Chapter 18:Jail Booth

41 11 6
                                    

Blyth's POV
Year 2019

"Langya tigil-tigilan niyo ako sa mga kalokohan ninyo!G r r"panay ang takbo ko sa school namin.Naghahanap kung saan pwedeng maging pagtaguan.

Nalaman ko kasi na isasali nila ako sa isa sa mga booth para sa ngayong event!Eh wala nga akong kaide-ideya kung aling booth pero langya masama ang kutob ko! T__T baka kung sino pa ako itulak ng mga kaibigan ko!tsk

"Wala ka ng takas Lyth!Hahaha!Pero kumalma ka muna si Aimz ang uunahin natin!"napahinto naman ako sa pagtakbo at nakangising tinignan sila ate Wesley at Ate Lornx na hinihingal kakatakbo.

"Tama nga naman.Buti pinaalala niyo sakin yung tungkol sa consequence."mas lalong gumihit sa aking mga labi ang mapaglarong ngisi.

Kahit na pinagpapawisan dahil sa kakatakbo ay nilapitan ko silang dalawa at inakbayan.Kahit antatakad nila ay ginawa ko parin iyon para narin makalanghap ng masariwang hangin ang aking mga mababangong kili-kili—joke lang!Syempre hindi ko ginawa yun!Grabe lang yung height difference namin.Pang bata yata tong height ko!Pero hindi ako ano ah!Baka iniisip niyong kasing tangkad ko lang yung mga duwende ni Cinderella—tama ba?
Feeling ko hindi—ay basta yun na yun!Naiintindihan niyo naman siguro ako diba?

"Nasaan na ba yung babaeng yun?"kakadating ko lang kasi.10:30 na ng ugama ngunit ngayon lang ako pumasok.Nakakatamad kayang bumangon!Plus my threat pa akong natanggap sa mga kaibigan ko.Sino ang gaganahan na pumasok nun?!

"Nasa Movie House Booth.Iniwan namin siya doon kasi bibili lang sana kami ng pagkain—more like bibili kami ng popcorns and can drinks para may makain kami habang nanonood ng movie—"magsasalita pa sana si Ate Lornx ng sumingit si Ate Wes"Until you showed up.Imbes sa canteen tungo namin ay tumakbo kami papunta sayo para lang sana salabungin ka ng yakap kaso ayon ang sarap mong batukan kasi nagpahabol ka pang gaga ka!Pinagod mo kami Jusme!"napahawak pa ito sa kanyang dibdib at naghahabol ng hininga.Wala naman akong nagawa at napakamot nalang sa ulo ko.

"Akala ko kasi..hehe di bale na nga tatakas nalang ako mamaya."masayang ani ko sa napakagandang plano ko.

"Gaga.Sinong hangal ang ipagsasabi ang kanyang pinaplano?Baliw ka ba?"aray ko naman Ate Wes ah.Hindi ba pwedeng tanga lang ako ng—slight hihi.

"Woi meron kaya!"depensa ko.

"Ows?Sige nga sino?"singit naman ni Ate Lornx.

"Yung mga villains!Diba kapag nag-aaway sila laban sa mga heroes ay sinasabi nila yung pinaplano nilang masama.Like wawasakin nila ang mundo.Papaliparin ang Earth gamit ang bubble gum.Puputulan ng mga ulo ang mga tao.Ililipat sa Mars at iba pa!O diba mas hangal sila?—ahmm.Mas baliw narin pala hihi"napailing nalang ang dalawa kong kaibigan.Tama naman kasi ako diba?!

"May topak na talaga to eh."komento pa ni Ate Lornx."Di bale na nga tumungo nalang tayo sa kantina."dagdag pa nito na sinang ayunan naman naming dalawan ni Ate Wesley.

"Tsaka pumunta tayo sa Jail Booth.May ipapakulong lang ako,our dear Aimreal"napangisi at napatango naman ang dalawa.Mukhang nababasa na nila kung ano ang pinaplano ko at mukhang natutuwa at sang-ayon naman ang mga 'to.This will be great!

Pagkatapos namin bumili ng mga kakainin ay dumeretso kami kina SSG treasurer at SSG Secretary.

"Good morning Kuya Kurt!"bati ko sa SSG president.Bumati nadin kami sa SSG Secretary.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon