Hiling
Blyth's POV"Chill.I just want to ask you something"
"What is it?"
"Can I date you?"napahinto ako.As in literal.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili na ngayon ay hindi ko maintindihan.Ambilis ng tibok ng aking puso at tila may paru-parong sumasayaw sa aking tiyan.Ngunit ang mas kinaiinisan ko pa,ay nararamdaman kong masaya ako.Sobrang saya.
"A-as if I have a choice.Kinuha niyo na ang kotse ko at nandoon ang purse at bag ko.So malamang,wala na akong magagawa pa"
"So?"
"So It's a yes"I blurted out.
Sumilay sa kanyang gwapong mukha ang isang ngiti na minsan mo lang makikita sa kanya.Hindi ko nga napansing nakangiti na rin pala ako.
Sa puntong ito,isa lang ang alam ko.Ang saya saya ko kahit wala namang nakakatuwa sa nangyayari.Ewan ko ba ngunit parang biglaan ko lang na naramdaman ito?Na kahit magsalita lang si Justin ang laking impact nito sa'kin.
I shrugged my shoulders and set aside that thought.
Iginaya niya akong maglakad patungo sa kanyang kotse.Pinagbuksan pa niya ako ng pinto na siyang ikinagulat ko.
"Wow.Anong nakain mo?"hindi naman kasi siya ganito.Hindi siya mahilig maging gentleman.
"Tss.Magpasalamat ka nalang kasi bumait ako"
"Bumait?BIG WORD!"nakakasuka pakinggan ang salitang mabait kapag sakanya nanggaling.
Pagkapasok ko sa front seat ay agad niyang sinarado ang pinto.Umikot pa siya para magtungo sa driver's seat.
"Wear your seatbelt Miss"hindi ako umangal at sinunod na lamang ang kanyang sinabi.
Well,safety first nga naman.Ayaw kong mamatay sa ganitong pamamaraan noh.Mas bet ko yung pamamaraan na matutulog ka lang tapos hindi ka na magigising pa.Ayaw kong makaranas ng car accident,torture o kahit ano pang masakit diyan.Dapat kasi maganda ako kahit patay na.Hihi
"So anong trip mo?Kanina mo pa ba ako sinusundan?"kumunot ang kanyang noo.
"Paano mo nalaman?"napangisi ako.
"Ayun!Inamin mo ring sinusundan mo ako."
"Baka hindi mo alam ang kaibahan ng salitang inamin sa nagtatanong?"inirapan ko siya.
"Syempre alam ko.Pero totoo nga bang sinusundan mo ako kanina pa?Mula kina Clyde hanggang dito?"tanong ko ulit.Kasi kung oo,I'll praise his stalking skills!Ni hindi ko nga napansin itong sasakyan niya na sumusunod sa'kin.
"Nope.I just saw your car passed by kaya sinundan ko na lamang."
"And you purposely stop your car in the middle of the street for me to notice you,seriously?"and he nodded.
Napasapo nalang ako sa aking noo.Saang lupalop ba kasi 'to galing si Justin?Naiintindihan ko namang magkadugo sila ni Mojojojo kaso—wait,Mojojojo?
BINABASA MO ANG
Hiling
Storie d'amoreBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...