Chapter 13:Question and Answer

45 10 2
                                    

Blyth's POV
Year 2018

"Ano ba yan!Malapit na yung Filipino time ngunit hindi parin ako tapos!"nakangusong sabi ko sa aking sarili.Nagsisi tuloy ako kung bakit hindi ko ginawa ang journal sa Noli Me Tangere kagabi kung saan anlaki ng free time ko.Hays

Abala ako sa pagdidisenyo ng journal ng aksidente kong marinig ang pinaguusapan ng aking  mga katabi.

Juniel:So sino talaga crush mo?

Lhoyd:Si Criscelle

Juniel:Ahw

Lhoyd:Ikaw ba?

Juniel:Sa totoo lang,noon pa lang si ano na talaga.Si —

Hindi ko na naituloy ang aking pakikichismis–sharot HAHAHAH pakikinig kasi lumapit sakin si Hansly.

"Blyth ayan oh,natapos ko na yung buod.Pwede mo na yang isulat jan sa journal"nakangiting aniya.Magkapares kasi kami para dito.Tumango na lamang ako bilang sagot tsaka nagpokus ulit sa ginagawa.

Matapos ang uwian ay agad kong nilapitan sina Kiara at Anthonette.May balak kasi kaming pumunta kina Kiara at nalaman naming sasama rin pala sina Juniel,Carl,Josh,Giomar,Hansly,at Moses.

At eto nga,nandito kaming lahat ngayon at nagpapahangin sa harap ng electric fan.

Malaki ang bahay nina Kiara,may ikalawang palapag ito at balkonahe.Sa first floor ay may dalawang kwarto at isang banyo habang sa ikalawang palapag naman ay tatlong malaking kwarto at isang banyo rin.Doon sana ako stastambay sa second floor ngunit tinakot nila ako na baka daw may multo,edi ang resulta eh napasama nalang ako sakanila at hindi na humiwalay pa.Kung ikukumpara sa mga ipis at gagamba,mas takot ako sa multo—ay mali,parehas lang pala.

Dito kasi gagawa ng product ang grupo nila Anthonette kasi maliban sa may wifi at malaki ang espasyo ng lugar ay pinakamalapit din itong bahay mula sa aming eskwelahan.Bawal kasing pumunta sa malayo si Juniel kaya napagdesisyonan nilang dito nalang gagawa total dito rin kami gagawa ni Kiara ng produkto namin para din sa I.P.

"Hoi!Laro tayo!"yaya ko.Kinuha ko kasi mula kay Juniel ang kanyang ipad tsaka binuksan ang app na Slendirina.Natakot naman ako sa pagbiglang sulpot ng pangit na multo sa screen kaya muntikan ko ng matapon yung ipad.Automatic na pinindot ng aking daliri ang home button ng sumulpot ulit yung pangit sa screen na ikina-tili ko.Sinuway pa ako ng aking mga kaklase kasi ang ingay-ingay ko daw.

"Wohhh Josh!Ikaw nga maglaro nito!"sabi ko sabay abot sakanya nung ipad.

Natatawang tinanggap naman niya ito."Hahaha yan kasi.Bakit nilaro pa!Hindi dapat yan yung laruin mo!Ito dapat"suhestyon niya.

"Ang alin?Wala naman j—"magpapatuloy na sana ako sa pagsasalita ng biglang nag-iba ang kanyang reaksyon.

"JUNIEL!NATAPOS MO NA PALANG I-DOWNLOAD  YUNG BAGONG FIVE NIGHTS AT FREDDY?!"napanting ang aking tenga sa narinig.

ANO DAWWWW?!FIVE NIGHTS AT F-FREDDY?

"Yep!Tara laro tayo!"ani Juniel na ikinasang-ayon naman nila.

"Yes!Sa wakas makakapaglaro narin nyan!"masayang sambit ni Josh.

"Tara Jun!Dito tayo"at nagkumpulan kaming lahat sa isang sulok maliban kina Juniel at Anthonette.Ginagawa pa kasi nila yung kanilang product kaya hinabilin nalang muna ni Juniel sa amin ang kanyang ipad.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon