Chapter 25:The Truth

23 8 0
                                    

Blyth's POV
Year 2020

"Mag-usap tayo pagkatapos ng dismissal.Sa canteen ah?Tayo lang promise"kahit alam kong makikiusyoso mga kaklase ko ay nagawa kong tumango.May tiwala kasi ako sakanya.

~*~

"Gusto mo pala si Carl?Sorry kung narinig mo yun.Naiinis kasi talaga ako."puro siya sorry ng sorry.Ilang beses ko na siyang sinabihan na ayos lang at wala siyang kasalanan.Panay parin ang pag sorry niya.

"Bakit?"at the first place,hindi ko pa pala alam ang dahilan sa likod ng pagkainis niya.Hindi nga pinapansin ni Mei si Carl eh.Ganoon siguro siya ka inis.Pero pakiramdam ko biro lang yung pag-iwas niya kay Carl.Ganyan naman talaga siya eh.

"Kasi diba halata naman sa dalawa na gusto nila ang isa't-isa?"nanatili ang tingin ko sakanya.Hindi ako sumasagot ngunit nakikinig ako."Nakakainis sila kasi ang pabebe ng dalawa!Bakit pa nila ibinabaling ang kanilang sarili sa iba kung alam nilang gusto nila ang isa't-isa?Tsaka dinamay pa nila si Juniel!Ang inosenteng iyon na walang ka muwang-muwang sa mundo ay nasali pa!Sinong hindi maiinis d'on"nagulat ako sa pagbiglang hampas ni Moses.

"WOOHH!BES TUMPAK!YAN YANNN!YAN ANG KINAIINISAN KO."napasenyas naman kami ni Mei na hinaan lang ang boses."Hehe sorry naman"

Kumunot ang aking noo.Anong dinamay?Anong sinasabi nila?"Anong ibig niyong sabihin?"

"Hindi mo alam?!"gulat na tanong sa akin ni Moses.Tumango lang ako bilang tugon.

"Dzae.Hindi ba sabi ni Carl na crush ni Juniel si Criscelle?Ipinipilit niya talaga na nagkagusto si Juniel sakanya?Tapos si Criscelle naniwala din?"tumango ulit ako."Na shooktness kami ng malaman namin yun dzae!Matagal na palang alam ng dalawa na wala talaga dzae.Na hindi crush ni Juniel si Criscelle.Tapos sinabi pa ni Carl sadyang gan'on lang talaga siya.Napapatitig sa'tin."napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.Hindi ako makapaniwala.

Sa mga panahong naniwala ako kay Carl na may ganoon ngang nangyayari,biro lang pala yun para sakanila?

Omaygad.So all this time rin kinamumuhian namin ni Lhoyd si Juniel ng walang sapat na dahilan?!

"Kaya nga naiinis ako eh.Kung mahal nila ang isa't-isa,magmahalan sila.Hindi yung nandadamay pa sila ng ibang tao.Andami nilang nasaktan sa totoo lang.Pinaasa nila ang dalawa,si Lhoyd at Blyth.Tapos pinagbintangan pa nila ang isang inosente na kesyo daw mas pinili ang babae kaysa sa pagkakaibigan nila ni Lhoyd."ani Mei.nakakatawa.Gusto kong matawa sa totoo lang.Nakakabobo amputa.

"Tumpak bes!"pagsang ayon naman ni Moses.Wala akong masabi.Ayaw pumasok sa isip ko mga pinagsasabi nila.Tila andami nito at hindi na magkasya sa utak ko.

Napahinto ako sa pag-iisip ng tanongin ako ni Mei."Kailan pa nagsimula bes?Bakit ngayon ko lang nalaman?"nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba o hindi.Tama nga sila,walang sekretong hindi mabubunyag.

Sa huli ay sinabi ko sakanila."Grade 8 pa tayo,siya na talaga.Diba nung panahon na pinapili ako na si Carl ba o Earl,si Earl ang sinagot ko?"ito yung araw na kachat ko si Mei.Siya talaga ang pinagsasabihan ko ng sekreto kaya alam niya ito."Sa totoo lang si Carl sana yun kaso natatakot ako.Kahit kasi may tiwala ako sa'yo Mei ay hindi ko parin magawang ipagsabi ang totoo.Baka kasi isang maling galaw ko lang,sira na ang pagiging mag best friend namin.Alam niyo namang first time kong magkaroon ng lalaking best friend.Sa mga panahon na yun,tamang-tama dahil itinutukso niyo ako kay Earl.Kaya nakagawa ako ng excuse na kesyo daw si Earl ang gusto ko."nakita ko ang gulat sa mga mukha nila Mei.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon