Blyth's POV
Year 2019
Nakakainis!
Nakakainis dahil hindi ko man lang mabasa ang mga ikinikilos nila.Kahit kaunting clue lang para malaman ko yung plano nilang tatlo sa'kin!
Sa totoo lang may ideya na ako kung sino sa tingin ko ang itutulak nila sa akin kapag nagkataong isasali nila ako sa mga booth booth na yan.Pero langya wala naman akong maipruweba!Got feels ko lang!
Anong ginawa ko?Naghanda lang naman ako ng pera para baka sakaling maikulong ako sa Jail Booth ay makakalabas ako kaagad.Wala din naman kasi akong Bible Verse na nasaulo kaya yung pera nalang ang pag-asa ko.
Si Aimreal kasi,hindi pa nga sila umabot ng 30 minutes sa Jail Booth ni Earl ay nakaalis na kaagad ang dalawa!Ang unfair lang kasi may nasaulo siyang Bible Verses kaya advantage din para sakanya.Tsk.
Kung ano man ang mangyari sa'kin ngayong araw ay si Lord na ang bahala sa'kin. T__T
"Bes.Anohin natin si Kiara tara?"lumapit si Anthonette sakin na may nakatanim na ngisi sakanyang mga labi.Ano naman kaya ang binabalak ng babaeng ito?
"Teka ano muna yung aanohin?Hindi ko naaano yung inaano mo.Ano ba yun?Nakakaano yan ah.Juice colored."napatawa naman ito ng slight.
"Hahha baliw.Naaalala mo yung sinabi ko nung nakaraan?"nangalkal ako sa utak para makakuha ng alaala.Nakalimutan ko kasi.Ano ba yung sinabi niya sa'kin?
"I guess you forgot."napakamot nalang ako sa batok ko."As you can see,our bestfriend likes kuya Kurt.And this past few days April and him is getting closer and closer than before.They even got a picture!Para makabawi na rin sa pagluluksa ng ating bestfriend why don't we go to Harana booth?Diba si Kuya Kurt parin ang naka-assign sa booth na yun?In short siya rin ang manghaharana."mahabang lintaya niya.Napasimangot naman ako.
Ang lungkot lang ng crush story ng bestfriend ko!Paano ba kasi,itong si April classmate namin / bestfriend rin ay parehas silang may crush kay Kuya!And the worst,I have this feeling that Kuya and April has mutual feelings for each other.Langya! T__T gusto kong umiyak para sa bestfriend ko.
"What's with that face bes?"nakanguso ko siyang tinignan.
"What if she found out?"well hindi naman sa wala akong tiwala sa mga naka assigned SSG officers sa booth na yun,pero kasi hindi naman tanga ang bestfriend ko para hindi malaman kung sino ang may pakana ng lahat!I can say it's obvious.Kahit siguro kung ako yung nasa posisyon niya ay malalaman ko rin ito kaagad.
But that's not the big deal.At least kahit papaano ay maiibsan ng kaunti ang sakit ng nararamdaman kapag naharana na siya ni Kuya.And for pete's sake Kuya is still single!Sa gwapong iyon ni Kuya ay wala parin siyang girlfriend hanggang ngayon!
Grade 7 hanggang Grade 10,kilalang-kilala ko yung mga students na nagka-crush kay Kuya.Grabe noh?Ganun siya kagwapo.He has this features na kahit tignan mo sa malayo ay maattract ka kaagad sakanya.He has this pale skin with pinkish lips.Maninipis ang mga ito at sa tingin ko ay sobrang lambot lang nito.Maaadik ka siguro kapag hinalikan ka niya.Matangos din ang ilong nito,kahit wala naman siyang lahing banyaga ay kasing tangos nito ang ilong ng taga-America.His jet black eyes can drive you crazy whenever he looks at you!Ganun ang epekto niya sa mga babaeng nagkakagusto sakanya.
Kung nagtataka kayo bakit hindi ako nagkagusto sakanya,simple.Kasi loyal ako kay pennywise.If hindi niyo siya kilala you can search him on Google.Promise,he's handsome *wink*
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...
