Chapter 49:Their Point of Views

30 3 0
                                    

Hiling
Third Person's POV

Pagkatapos ng ilang araw,na naging linggo,at naging buwan,na naging taon.Hindi parin nagigising si Blyth.

Nakahanap na si Carl ng bagong trabaho at ito ay ang pagtuturo

Pangarap nilang dalawa iyan simula highschool pa lamang sila.Gustong maging major in ENGLISH ni Carl habang si Blyth ay major in MAPEH.

Magaling kasing mag-English itong si Carl.At sa lahat ng asignatura,ito ang kanyang pinakapaborito sapagkat madali niyang naiintindihan ang asignatura na ito.

Si Blyth naman,mahilig yan sa arts at sobrang passionate nyan pagdating sa sayawan.Kaya wag na kayong magtaka kung bakit MAPEH ang gusto niya.

Sa katunayan,hindi si Blyth ang nakaisip ng magandang ideya na ito.Kung hindi ang ate ni Moses.At yun,nagustuhan rin ni Blyth kaya yun na ang naging pangarap niya.

At dahil mahimbing paring natutulog ang kasintahan ng lalaki,siya lang ang nagtagumpay na abutin ang kanyang pangarap.Ngunit hindi lang sa asignaturang English ang kanyang tinuturo.Pati narin ang MAPEH.

Kung ano ang rason?

Syempre dahil iyon kay Blyth.


Kasalukuyang naglalakad patungo sa room ni Blyth dito sa ospital si Carl.Tahimik ang buong lobby at abala sa kanya-kanyang trabaho ang nurses na nadadaanan niya.Marami-rami rin ang tao pero kahit ganoon ay tahimik parin ang lugar.

Pagkarating niya sa room number 227 ay isang kakila ang sumalubong sakanya.

Noong una ay isang mainit na ngiti ang kanyang iginawad.Ngunit hindi ito nagtagal at napalitan ng pagtataka ang kanyang mukha ng mapansin na lahat ng kaklase nila noong highschool ay nandito.At ang mas nakakuha sakanyang atensyon ay ang mga mata nilang...lumuluha.

Hindi alam ng lalaki kung saan galing ang kaba na kanyang naramdaman bigla pagkatapos niyang suriin ang bawat mukha ng mga kasama.

Ngunit inalis niya ito sakanyang isip at nilapitan ang mga kasama na tila walang napapansing kakaiba.

Ayaw rin magsalita ng kanyang mga kaibigan kung ano ang problema at kung anong meron?

Hanggang sa lumapit na si Kiara sakanya.

Inalalayan naman siya nina Giomar,Earl,at Hansly sa hindi malamang dahilan.

Tinanong ni Carl si Kiara kung anong nangyayari at bakit nandito sila sa labas ng ospital kasama ang iba pa?

At tanging mapait na ngiti lamang ang iginawad sakanya ng babae.

Maya-maya pa ay may lalaking nakasuot ng lab coat ang lumabas mula sa kwarto ni Blyth.Walang ka-emo emosyon ang kanyang mukha at taimtim na nakatingin lamang ito kay Carl.

Nilapitan siya ng Doktor at tumango ng isang beses,senyales ng isang magandang pagbati.

"I'm sorry.Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya pero..."

Narinig na yan ni Carl ng ilang libong beses.Madalas niya itong naririnig sa telebisyon,sa palabas,at kahit saan.Kung kaya't alam na niya ang idudugtong ng Doktor.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon