Chapter 34:Angel

34 9 0
                                    

Hiling
Blyth's POV

"Let's go!"

Takang tinignan ko siya."S-saan?"

"Sa mundong may mahika"and he winked at me.

Hindi na ako nakaangal pa ng hilahin niya ako.Nanatili kaming ganoon hanggang sa nakarating kami sa pinakapaborito kong part sa amusement park.Ang Ferris Wheel.

"Oh my god—"

"Huwag kang ngumanga.Baka pasukan pa ng langaw 'yan"sinarado ko ang bibig ko.

Napatingin ako sa kamay naming dalawa na ngayon ay naka-intertwined.Ngumiti siya sa'kin at hindi na mapakali ang mga kalamnan ko dahil sa kilig.

Wait.Did I just say kinikilig ako?

"Tickets please"inilahad ni Justin kay Kuya ang dalawang ticket namin.

Pinauna niya akong sumakay doon at sumunod naman siya.Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang sobrang pagka-excite ko.Buong oras ay nakangiti lamang ako.Mukhang matagal-tagal na rin simula nung maranasan ko ang ganitong klase ng kasiyahan.

Yung tila ba,wala kang pinoproblema?Na walang makakapigil sa'yo sa sobrang saya.Na ang gaan-gaan sa pakiramdam at nanaisin mo pang maranasan ulit ang kasiyahan na iyon.Sana ganyan nalang habangbuhay.

Di nagtagal ay nagsimula ng umikot ang Ferris Wheel.Hindi maalis sa mga labi ko ang malaking ngiti.Ayaw rin matanggal sa katawan ko ang kagalakan.Sa wakas,maabot ko na rin ang mga bitwin.Makikita ko narin ang ganda ng city lights.

"Nagustuhan mo ba?"tanong niya.

Nasa tuktok na kami ng Ferris Wheel at pababa na kami.Habang nasa tuktok,hindi ko maiwasang mapahiling na sana pagbigyan nila ako na kahit isang minuto lang,matitigan ko lang ang magandang tanawin.

At mukhang narinig ng kung sino man ang hiling na iyon.Dinig na dinig ko ang mga hiyawan ng ibang pasahero.May iba ring natutuwa at kinuha ang pagkakataon na ito para makakuha ng pictures.

Imbes na matakot ako dahil hindi ko alam kung kailan kami makakababa dito,ay kabaligtaran ang nararamdaman ko.Masaya ako dahil na-stuck kami sa tuktok.

"Oo..sobra"nakangiting nilingon ko siya.

Napatitig ako sakanyang mga mata na ngayon ay sumasabay sa pagkislap ng mga bitwin sa langit.

"Salamat"usal ko.Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.Senyales na nagtataka siya."Thank you for bringing me here.Ang saya ko"makalaunan ay unti-unting sumilay sakanyang labi ang isang matamis na ngiti.

Ako lang ba ito o sadyang nakakatunaw lang talaga ang mga ngiti niyang iyon?

"Mabuti naman at nagustuhan mo"nagulat siya ng binigyan ko siya ng yakap.Mukhang hindi niya iyon inasahan.

"Mukha ka talagang bata.Dinala lang kita dito,nangyayakap ka na.Ikaw ah,baka iba na'yan!"binigyan niya ako ng nang-aasar na tingin.

"Tanga"binatukan ko siya at napa-aray naman ito.

"Aba!Lakas ng loob mong batukan Boss mo ah!Baka gusto mong maparusahan ulit?"pagbabanta niya.Pero syempre hindi ako magpapatalo.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon