Blyth's POV
Year 2017Sa wakas!Nakatungtong din ng Grade 8!Eksayted akong pumasok kasi hindi na ako lilipat ulit ng school.Dito ako mag-aaral hanggang sa ako ay mag grade 10.
Nalaman ko rin kasi na hindi lumipat ang aking mga kaklase–maliban nalang kay Riele.Medyo nadisappoint ako kasi siya pa naman ang kauna-unahang nagsabi sakin na ang ganda daw ng ngiti ko.Mamimiss ko yun!Nabawasan tuloy yung mga estudyante kong hokage hahaha.
Pero ayos lang!May bago naman akong makikilala.Balita ko ang pangalan niya ay Kayen.
Kaklase nila ito simula elemetarya,lumipat lang siya ng school nung grade 7 pero bumalik ulit dito.Nakakatuwa lang kasi may bago na naman akong magiging kaibigan na babae.
Pagdating ko sa school ay agad kong sinalubong sina Anthonette at Kiara sa canteen.May kasama silang babae na kasing tangkad ko lang.Matangos ang kanyang ilong at morena siya.Mahaba ang kanyang tuwid na buhok at lumalabas talaga ang ganda niya.Nanliit tuloy ako sa aking sarili,ang gaganda kasi ng mga kaklase ko.Ako lang yata ang panget sa classroom.
"Kayen bakit daw nilipat ka ng Mama mo dito ulit?"tanong sakanya ni Anthonette.
Nanlaki naman ang aking mga mata sabay turo kay Kayen na parang hindi makapaniwala."Siya si Kayen?!"napangiwi naman si Anthonette.
"Ay hindi-hindi.Kakasabi ko lang eh hay nako hahaha"napakamot nalang ako sa aking ulo at agad na sinundan sila na ngayon ay naglalakad patungo sa chapel.
Hindi ako makapaniwala na si Kayen pala yun!Ang ganda niya pala sa personal eh!Parang si Mei lang.For sure matalino 'to.Bali-balita kasi na mas matalino daw siya kay Mei,yan ang sabi ni Mei.
Pagkatapos ng chapel service ay agad na kaming nagtungo sa classroom.Nabalitaan kasi namin na may bago kaming kaklase na lalaki.Kaya eksayted ang lahat na makilala siya.Sila Mei kung anu-ano na ang sinasabi,baka daw gwapo.Actually karamihan sa mga kababaihan sa classroom namin na humiling na sana gwapo daw.Ako kasi iba ang hiniling ko.
I wish magiging close kami
Maya-maya pa ay biglang may nagbukas ng pinto.Nakaramdam naman kami ng excitement ngunit nadismaya din ng makitang si Teacher Mae lang pala yun–ewan ko lang kung ano ang posisyon niya ngunit nakikita ko lang siya sa Office.
May pinag-usapan pa sila ni Teacher Mae at ng bago naming adviser na si Teacher Jessel.Noong unang nalaman ko na nag-resign na pala si Teacher Lyra ay syempre nalungkot ako.Mamimiss ko kasi ang kabaitan niya.Pero ayos lang kasi mabait din naman itong naging bagong guro namin.Nalaman ko din na bago lang din siya sa school na ito.
Noong una ay nakakuha ng atensyon ko ang kanyang height.Mas matangkad kasi kaming lahat kaysa sakanya.Ngunit ambait bait niya.Katulad ni Teacher Lyra ay ang hinhin nito kahit nagagalit.
"Okay Class may bago daw kayong kaklase."anunsyo ni Teacher Jessel sa aming lahat.Napatuon naman ang aming atensyon sa pinto at naghintay sa pagpasok ng aming bagong kaklase.
"Please come in"napatahimik naman silang lahat at nakapako lang ang tingin sa isang lalaking kakapasok lang.He's wearing white T-shirt tsaka pants.Naka semi-kalbo ang kanyang buhok at mukhang may lahi siyang intsik kasi ang liit ng mata nito na pang chinese talaga.Matangkad rin siya at halata sa tindig niya na isa siyang tahimik na tao.
Matapos ang ilang minuto ay nagapagawa ng aktibidad itong guro namin.Dahil first day of school syempre introduce yourself kaagad kagaya ng nakagawian.
"Hi everyone.I am Justine Lhoyd Magaña.I am 14 years old"napangiti naman kaming lahat at masayang winelcome siya.Pinabalik naman siya sakanyang upuan at yung teacher naman namin ang nag introduce sakanyang sarili.
