Chapter 29:Bar

19 7 0
                                    

Blyth's POV
Hiling

Hindi ko makalimutan ang itsura nung dalawa.Kamukhang-kamukha ni Patch si Criscelle.Ang pinagkaiba nga lang ay maiksi ang buhok nito hanggang balikat.May kulay na faded light brown sa bandang ibaba nito.Halata rin sakanyang mukha na marami itong pinagdaanan.Ngunit hindi parin mapapakalainlan ang balingkinitang katawan nito. Nandoon parin ang pang-model nitong tindig

Kamukha rin nung Ian si Moses.Ang pinagkaiba nila ay tinubuan ng bigote itong si Ian ngunit bakas parin sakanyang mukha ang kagwapuhan.Mas makisig ito at hula ko ay naggy-gym siya dahil sa ganda ng built ng kanyang katawan.Masiyahin rin ito.Balita ko,maraming nakakakilala sakanya dahil sa kabaitan na taglay ni Ian.

I wonder,kailan kaya magpapakita ang iba?

Natatakot ako ngunit may kahalong excitement.I really miss them so much.Pero I'm afraid na baka pagkagising ko isang araw,mawala sila na parang bula.Pero ayos lang.At least nakita ko silang lahat diba?Bahala na kung hindi nila ako kilala.Ang importante ay nakita kong masaya sila at maayos.Pwera nalang kay Criscelle—este Patch.I want to approach her kaso may parte sa'kin na ayaw ko.Diba may isang rule ako sa sarili ko?Ang mapalayo at umiwas sa mga bagay o pangyayaring nagbibigay sa akin ng lubos na kasiyahan.

Ngunit may parte parin sa akin na gustong lumabag sa kaisa-isang patakaran na 'yon.

"Hays.Ewan ko"wala sa sariling sambit ko.

Nilingon ko si Justin—este Boss na binibigyan ako ng nagtatakang tingin.Kanina pa niya ako pinapagalitan dahil sa pagtawag ko sakanya sa pamamagitan ng kanyang unang pangalan.Ilang beses ko ba daw kailangan magpasabi na Boss ang itatawag ko sakanya?

Haist.Sumunod nalang ako kaysa umangal pa.Wala ako sa mood para makipag-away sakanya.

"Sinong kinakausap mo?"may pagtataka niyang tanong.

"Kausap ko ang sarili ko.Bawal ba 'yon?"napa-tsk ito.Inirapan ko siya at ganun rin ang kanyang ginawa.Kung pwede ko lang sana siyang sabihan na huwag umirap kapag iniirapan ko siya ay nagawa ko na.Kaso mas lumalamang ang pagiging Bossy niya.Wala rin namang kwenta kung susumbatan ko siya dahil doon,hindi rin naman siya makikinig.

"Baliw ka na nga"hindi ako umimik.Tama siya.Baliw nga ako.Matagal na.

Kasalukuyan kaming nasa opisina niya.Naka-formal attire na rin ako.Isang pencil skirt at long sleeve polo na white ang sinuhestyon ni Ian sa'kin.Ang yep,siya mismo ang pumili.Ang may-ari ng FashionIzta.Sabi ni Boss,matagal na niyang kilala si Ian,highschool pa lamang sila,kaya mas nagtitiwala siya dito kaysa sa mga crew ng shop na 'yon.

Nakaupo ako sa harap ng kanyang desk.Dito daw muna ako habang may inaayos pa siya.

Warren Paul

Eh?Hindi naman pangalan niya ang nakalagay sa lamesa eh.Pangalan ng papa niya.Nasaan kaya ang ama niya ngayon at bakit ang kanyang anak ang nandito sa opisina niya?

Nga pala,hindi ko pa naitatanong sakanya kung bakit ako magiging sekretarya niya.

Sinubukan ko ring tawagan si Mama kaso out of reach ang kanyang cellphone.Nasaan kaya yun?

"Edi ako na ang baliw"sumimsim ako sa mainit na kape.Nagpadala rin siya sakanyang opisina ng mga snacks kagaya nalang ng cookies.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon