Chapter 20:Dyosa Squad's Plan

32 11 5
                                    

Blyth's POV
Year 2019

Pagpasok ko ng banyo ang mukha nila Ate Wesley ang sumalubong sa'kin.

"Oi Lyth!Handa ka na ba para mamaya?"tanong niya sa'kin.

"Para mamaya?Bakit,anong meron mamaya?"nagkatinginan naman ang tatlo bago ako hinarap at binigyan ng mapaglarong ngisi.

"Wow ilang oras lang ang lumipas nakalimutan mo na kaagad ang plano namin para sa'yo"napakunot naman ang aking noo.

"A-ano?Hindi pa ba nagsisimula?"so kung hindi sila ang may pakana nung kay Kuya Angelo ibig sabihin—horishemss!Ano yung binabalak nila?! >__<

"Nagsisimula ang alin?"takang tanong ni Ate Lornx sa'kin.

"W-wala hihi.Sige ingat kayo mag C-C.R lang"

"Basta ihanda mo lang ang iyong sarili HAHA bye Lyth"

"Bye Mommy!"

"Bye chix!"sabay-sabay nilang paalam sa'kin.Agad na nagtungo naman ako sa isang cubicle.

Pagkatapos kong mag-C.R at mag-ayos ng sarili ay naisipan ko ng lumabas.Didiretso ako sa classroom kasi inaantok na ako,kailangan kong magpahinga ng saglit.

I don't deserve this
Darling you look perfect..tonight🎶


Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.Nakita ko sa di kalayuan si Carl na may hawak-hawak na gitara at kaharap si Criscelle na nakatakip ang bibig gamit ang kamay.Kahit natatakpan ito ng kanyang kamay ay halata ang kanyang pagngiti.Hindi ito matanggal sakanyang mga labi na tila habang buhay na itong nakaukit sakanyang mukha.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking dibdib.

Langya bakit ako masasaktan?Wala akong karapatan na magselos kasi mag best friend lang kami.Diba Blyth ipinangako mo sa sarili mo na hindi hihigit sa crush yang nararamdaman mo kay Carl?Diba tama?

Oo nga.Dapat ganun isipin ko.Na magkaibigan lang kami.Bawal ang romantic feelings!Tsaka hello,madami ka pang crush bakit hindi mo sila pagtuonan ng pansin?

Napabalik ako sa wisyo ng naghiyawan ang aking mga kaklase.Lalong-lalo na si Giomar.Siya rin kasi ang puno't-dulo kung bakit nagka-loveteam sina Criscelle at Carl.Tinanong ko si Giomar kung may gusto ba si Criscelle sa best friend ko pero umiling siya.Pinabayaan ko nalang hanggang sa ito nga,lumelevel up na loveteam nila.Kahit masakit—ng slight hahaha,tatanggapin ko parin at susupportahan ko nalang ang best friend ko.Yan lang naman ang magagawa ko sa ngayon.

"Owyess!!Ibigay mo na yang papel!Huwag kang pabitin Carl!"tukso ni Mei sakanya.

"Hoi anong letter yan!Basahin mo Criscelle!!"ani April.

Napalingon ako kay Lhoyd na wala sa mood na lumabas ng classroom.Napatingin ako kina-Josh at Daniel na nagkibit-balikat lang.Ganun na lang din ang ginawa ko tsaka nagtungo sa kinalulugaran ng dalawa.I flashed a fake smile.Sa pamamagitan kasi ng ngiti ko nalilinlang ko ang mga tao sa paligid ko.I always smile to hide the pain.Para hindi rin ako magmukhang mahina.Magaling akong artista,but I'm not a best actress.Umiiyak at nailalabas ko lahat ng sakit kapag ako lang mag-isa.Mahirap,pero kinakaya.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon