SPOKEN POETRY #2

29 3 0
                                    

Requested by:psycho_thinker03

06/15/19

Entry #2
Title:Noon

May isang babaeng nakaupo sa kalapit na bangketa.
Nakatulala at tila may pinoproblema.
Iniisip pala nito kung ano ang pakiramdam ng may minamahal?
O kung may tao bang magmamahal sakanya?

At ayun,dumating ka.
Tinabihan mo siya at tinanong kung ayos lang ba siya?
Nang malaman mo ang kasagutan ay doon kayo nag-umpisa.
Nag-umpisang kilalanin ang isa't-isa.

Hindi nagtagal at kayo ay naging mag-kaibigan.
Mas lumalim pa iyon at siya'y iyong niligawan.
Makalipas ang ilang buwang ginugol mo sa ligawan,
Sa wakas ay nakamit mo rin ang sagot na matagal mo ng inaasam-asam.

Sumapit ang inyong unang monthsary,
Sinurpresa mo siya sa pamamagitan ng isang romantikong hapunan.
Bakas sa inyong mga mukha ang kagalakan.

At habang kayo ay patuloy na nag-uusap,
May napagtanto ang iyong kasintahan.
Ang sarap pala talagang magmahal.
Sabi niya sakanyang isipan.

Makalipas ang ilang taon,
Kayo nga ay nag-tagal.
Ngunit ang nararamdaman ninyong pagmamahal,
Ay unti-unti ng pumapanaw.

Hindi mawari ng babae kung bakit kayo nagkaganyan?
O may kulang pa ba sa ibinigay niyang pagmamahal?
Sinagot mo ang kanyang katunangan,
Sabi mo,ayaw mo na,
Kasi pagod ka na.
Ayaw mo na,
Kasi nagsasawa ka na.
Ayaw mo na,
Kaya tapos ka na sakanya.

Iniwan mo siyang umiiyak,
Naghihinagpis dahil sa ginawa mong pag-iwan.
Habang ikaw,ay naglalakad lamang papaalis ng may malaking ngiti sa mga labi.
Ilang beses ka pa niyang tinawag at nagmaka-awang bumalik ka ulit sana sa piling niya,
Ngunit makalaunan ay napagtanto niyang huli na pala ang lahat para magmaka-awa.
Dahil nakita ka niyang may kasamang ibang babae.
Nakita ka niyang may minamahal ka na palang iba.

Sa puntong ito,
May napagtanto ako.
Wala na pala talagang pag-asa na magbago ka.
Kasi kung ano ang ginawa mo sa'kin noon,
Ay siyang ginawa mo para sa mga babae mo ngayon.

Nakakaawa ka sa totoo lang,
Sapagkat hindi mo alam kung ano ang pakiramdam ng tunay na pagmamahal.
Ang tanging alam mo lamang ay ituri kaming mga babae na parang basura.
Kung saan itatapon mo nalang kami ng basta-basta kapag tapos ka na.

Dumating sana ang araw na ikaw naman,
Na ikaw naman ang masaktan.
Para alam mo rin ang pakiramdam,
Kung gaano kasakit mapaglaruan.
Huwag kang mag-alala,
Dahil ipagdadasal kita.
Ipagdadasal kita na sana ay tumino ka na.
Para wala ng ibang babae ang masasaktan,
Katulad ng ipinaranas mo sa akin at sakanila.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon