Hiling
Blyth's POVMeet me at the park :)
~NylMeet me at the park :)
Meet me at the park :)
Meet me at the park :)
Meet me at the park :)
Hindi maalis sa isip ko ang nabasa kong text kanina.Nahalata nga ni Carl ang pagiging balisa ko at nagpapasalamat ako dahil hindi na siya nagpumilit pang magtanong kung ano bang bumabagabag sa akin.
Ayaw kong madamay ulit sila.
Naka-amoy kasi ako ng delikado.Code name niya palang alam ko na kung sino siya.
Obvious naman hindi ba?
Nagbalik na nga si Lyn.
Hindi ko alam kung papaano niya nakuha ang number ko eh kakapalit ko lang ng bagong sim.
At tsaka hindi ko rin alam kung kailan at anong oras siya nakatakas.Na kung ano ang rason kung bakit malayang nakakagalaw na ulit ang babaeng 'to.
Ito na ba ang karugtong ng kanyang pinaplano?
Na kaya ba ay madali lang namin siya nahuli noon ay dahil sinadya niya yun?
Ano na naman kaya ang iniisip nito?Ano na naman ang kanyang plano?At kailan ba siya titigil?
At paano kung hindi ko susundin ang kanyang inutos?Anong mangyayari sa akin?Idadamay na naman ba niya ulit ang aking mga kaibigan?
It that's the case,of course I won't let that happen.
The only thing to end this madness is to face that bitch.Kami naman talaga ng kuya ko ang habol niya.At hangga't nakikita at alam niyang malaya parin kaming nabubuhay dito sa mundo,hindi siya titigil—yan ang nasa isip ko.
Habang nasa banyo si Carl at abala sa paliligo ay hindi ko maiwasang makaramdam ng antok.Kaya nagtungo ako sa couch at inihiga ang aking katawan doon.Hanggang sa tuluyan ko ng ipinikit ang aking mga mata at di namalayang nakatulog.
*ringggg*
*ringggg*
Nagising ako dahil sa isang malakas na tunog.Napabangon ako mula sa aking pagkakahiga at kinusot-kusot ang sariling mga mata.
Muntikan na akong mapatili dahil akala ko kung sino na itong lalaking sumulpot sa harap ko.Si Carl lang pala yun.
Ngunit hindi siya sa akin nakatingin,kung hindi sa phone kong kanina pa nag ring ng ring.
Agad kong hinablot ang aking phone tsaka inexcuse ang sarili para sagutin iyon.
Tila nabunutan naman ako ng tinik dahil sa katotohanang hindi niya sinagot ang tawag.Ano nalang kaya ang nangyari kapag sinagot niya ito at nalaman niyang si Lyn iyon?
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...