Hiling
Blyth's POV"Then I suggest..."pambibitin niya.
"You suggest what?"
"I suggest Me Before You"
~~*~~
"May ibang suggestion ka pa Carl?"
"What if yung Me Before You na sinasabi ni Mei?"ay eto!Palagi itong binabanggit ni Mei sa classroom kaya naku-curious ako sa movie nato.Nakakaiyak daw talaga eh.
"TAMAAA!Magandang ideyaaa!Palaging binabanggit sakin ni Mei yan eh!Sige yan nalang"napangiti naman siya ng sumang-ayon ako.Agad na binuksan niya ang Google tsaka nag-open ng isang website.Doon ay tinype niya ang pamagat ng palabas at swerte dahil meron nga!
"Yes!Lakasan natin ang volume"napatango nalang ako bilang tugon.
~~*~~
"Hoy!Nakikinig ka ba?"napabalik ako sa wisyo nang tapikin niya ako.
Hindi ko namalayan na nawala pala ako sa aking sarili.Kumirot ng kaunti ang puso ko nang maalala ang senaryong iyon.Nakakapagtaka ngunit nagkataon nga lang ba ito?Ang imposible naman kung oo.Ngunit sa kaso ko,nagkataon lang ang lahat eh.Nagkataon lang na kamukha niya ang mahal ko.Nagkataon lang din na parehas sila ng palabas na gustong panoorin.Nagkataon lang din na ganoon ang tawag sa akin ni Justin.Na bulldog at may 3 layered fats ako sa paningin niya.
Pero hindi ba ito sobra para maging coincedence ?
"A-ayoko niyan.Pwedeng iba nalang?"napanguso siya sa sinabi ko.
"Ayaw ko nga!Iyan ang gusto ko eh.Tsaka sabi mo gusto mo ng romance ngunit tragic.Maganda 'yan,promise."
Pamimilit niya ngunit umangal ulit ako."Ayaw ko nga kasi.Ayaw kong manood ng movie na ginawa pa noon.Gusto ko yung latest.I'm sure may madaming palabas na katulad nyan ang nailabas ngayong taon."
"Tss.Eh ano naman kung pang-sinauna pa'to?Hindi tayo manonood dahil sa paborito lang natin ang artista o ang bida na gaganap sa palabas.Manonood tayo para intinidihin ang kwento.Walang-wala ang mukha ng mga iniidolo mo kapag napanood mo na itong palabas na ito."
The moment na ngumiti siya ay nawala ulit ako sa aking sarili.Hindi ko talaga gusto kapag ginagawa niya 'yan.Ayaw kong makaramdam ng ganito.Dapat kay Carl lang.
"Oo na.Ikaw ang bahala"sumuko na ako.
Hindi naman talaga ako makakatanggi eh kapag siya ang nagsabi.Maliban sa Boss ko siya,napapasunod niya ako sa di malamang dahilan.Ito na ba ang tinatawag nilang marupok?—sharot.
"Do you have PC or anything na pwede nating gamitin?"
"My flatscreen T.V ako sa kwarto.Pwede kang makapag-open ng YouTube doon or any websites."para kasing malaking computer yun.
"Then,it means sa kwarto mo tayo manonood?"tumango ako ng walang pag-aalinlangan.
"Yeah.We have no choice"ngumisi siya ng nakakaloko.
"Huwag ka ngang gumanyan,ang creepy."umirap ako nang irapan niya ako.Mukhang magiging hobby na naming dalawa ito ah.
"May popcorn kayo?"tanong niya.
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...