
Nasa gitna ako ng pagmumuni-muni ng biglang may umupo sa harapan ko.Ito yung dalawang estudyanteng nakita kong nagkukulitan kanina.Si Christina at Earl.Ngunit ang kaibahan ay may kasama silang isang babae.Katulad ko ay naka casual lang ito at tantsa ko isa din siyang transferee.
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...