Hiling
Blyth's POV"You can now come in,love"pagsasalita niya habang nakaharap sa pintuan ng dinning room.Napatuon naman ang atensyon naming lahat sa gawing iyon.Hanggang sa bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang pamilyar na babae.
"Say hi to my girlfriend,Devorah"
Devorah?Diba siya yung sinasabing stranger ni Clyde na nag walk out sa cafeteria kasi akala nila na sinagot ko siya?
"Girlfriend?tsk"rinig kong bulong ni Cloude ngunit sapat na para marinig ko.
"Halika na Dev.Huwag ka ng mahiya"napanganga ako nang pumasok ng tuluyan ang isang binibining nakalugay ang hanggang balikat na buhok.
Sobrang itim nito na siyang dahilan kung bakit sumisigaw ang kaputian ng kanyang kutis.May iba't-ibang kulay na highlights ang buhok nito.May dilaw,pink,at blue.At kahit tignan mo sa malayo ay halatang pambad girl ang datingan niya.Halata rin kasi sa pormahan niya.Nakasuot siya ng sleeveless na kulay puti.Pinaresan niya ito ng itim na jeans at brown leather boots na hanggang tuhod.Mas nakadagdag sa aura niya ang suot-suot na black lipstick.
"Sinong nagsabi na nahihiya ako?"
Nagulantang ako nang tumabi siya sa'kin.Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at napairap.
Maiinis na sana ako kaso naalala kong ako pala yung dahilan kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan silang dalawa ni Clyde.Inakala siguro ng kanyang mga kaibigan at ni Devorah na sinagot ko nga si Clyde.Mabuti nalang at umaksyon agad ang Lolo niyo.Kung hindi,aba walang girlfriend ang dadating ngayon!
"Oh!Hi Dev!It's nice to meet you.My name is Chloe.And this is Cloude,Christopher and Adrianne"
Iniisa-isa niya ang kanyang mga kapatid habang tinuturo sila.Kumaway naman si Cloude habang si Christopher ay tumango lamang habang nakapako ang tingin sa libro.Ngumiti lang din si Adrianne.Bakas sakanyang mukha na natatakot siya sa babae sapagkat iniiwas-iwas nito ang kanyang tingin.
"And I'm Blyth"singit ko.Akala ko babatiin niya ako pabalik kaso akala ko lang pala 'yon.Napasimangot ako nang irapan na naman niya ako.
"Come on.Para naman kayong walang kain nyan."pagrereklamo ni Clyde."Is that how you greet somebody?"lahat ng kapatid niya ang pinaparinggan niya nito ngunit sa dalawang tao lamang siya nakatingin.Kay Christopher at Adrianne.
"It's okay Clyde.Parang hindi ka naman nasanay."nagkibit-balikat na lamang si Clyde tsaka nagtungo sa kanyang pwesto.Tinabihan ni Clyde ang kasintahan tsaka kumuha ng iilang pirasong chicken wings.
"Oi.Kumain ka na din Blyth"nilingon ko si Chloe na ngayon ay inaabot na ang isang box ng pizza.
Ewan ko lang ha,ngunit may awkwardness sa ere ngayon.I don't know kung bakit pero yun ang napapansin ko eh.
"Uhmm...pwedeng mag-share?"
Hindi ko na talaga kaya.Ang sikip sikip ng dibdib ko.Gusto ko silang yakapin isa-isa at sabihin kung gaano ko sila namiss.Kaso hindi pwede,hindi ko pwedeng sabihin ang mga salitang iyon.Magtataka sila eh.
"Ano ba 'yun Blyth?"tanong ni Chloe habang puno ng pizza ang kanyang bibig.
Humugot ako ng hangin tsaka isa-isang tinapunan ng tingin ang lahat na ngayon ay nakapako ang atensyon sa akin.Kahit si Christopher ay napahinto sa pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...