"Good morning students.My name is Jessel Ostria.You can call me Teacher Jes."ang cute ng boses niya.Bagay na bagay sakanyang pangangatawan.Nakakatuwa siya sa totoo lang.
~*~
Months have passed.Naging masaya naman ang daloy ng aking school year kagaya ng aking hinihiling.
Ngunit ilang buwan ng nakakalipas simula nung lumipat si Lhoyd dito pero tahimik parin siya.Tama nga ang first impression ko sakanya!
"Okay Class.Tomorrow is your 3rd Periodical Test.Small bag lang ang dalhin niyo and also don't forget to bring your communication notebook."nagsitango naman kaming lahat at agad na tinahak ang daan papalabas ng classroom.
Medyo kinakabahan ako sa pagsusulit bukas.Eh natatakot ako na baka mababa na naman ang makuha ko na iskor sa asignaturang A.P.Actually kaming lahat talaga ang may mababa na iskor dito,alam ko naman ang dahilan kung bakit pero napaka-confidential nun.Kaya amin amin na yun!
Kinabukasan ay tahimik lang ako sa classroom habang hinihintay ang iba naming kaklase na dumating.Pants at white t-shirt lang ang suot ko ngayon kasi eksaktong Friday yung exam,P.E attire kasi dapat ang susuotin kapag Friday eh.
Lunch time na.Natapos ang aming pagsusulit at masaya ako dahil natapos kong sagutan ang Math.Napakadali lang nun lalong-lalo na yung Cartesian Plane.
"Blyth!Nasagutan mo ba lahat ng questions?"palihim at mahinang tanong sa akin ni Carl.Hindi pa kasi siya tapos sagutan ang kanyang papel kaya palihim niya ako kinakausap.
"Yup!Madali lang naman kasi."napamake-face naman siya.
"Argh!Mabuti ka pa!Hays."napatawa nalang ako sakanyang reaksyon.Halata kasing nahihirapan ito.
Kinurot ko nalang ang kanyang pisngi sabay sabing "Kaya mo yan.Ikaw pa"at sumilay naman sakanyang mga labi ang isang napakatamis na ngiti.Napatulala naman ako sandali.Hindi ko alam pero parang unti-unti siyang pumopogi sa aking paningin.
First time kong mapogian sa isang lalaki ah–maliban sa mga artista.
"Blyth tara na!"tawag sa akin nila Kiara.Tumayo naman ako tsaka nagpaalam muna kay Carl.
"Lunch muna kami ha?"at tumango lang siya bilang tugon.Kinuha ko na ang aking lunch mula sa aking bag at aalis na sana kaso nag-uusap pa sila Kiara,Anthonette,Mei,April at Kayen.Pinag-uusapan nila kung paano nila sinolve yung mga equations sa Math.Napabuntong hininga nalang ako at hinintay sila hanggang sa matapos silang mag-usap.Sumandal nalang ako sa arm chair ni Carl at ipinatong ang aking kamay sakanyang ulo at pinaglaruan ang kanyang buhok.
Nakatuon ang aking atensyon sa mga kaibigan kong nag-uusap parin habang nakatalikod sa akin.
Habang abala sa pakikinig sa usapan nila ay naramdaman kong hinawakan at kinuha ni Carl ang aking kamay na nakapatong sakanyang ulo.Hinahaplos-haplos niya iyon sakanyang pisngi.Hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng kanyang malambot na labi sa aking kamay na siyang nagbigay sa akin ng mala-kuryenteng pakiramdam.
Kahit gusto ko ng sumabog dahil sa bilis ng tibok ng aking puso ay nanatili parin akong kalmado at umakto na parang walang nangyari.Mabuti at walang nakakita nun kasi nakatalikod sa amin yung mga kaklase kong babae.
"Blyth tara na.Nagugutom na talaga ako eh"aya ni Anthonette.Tumango naman ako at ako na mismo ang kumuha sa aking kamay mula sakanyang pagkakahawak.Ni-hindi ko siya nilingon dahil hindi ko alam kung papaano siya harapin.Naglakad nalang ako papalabas na tila wala lang nangyari.
I promised to myself na hindi ako mahuhulog sa ibang tao.
Pero bakit ang kulit ng puso ko?
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...