Spoken Poetry #3

19 1 0
                                    

08/14/19

Entry#3
Title:Balangkas ng ating Pagmamahalan

Tayong lahat ay tila nasa isang makabuluhang kwento.
Kung saan tayo ang may-akda at tayo ang pangunahing tauhan.
Isang kwento kung saan mayroong iba't-ibang karakter,may lugar ng pinangyarihan,aral na mapupulot,at balangkas.

Alam niyo ba?
Na sa asignaturang Filipino,
Ang balangkas ng isang kwento ang aking pinakapaborito?

Sapagkat ipinapahiwatig nito ng maayos at malinaw ang eksaktong mga pangyayari,
Ang tamang detalye,
Kung paano,kailan,at saan nagsimula at nagtapos ang kwento nating dalawa.

Naaalala mo pa ba ang una nating pagkikita?
Hindi mo alam ngunit sobra ang kagalakan na aking biglang naramdaman!

Nang matitigan ko ang iyong mga mata,
Sobrang lalim nito at sa unang pagkakataon,
Nakaramdam ako ng takot.
Natatakot ako na baka balang araw ay matutunan ko na lamang bigla kung paano ka mahalin.

Habang sumasayaw ang mga dahon sa isang matibay at matabang sanga.
Habang patuloy na bumubulong ang malamig na simoy ng hangin sa aking tenga,
Hindi ko maiwasang mabighani sa iyong mala-anghel na mukha.
Hindi ko maiwasang mas mahulog pa dahil sa matamis mong mga ngiti na tunay na nakaka-tunaw ng puso.
Mga ngiti mo na akala mo ay kailan ma'y hindi ka nakakaramdam ng pighati.

At sa puntong ito,
Aking napagtanto kung anong parte ito ng balangkas ng ating kwento.

Ito ang ating pangunahing pangyayari,
Kung saan tayo ang mga tauhan.
Kung saan ito ang ating tagpuan.

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari.
Hindi ko kasi inaasahan na ako'y iyong lalapitan.
Ngunit mas hindi ko inaasahan nang ibigay mo sa akin ang iyong pangalan.
Hindi ko ipinahalata sa'yo,
Sapagkat natatakot ako na baka iyong marinig ang malakas na pagpintig ng aking puso.

Umabot tayong dalawa sa kasukdulan,
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ngunit ako ay iyong niligawan.
Hindi mapantayan ang labis na tuwa na aking naramdaman.
At pakiramdam ko,nasa isang magandang panaginip lamang ako.
Kaya naisip ko na bakit ba papatagalin?
Na bakit hindi ko na lamang agad ibigay ang matamis kong oo na matagal mo ng inaasam?

Ngunit isang araw,
Hindi pa nga kita sinasagot.
Malalaman ko nalang bigla na may iba ka na pa lang sinisinta.
Ilang beses kong itinanggi sa aking isipan na baka siya,ay isa lamang matalik na kaibigan.

Ngunit habang tumatagal,
Napapansin ko ang kakaibang tingin niyo sa isa't-isa.
Ibang-iba iyon sa paraan kung paano ka tumingin sa akin at sa kanya.
Ibang-iba iyon,kasi kahit ako?
Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal niyo ang isa't-isa.

Hindi ko naiwasang itanong kung sino siya.
Inaasahan ko na sana ay sagutin mo ng totoo ang aking mga pagdududa.
Ngunit sa halip na sagutin mo aking mga katungan,
Isang pikit ko lamang ng aking mga mata,
Nawala ka na lang bigla.
Iniwan mo ako ng hindi man lang alam ang buong katotohanan.
Iniwan mo ako ng hindi man lang alam kung totoo nga ba ang naramdaman mong pagmamahal.
Iniwan mo ako ng hindi man lang alam,kung babalik ka pa ba o hindi?

Tila nabagsakan ako ng langit at lupa.
Yung akala ko kasing pang hangganan ay mauuwi lang pala sa wala!
Pinili mong ipagpalit ako kahit sa katunayan ay pwede naman natin kalimutan ang sakit.
Pinili mong hindi magpatawad kahit alam mo namang tatanggapin at tatanggapin parin kita kahit hindi mo hinahangad.
Pinili mo paring bumitaw kahit pwede parin naman natin ipaglaban ang ating pagmamahalan.

Nawalan ako ng pag-asa.
Alam mo naman na kahit isa kang alibata na kay hirap intindihin,
Gagawin ko parin ang lahat upang intindihin ang ibig mong sabihin.
Ngunit ayun nga,nakapagdesisyon ka na.
At alam ko sa sarili ko,
Na wala na akong magagawa pa.

Habang kumikislap ang mga bitwin sa langit,
Aking napagtanto kung bakit nagtapos sa ganito ang ating kwento.

Na ginamit mo lang pala ako para makalimutan ang babae na tunay mong sinisinta.
Upang makalimutan mo ang sakit na palagi mong dala-dala!

Ngayon,naiintindihan ko na.
Na sa lahat ng nangyari sa ating dalawa,
Para sa iyo ay wala lamang yon.
Sapagkat isa lamang iyon sa iyong mga pagpapanggap.
At ang tanga ko para hindi iyon mapansin kaagad!

Na sa una't sapul,isa lang naman akong alibata.
Isang alibata na unang ginamit ngunit hindi nagtagal ay kinalimutan rin.
Isang alibata na minsan ng naging unang wika nating mga Pilipino ngunit pinalitan rin at binago.
Isang alibata na tinutuunan lamang ng pansin kung kailan natin gusto.
At isang alibata na minamahal,ngunit panandalian lamang.

Nakakalungkot man isipin.
Na sa ganitong paraan lamang nagtapos ang kwentong pag-iibigan natin.
Mahirap man tanggapin,
Ngunit hindi ko na pipilitin ang taong hindi naman nakatadhana para sakin.
Salamat sa mga ala-ala na binuo natin magkasama.
Salamat dahil tinuruan mo ako kung papaano magmahal.
Salamat at hinihiling ko sana,na kahit papaano,
Ay hindi mo ako kakalimutan kagaya ng ginawa ng ibang mga tao sa una nating wika na tinatawag nilang Alibata.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon