Hiling
Blyth's POV
"Yun na ang plano guys ha?"tanong ni Kuya sa lahat.Sumang-ayon naman kami.
Actually,nag-aalinlangan talaga ako.Ngunit kailangan kong magtiwala sakanila.Nga pala,binigyan ako ni Kuya ng phone.Yung keypad na pinakamaliit.Para daw mas madaling matago.
"Pwede na kayong umuwi guys.Tsaka i-contact niyo kaagad ang iba,lalong-lalo na ako kapag may nangyaring masama sainyo o sa mga pamilya ninyo."ani Kuya.
"I-inform niyo rin ako para makapag-tawag ako ng mga back-ups galing sa district namin."police rin kasi itong si Rey Justine.Sinunod niya yung yapak ng kanyang ama.
Pero nakaka-amaze dahil tatlo pala ang Justine namin(XD)
-Carl Justin
-Justine Lhoyd
-Rey Justine
Superness coolness! <3
"Noted!"
"Okay!"
"Got it!"
"Sige,aalis na kami par."tinapik ng mga lalaki kong kaklase ang balikat ng aking Kuya habang niyakap naman ako ng iba.Ang mga babae naman ay niyakap kaming dalawa ni Kuya.
Mukhang nagustuhan nga ni Kuya yun eh.Nakangiting aso pa nga bago sila umalis sa classroom.Manyak talaga.
"Oh Carl?Hindi ka pa ba uuwi?"umiling siya.
Lumapit siya sa'kin tsaka binack-hug ako."Sasamahan pa kita e.Tsaka huwag mo nga akong tawagin gamit ang tunay kong pangalan.Yung call sign natin ang gamitin mo."kumunot ng kaunti ang aking noo tsaka napaisip sandali.
Kailan kami nagkaroon n'on?
"May callsign tayo?"tanong ko.Napakalas siya sa pagkakayakap tsaka nilingon ako.
"Nakalimutan mo?Callsign kaya natin yun noon pa!Yung mga panahong mag-bestfriends palang tayo."mas napakunot ang aking noo.
Wala naman akong maalala eh!
"Tch.Nakalimutan mo nga.Bahala ka,hindi talaga kita papansinin kapag hindi mo maalala yun.Tsaka wala ka ring kiss galing sa'kin!"pagdadabog niya.Kinurot ko na lamang ang kanyang pisngi at hinalikan siya sa labi.Pero smack lang!
"Hoy!Sabi ko wala kang kiss!Ang daya nito!"nakangusong aniya.
Hindi ako nakinig sakanya at hinalikan siya muli.Ang sarap lang niyang halikan—este,asarin.
"Huwag nga kayong maglandian sa harap ko.Nakakadiri kaya alam niyo yun?"binelatan ko lang si Kuya.Napairap naman siya sa kawalan.
"Porket walang jowa eh..bitter na bitter!"napatakbo ako papalayo sakanya nang namataan kong akma niya akong babatuhan ng throw pillow.
Yun yung throw pillow na nakita ko sa malaking box.Naalala ko kasi na yun ang pambansang unan ng classroom pfft.Nag-aagawan nga kami doon kasi iyon lang naman ang nag-iisang unan sa classroom.
Nga pala,yung mga nakalagay na gamit sa malaking box ay yung mga bagay na naging imporante sa amin at marami talagang memories.Katulad na lamang n'ong bato.May isang beses na pinagawa kami ng proyekto sa Arts,kailangan namin magpinta sa bato.Naalala ko na ako yung naging source ng poster paint nun kasi sa aming lahat,ako ang may pinakamahilig sa arts at kompleto ako sa gamit.Ang hirap talagang maging national bookstore ng klase.
BINABASA MO ANG
Hiling
RomansaBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...
