Hiling
Blyth's POVNoong ika'y unang makilala,
Puso ko'y tila ba lumundag sa kalangitan.
Noong ika'y unang mahawakan,
Naramdamang mga paa'y nasa itaas ng buwan.Tumingin ka sa'king mga mata.
Ito'y mayroong ibig sabihin sinta.
Ngunit hindi ko alam,
Na ang ating kasiyahan ay mayroon palang hangganan~🎶Inilapag ko ang gitara sabay pulot ng itim na ballpen mula sa aking higaan.Kasalukuyan akong nagsusulat ng kanta para may magawa.Nakahiligan ko na rin kasi ito eh.Simula noong nasa ospital lang ako,ang pagco-compose ng kanta ang isa sa aking mga libangan.
Ngunit isang taon ko na ito sinusulat ngunit hindi parin ako makapag-isip ng chorus.Tanging 1st Verse pa lamang ang meron ako.Hays.Ewan ko ba.Ngunit sa lahat ng kantang ginawa ko ito lang yung pinakamatagal na nai-compose ko.Ganoon ka loading utak ko ngayon.
"Arf!Arf!"
"Hoy Carl!Huwag mo ngang kagatin 'yan!"tumayo ako at kinuha mula sakanya ang isa sa mga spongebob stuff toy ko.
Inilagay ko ito sa itaas kung saan hindi niya ito maaabot.
"Ambaho baho kaya ng laway mo!Huwag ka ulit mangealam sa mga stuff toys ko ah!Lagot ka talaga sa'kin"nilabas lang nit ang kanyang dila na tila binebelatan ako.
"Gusto mong maging karneng aso?"napaupo siya at tsaka tumahimik.Ang kaninang kumakaway na buntot ay napahinto rin.Tila naging maamong aso itong si Carl bigla.
"Very good.Sumunod ka kasi sa'kin kung ayaw mong maging karne"
Bumalik ako sa pagkakaupo sa aking higaan tsaka kinuha ang aking gitara at nag-strum.
Tumalon si Carl sa kama na ikinagulat ko.Dali-dali ko namang kinuha ang aking notebook at ballpen sa takot na baka kainin pa ito ng aso ko.
"Mag behave ka nga!"imbes na sundin niya ako tinalikuran lang niya ako,hinaharap ang kanyang pwet sa'kin tsaka kalmadong humiga sa aking higaan.
"Aba.Ipag-untog ko ulo ninyo ni Justin eh."napatayo naman siya bigla at hinarap ako.Tinignan niya ako ng masama tsaka tinaholan pa ako.
Aba!Aba!Lumalaban.
"Mawalan ng dog food o karneng aso?"humiga ulit siya ngunit naka-harap na siya sa'kin.Ganoon parin ang tingin niya,ang sama.
"Wala ka talagang laban sa amo mo ano?Ganda ko kasi"proud kong ani.
"Arf!"
"Aba!Sige umangal ka lang.Tignan lang natin kung sino ang mawawalan ng pagkain mamaya"he growled.
Binelatan ko na lamang siya tsaka tinakpan ng unan ang kanyang mukha.Mukhang nainis naman ito kasi hinawi niya yung unan mula sa kanyang ulo.Dahilan kung bakit nahulog ito.
"Ansungit!"
Binalik ko na sa lalagyan nito ang gitara tsaka sinauli sa dating pwesto.Agad akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa dinning room para kumain ng breakfast.
Isang linggo na ang nakakalipas at naging maayos naman ang pagtratrabahao ko sa organisasyon ng Paul.Nalaman ko na kapag nagbibigay ng funds ang founder ng Joy Organization ay pinapagawa nila itong bahay para sa mga taong walang permanenteng tahanan.At ang Chairman (which is si Warren Paul na ama ni Justin Paul) ang nagli-lead sa organisasyong ito.'Yan daw kasi ang pinapagawa ng founder sakanya.Ambait ng founder noh?Imagine,nagpatayo siya ng organisasyon para makatulong sa mga taong walang tahanan?
BINABASA MO ANG
Hiling
RomansBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...