Chapter 47:Where are you?

38 5 1
                                    

Hiling
Carl's POV

Pansin ko ang pagiging balisa ni Blyth.Hindi ko mawari kung bakit ngunit biglaan na lamang siya naging ganyan simula nung nabasa niya ang isang text message sa phone nito.

Honestly,I don't have any idea kung text message nga ba ngunit base sa instinct ko ay mukhang ganoon nga.

"Hoy?Ayos ka lang ba?"nanginginig ang kanyang tuhod at kahit nakangiti siya sa'kin ay kitang-kita ko parin ang pamumutla nito.At kung papaano dumaloy ang iilang malamig na butil ng pawis mula sakanyang noo.

"O-oo naman."umiwas siya ng tingin na mas lalong ipinagtataka ko.

"Don't lie.Sabihin mo na kung ano ang bumabagabag sa'yo.Mukhang nababalisa ka yata."at sa ikadalawang pagkakataon,isang pekeng ngiti ang muli niyang iginawad.

Something's bothering her.I just don't know what.

Iniwas ko na lamang ang aking sarili na mag-isip.Baka nga wala lang yun.O baka may masakit lang sakanyang katawan.

Mas mabuting makauwi na kaagad kami para makapagpahinga na siya.

Itinuon ko na lamang ang aking sarili sa pagmamaneho.Makalipas ang ilang oras ay narating narin namin ang aming patutunguhan.

Dito muna siya sa condo ko mananatili sapagkat gusto kong masiguradong ayos lang ang kanyang kalagayan.At para narin masigurado kong walang mangyayaring masama sakanya.

Nang mai-park ko na ang sasakyan ay agad akong lumabas tsaka pinagbuksan siya ng pinto.

Pagkatapos ay agad kaming dumeretso sa unit ko.Binuksan ko muna ang ilaw bago tuluyang pumasok sa loob.

Kitang-kita ko kung papaano namamangha si Blyth sa bawat sulok ng silid.Hindi niya siguro inaasahang ganito kalinis ang tinitirhan ko.Noon kasi sinusuway pa ako nyan dahil daw ang tamad tamad kong maglinis.

Kasalanan ko bang ganun ako? (😕)

"Woah!Hindi ko inaasahang ganito ka-ganda,ka-linis,at ka-organize ang condo mo!!Shems!!Kailan ka pa natutong maglinis?!"

Habang abala siya sa pagtitingin-tingin sa mga picture frame na nakadikit sa dingding ay walang pasabing niyakap ko siya mula sa likuran.Dinig na dinig ko ang malakas na pag-pintig ng kanyang puso na akala mo ay gusto ng kumawala nito sa kanyang katawan.Gusto kong matawa nang mapagtanto na tila nagulat siya sa aking ginawa na siyang dahilan kung bakit hindi siya makakilos..Hindi niya siguro inaasahang gagawin ko'to.

Hays.Kailan pa kaya siya masasanay sa pagiging clingy ko?—uhh wait.Ngayon lang pala ako nagka-ganito.(😅)

"It's because of you.Ayaw ko namang madisappoint ang mapapangasawa ko.Syempre,magiging asawa at tatay na ako soon kaya mas mabuting maging handa."kumawala ang isang matamis at nakakatunaw na ngiti mula sakanyang maamong mukha.

Naaalala ko parin ang mga panahong magkasama kami noon.

Mula sa pagiging hindi magkakilala ay naging magkaibigan kami.Hanggang sa umabot sa puntong mag-BESTFRIENDS na kaming dalawa.

At ngayon,lumevel up na kami!(Umuwi na mga bitter)

"Sus.Bolero"

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon