Chapter 44:Time for Vengeance

21 4 0
                                    

Hiling
Brylle's POV

"Hello?"

"Sumuko ka na,Lyn.Wala ka ng takas."

"Oh?Buhay ka pa pala Brylle?Huwag kang mag-alala,tatapusin rin kita.Pero uunahin ko muna kapatid mo okay?Bye na"

Itinapon ko sa couch ang aking phone dahil sa inis.

King ina!Malalagot talaga sa'kin yun kapag ginalaw niya ang aking kapatid!

"What's the problem dude?"

"Carl,I think she knew."

"Knew what?"

"Alam na niyang nakatakas ako at sigurado akong isinagawa na niya ang kanyang plano sa kapatid ko.Hindi ko lang mawari kung ano ang tumatakbo sakanyang isipan.Ngunit maaaring hindi pa niya nakitil ang buhay ni Blyth.Kailangan na nating kumilos ngayon din."bakas sa mukha ni Carl ang pagkagulat dahil sa mga narinig niya galing sa akin.Kitang-kita ko kung papaano nagliyab ang kaniyang mga mata sa galit kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao.

"Ngunit papaano itong bata?"napalingon ako sa batang lalaking nakahiga sa hospital bed.

Kanina ay nagtungo kami dito sa Ospital para hintaying dumating ang kotse ng aking kapatid kagaya nga ng pinag-usapan namin.Nang buksan ko ang kotse ay bumungad sa akin ang pasa-pasang katawan ni Zion na siyang ikinabigla ko.

Nakaka-awa ang batang ito.Isa lamang siyang paslit ngunit nakakaranas na siya ng ganito.At ang mas masakit pa sakanyang parte,ay yung katotohanang ang kinilala niyang ina ang mismong nambugbog sakanya.Paglaki nito ay hinihiling ko na sana hindi siya maging kagaya ni Lyn.Hindi sana siya malamon ng galit.

Masyadong kinain na ng galit ang babaeng iyon na umabot sa puntong pumapatay na siya ng tao.Delikado talaga ang buhay ng kapatid ko ngayon.

"Maaaring ako muna ang magbantay kay Zion"sabay kaming napalingon sa lalaking pumasok.

"Buti at dumating ka Angelo.Akala ko hindi mo tatanggapin ang pabor ko."

"Hindi ko sana tatanggapin e.Kasi may date kami ni Dev."sinundan ko siya ng tingin habang papaupo siya sa malapit na silya dito sa tabi ko.

"Eh bakit ka tumuloy?"pagsusungit ng kasama ko.

"Naman Carl.Alam mo namang basta tungkol sa babaeng pinakapaborito ko ay handa akong tumulong."sumeryoso ang mukha ni Angelo at tinitigan ako ng masinsinan sa mga mata.

"Please,Brylle and Carl.Help her.Save her."he pleaded.

"Huwag kang mag-alala.Gagawin ko ang lahat para mailigtas ang kapatid ko."pagpapalakas ko sakanyang loob.

"Huwag kang magpaka-hero.Isali mo rin ako"ningitian ko si Carl.

Kahit kailan talaga gagawin niya ang lahat para lamang sa kapatid ko.Iba nga naman ang nagagawa ng pag-ibig.

"Let's go dude.Hinihintay na tayo ng future-wife mo."walang imik na sumunod siya sa'kin palalabas ng Ospital.

"Tawagin mo si Rey,sabihin mo na papunta na tayo sa bahay ng Oanilam.Pakihanda ang mga back-ups para kung sakaling kailanganin natin sila ay agad silang makakapunta."sabi ko sa gitna ng aming paglalakad.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon