Blyth's POV
Year 2019"Hindi niya talaga ako pinapansin oh.Ano na namang ginawa kong masama kay Juniel?Palagi nalang siyang ganyan.Palagi nalang ako yung nag-aadjust."gusto ko ng tanggalin ang mga eyeballs ko dahil sa kakairap.Lalong-lalo na't hindi ako marunong nun kaya feeling ko umiikot mundo ko at nakakahilo talaga siya.
Sino ba kasing hindi mapapairap sa sarili kung ang kausap mo paulit-ulit sakanyang mga sinasabi?Ang ingay nya lang!Haist Carl.Hindi ko akalain na mas madaldal ka pala kaysa sakin.Dinaig mo ako beh!
"Bakit kaya siya ganun noh?"hindi ko alam kung ilang beses ko na yang sinabi sakanya.Eh sa wala akong maisagot sa mga kadaldalan niya?At least alam niyang nakikinig ako hindi ba?
"Ewan ko lang din sakanya!Aist bahala siya.Hindi ko na talaga siya papansinin"napa-owss naman ako.
"Talaga?Magagawa mo yun?"hamon ko pa.
Napangisi naman ito sabay sabing "Oo naman!Sino ba naman siya para ipriority ko.Tsaka madami pa akong pwedeng kaibiganin.Kung ayaw niya sakin edi ayaw nya!"
"Tss.Eh mukha ka ngang iniwan ng jowa kakamaktol jan eh.Kulang nalang umamin kayo kung sino ang Top at Bottom dahil sa kaek-ekan niyo.Dinaig niyo pa ang mag-jowa na palaging nag e-LQ jusme!"hanggang ngayon kasi yan parin ang pinoproblema ni Carl.Nagtatampo kasi itong lalaking 'to dahil hindi siya pinapansin ng kanyang amigo daw!
Pero sabagay,napapansin ko ding tila iniiwasan ni Juniel si Carl.Tsaka may mga bagay ding nagagawa si Juniel kay Carl na hindi niya napapansing nasaktan pala si Carl sa nagawa niya.Ewan ko ba kung sinasadya niya ba yun o sadyang ganun lang talaga siya at kailangan lang namin ng matinding pag-unawa?
Hindi ko naman alam kung saan ako kakampi,kay Carl ba o kay Juniel?Kasi ang inosente niya lang.Aist di bale na nga!Hindi ko na yan problema.Basta ako,kakain lang ako dito ng ice cream habang siya nagdadaldal.
"Aist bes,parang naubos laway ko dun ah."tinapunan ko siya ng tingin at halos matawa ako sa kanyang itsura.Halata kasi sa mukha niya na napagod siya kakadaldal at feeling ko makakaubos siya ng dalawang galon ng tubig dahil sa uhaw.
"Sino ba naman ang hindi matutuyuan ng laway eh kanina ka pa sa school daldal ng daldal tsaka dinala mo pa yang kadaldalan mo dito sa 7/11!Imbes na makapag-relax ako dahil nakakarelax tignan yung mga pagkain dito eh hindi kasi ang daldal mo tsk!"
"Makyu"mahinang sambit ko ng binelatan niya ako.
"Hahaha halika na nga"akala ko aalalayan niya akong tumayo ngunit kinuha niya lang pala yung ice cream na kinakain ko tsaka pinahiran ako sa pisngi.Nadumihan tuloy mukha ko!
"Langya lagot ka sakin!"akmang susugurin ko siya ngunit itinapat niya sakin ang ice cream bilang panangga niya.Alam niya kasing hindi ako makakalapit pag ganun kasi madudumihan ang aking uniporme.
"Tss bahala ka jan!"tumalikod na ako sakanya tsaka bumaba na ng hagdan ng habulin niya ako.
"Biro lang!Hahaha ito naman oh hindi na mabiro"inis ko siyang tinignan habang nakaakbay ang kanyang braso sakin.
Binigyan ko siya ng nagbabantang tingin kaya tinanggal niya ang pagkakaakbay sakin habang natatawa pa.Kainis!
Bubulwayan ko pa sana siya ng mahagilap ko si Kuya Roy!Yung kamukha ni Lhoyd na kaklase ko?Ampogi niya laaangggg.
![](https://img.wattpad.com/cover/178135040-288-k490105.jpg)
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...