Hiling
Blyth's POV"Picture muna tayo dali!!"
"You look so pretty with that gown Kayen!"
"Mas maganda yung bride!"
"I can't wait to see Kiara.Sigurado akong gumanda yun lalo!!"
"Nakakainggit siya huhu.Antagal naman kasing magyaya ni Kuv.Excited na akong maka-experience kung ano ang pakiramdam ng makasuot ng wedding gown"nandito kami ngayon sa harap ng simbahan.Mamaya pa kami papasok.May sampung minuto pa kasi kami bago magsimula ang kasalan.
And yep!!Finally!Kasalan na nila Kiara at Kiel!Proud bestfriend here!
"Naku Mei.Baka bukas o mamaya yayayain ka na n'on."sabi ni April na abala sa pag-aayos ng kanyang make-up.Kahit kasi pang-professional yung galing nung nag make-up sa amin ay wala parin itong tiwala.Sabi nga niya,pangit siya kapag naka-make up.
"Psh.As if naman"lugmok na sabi nito.
"As if mo mukha mo!Ang ganda mo kaya!Kaya sigurado yan girl!"singit ni Criscelle sa usapan habang abala sa pagse-selfie.
"Si Vivian nga nagka-asawa ikaw pa kaya!!"sinamaan ng tingin ni Mei ang kaibigan na si Kayen.
"Wag mo nga akong ihalintulad sa pesteng makating higad na yun!!"
"Pfft.Hindi ko maintindihan kung bakit mas galit ka kaysa sa'kin sa babaeng iyon."
Inakbayan niya si Kayen."Naman bes.Ganyan talaga ang magkakaibigan."
Kahit nga ako ay ganyan rin.Kapag may umaway sa bestfriend ko mas nakakaramdam ako ng galit kaysa sakaniya o sakanila.
"Ikaw ba Blyth,engage ka na?"umiling ako.
"Gusto ko mang maranasan na kung ano ang pakiramdam maikasal,hindi ko din naman gustong madaliin si Carl.Hinihintay ko lamang ang pagkakataong handa na siya."mahabang lintaya.
"Taray ng ate niyo.May pa speech!"sabay kaming napalingon sa nagsalita.Napanganga kaming lahat dahil sa aming nakita.
"M-Moses?!Ikaw ba yan?!"hindi makapaniwalang ani Tonet.
"Ay hindi.Obvious ba?"sarkastikong tugon nito.
"Mygash!Hindi ako makapaniwalang masasabi ko'to ngayon Mos.Pero grabe!Ang gwapo gwapo mo!!!"napahinto si Moses sa sinabing iyon ni Aimreal.Pero hindi dahil sa kinikilig siya.Kung hindi ay nandidiri.
"Tang ina?Gwapo?!Baka gusto mong mag sabunutan tayo."
"Ahehe sorry naman."
"Pero seryoso nga Moses.Ang gwa—blooming mo ngayon!!"puri ni Kayen.
"Akala ko sasabihan mo rin akong gwapo eh.Kukurutin ko talaga mga singit ninyo."
"Ay wow.Damay kami nito?"-Tonet
"Naman Ms.President!All for one,One for all kaya motto natin nung High School.Kaya wag na kayong magreklamo!!"
"Sino ba kasi ang nakaisip nun?"sa katunayan ang motto namin noong Grade 8 ay We are bulletproof because we are ONE.
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...