Chapter 21:See my worth

41 10 7
                                    

Blyth's POV
Year 2020

Ang sarap lang takpan ng aking mga tainga.Nakakarinding pakinggan ang sigawan ng kapatid ko at ni Mama.Sawang-sawa na ako.Palagi nalang silang nag-aaway.Kung hindi silang dalawa ay kami naman ni Mama.Kailan ba kami mamumuhay ng matiwasay?Ng walang gulo?Sawang-sawa na ako.

"Mama tama na!!"rinig na rinig ko mula sa aking kwarto ang sigaw at pagdaing ng aking kapatid dahil sa sakit.Halatang pinapalo siya ng kung anong matigas na bagay.

Alam kong nagsasawa na din ang aking kapatid dahil dito.Gustong-gusto niya ng lumayas at magpunta nalang kay papa.Ngunit hindi niya magawa-gawa.Iniisip niya na kailangan siya sa pamamahay namin kasi siya lang ang lalaki dito.Kahit nasasaktan at nagsasawa na siya ay tinitiis niya parin ang lahat para lang sa'min.Kahit pala ipinapakita niyang wala siyang pakealam sa'kin ay may puso parin siya kahit papaano.Sadyang ang tarantado niya lang.

"PAREHAS KAYO NG ATE MO!MGA WALA KAYONG KWENTA!"akala ko ayos na ang lahat.Pero hindi pa pala.

At ito na naman yung sakit na nararamdaman ko.pakshems

Ayaw kong umiyak.Gusto ko lang ng may kausap.Gusto ko lang ng may malabasan ng hinanakit.

🙊Carl da Mojojojo🙊
•Active now

Bes,gising ka pa ba?
✔️sent

Yup,I'm still up.Why?
seen

May sasabihin lang sana ako
seen

Bes!Tang ina hindi na naman siya
namamansin!

Nakakapagod ng umitindi.Akala
ko ba ako ang pinakapaboritong tao
sa buong buhay niya!Pero ano
'tong ginagawa niya?!Hindi na
ako natutuwa.Gusto ko ng sumuko!
seen


Right.Akala ko this time,makikinig na siya.Pfft mukhang sarili ko lang niloloko ko.Why would he listen to me?Wala siyang pakealam sa'kin.Best friend niya nga ako pero hindi ibig sabihin n'on may pakealam na siya sa'kin.I've tried many times to reach him out kasi hindi ko na kayang kimkimin itong problema ko ngunit ayun nga,hindi siya nakikinig.Puro problema niya ang inaatupag niya.Puro siya Juniel.Juniel.Juniel.Kailan kaya niya ako pakikinggan noh?Kahit hindi na siya magbigay ng advice as long as he'll listen.I badly want to talk to him right now.


Ahh..Anong balak mong gawin?
sent

Iyan na lang ang nasabi ko.Baka nga palaging ginugulo ang kanyang isip ni Juniel kaya eto siya ngayon,nagiging hysterical na naman.Ayos lang,iintindihin ko nalang.Baka naman bukas ay pwede na akong makapag-open up sakanya.Sadyang pre-occupied lang talaga ang isip niya ngayon dahil na naman kay Juniel.Tama,yan nalang ang iisipin ko.Na wrong timing lang ako.Haist.

Tang ina ang sarap mamatay!
Sana mamatay nalang ako ngayon!
Fuck this life!
seen

Nagdadalawang isip ako kung magrereply ba ako o hindi.Ilang beses na niya kasi akong sinabihan tungkol dito at ilang beses na rin akong nagbigay ng advice.Kaunti nalang talaga at ika-copy paste ko yung mga advice ko para sakanya.


Tss.Before nung Christmas Party natin,
Did you know pinagtangkaan ko ulit ang
buhay ko?Hindi niyo nahalata yung
mga laslas ko sa aking kaliwang braso
kasi long sleeve shirt yung sinuot ko.
Sinadya ko yun para hindi na ma-issue.
Habang ginagawa ko yung binabalak ko ay
naisip ko kayo.Na sakabila ng mapapait
na nangyari sa buhay ko ay nandiyan
kayo na mga kaibigan ko.Na nagbibigay
sa'kin ng saya kapag ako'y malungkot.Na
umaagapay sa mga oras na walang-wala na
ako.Kahit puno ng negatibo ang buhay ko
hinanap ko parin ang positibo.At aaminin
ko,masaya ako dahil dumating kayo sa
buhay ko.Dahil sainyo natuto akong
maging masaya at kontento.Dahil sainyo,
hanggang ngayon ay buhay pa ako.Kayo lang
naman ang rason kung bakit mas pinili ko
nalang na mabuhay kaysa mamatay.Kayo kasi
ang kasiyahan ko.Naisip ko na ang selfish ko
lang kapag iniwan ko kayo ng walang ka-alam
alam.Alam kong magagalit kayo kasi hindi ko
manlang kayo inisip bago ko maisipang kitilin
ang aking buhay.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon