Requested by:psycho_thinker03
06/15/19
Entry #1
Title: Iba Naman,Huwag AkoKay ganda ng araw ngayon diba mga ginoo't mga binibini?
Marapat lang na simulan ko ito sa pamamagitan ng isang magandang bati.Maligayang bati sa inyong lahat!Ako nga pala si Blyth.
Ang babaeng nagmahal,nasaktan,nag-spoken.Pfft.Alam ko,nakakatawa.
Nakatayo ba naman sa harap mo ang babaeng iyong sinaktan ng bonggang bongga?
Bonggang bongga talaga.
As in bonggang bonggaMasaya ka ba dahil sa wakas ay nakita mo ulit ako?
O nagsisisi ka dahil sa lahat ng babaeng niloko mo ako ang pinaka na apektado?
Syempre,doon ka sa first choice.
Sino ba naman kasi ako para pagsisihan mo diba?
Eh sabi mo nga isang di hamak na pampalipas oras mo lang naman ako.Pero nagtataka ka ba kung bakit ganito ako ngayon?
Malayong malayo sa babaeng iniwan mo noon?
Sa katunayan,
Nagpapaslamat ako.
Kasi dahil sa'yo,
Ako'y nagbago.
Isang magandang pagbabago.Nandito ako ngayon,
Nakatayo sa harap ng maraming tao.
Isinisigaw kung gaano ka gago.Oopss.Pasensya na sa salita.
Sadyang iyan lang talaga ang naisip ko na nababagay para sa'yo.
Diba nakakatuwa?
Nabigyan pa kita ng palayaw!
Kaya pasalamatan mo sana ako ng ika'y aking maisayaw.Sabi ng karamihan,
Hindi daw namin maiiwasang mga sawi ang mag throwback ng mga ala-ala.
Sige nga,susubukan ko.
Kunwari,sawi parin ako.Naaalala mo yung unang beses na binigyan mo ako ng sulat?
Diba nakita mo kung paano ako kiligin sa pa-simple mong mga salita?
Nag makata ka pa ngunit iba naman pala ang gumawa sa tula!
Hindi naman halata!Alam mo may pick-up line ako sa'yo.
Papel ka ba? (Bakit?)
Kasi para kang basura!
Boom!Napanes ba kita?Sorry,fan lang ako ni Vice Ganda.Ito pa,
Naaalala mo yung sinagot kita?
Ibang klase ka!
Paano mo ako nauto gamit ang isang quota?
Kung hindi ko lang sina tsinek iyon sa internet
Hindi ko malalamang google master ka pala!Oy eto!
Papaano yung unang beses na binigyan mo ako ng teddy bear at bulaklak?
Ang sweet mo noon,
Pero anong nangyari ngayon?
Tinuri mo akong parang patapon.Hindi naman sa nangungulila ako sa'yo,
Sadyang hindi ko lang talaga makalimutan ang sakit ng kahapon.
Ang daya mo rin e!
Papaano mo magawang ngumiti sa kabila ng lahat?
Papaano mo'kong nagawang sirain?
Papaano mo'kong nagawang lokohin?
Papaano mo nagawang paiyakin ako araw-araw habang ikaw ay tumatawa na tila wala kang pinoproblema?
Papaano mo nagawang sirain ang buong pagkatao ko habang ikaw ay patuloy na naninira ng pagkatao ng iba!
Paano mo nagawang iwan ako ng may pangungulila habang ikaw ay naglalakad sa isang madilim na iskinita at hinahayaan akong tuluyang malamon ng kalungkutan?
Ang kapal ng mukha mo.
Wala kang kwenta.Pero ayos lang,naka move on na ako.
Kaya ikaw,
Huwag na huwag ka ng bumalik.
Kasi sa oras na bumalik ka ulit sa'kin,
Hinding-hindi na kita tatanggapin.
Tapos na akong makipaglaro sa'yo
Kaya sana iba naman ang paglaruan mo.
Iba naman,huwag ako.
BINABASA MO ANG
Hiling
Storie d'amoreBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...