Chapter 11:His Smile

28 11 3
                                    

Blyth's POV
Year 2018

Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa hintuan ng jeep sa labas ng aming eskwelahan.Kasama ko sina Carl at Josh.As always naman na kami talaga ang magkakasama tuwing umuuwi kami.

"Aish!Wala akong barya ano ba."naiinis na sambit ni Carl.Napatingin naman kaming dalawa ni Josh sakanya.

"Eksaktong pampamasahe ko lang ito sa jeep"dagdag pa niya habang binibilang ang mga barya sakanyang palad.

"Aww so sad naman"asar ko sakanya.Napangiwi nalang ito sabay akyat sa jeep na kakahinto lang sa harap namin.Agad naman kaming sumunod ni Josh.

Eksaktong pagkaupo ko ay may sinabi sa akin si Carl."Dumaan muna tayo sa 7/11 ah?May bibilhin lang ako para may barya akong pampamasahe sa motorsiklo."tumango nalang ako bilang tugon tsaka itinuon ang aking atensyon sa labas.Narinig ko pa silang nag-uusap ni Josh.Sumisingit lang ako sa usapan nila kapag tinanong nila ako.

Pagkababa namin ng jeep ay dumeretso na kami papasok ng 7/11.

"Gusto mo ba ng ice cream?Ililibre na kita"nakangiting tanong niya sakin.

"Oh sure!Dapat hindi itinatanggi ang libre HAHAHA"at ayun dalawang ice cream ang kanyang binili.Chocolate at Mango ang flavor ngayon.Medyo hindi ko nagustuhan ang lasa.Gusto ko kasi chocolate lang eh kaso sira daw ang machine kaya mix lang ang available sakanila.Kaya no choice kami.

Pagkatapos naming bumili ng ice cream ay umakyat kami sa second floor.Malapit na sana namin marating ang tuktok nito ng may narinig kaming naglalandian—sharot ansama ko.May nakita lang naman kaming couple.Katulad namin,ay mga estudyante din ito.Hindi ko lang mawari kung saang school sila nabibilang.Kaya bilang respeto sakanilang dalawa,bumaba nalang kami ni Carl at doon nalang sa hagdan umupo.

May isang staff na nakakita samin at nilapitan kami."Oh bakit kayo nanjan?Doon kayo sa taas"yaya niya.Napatulala naman ako ng ilang segundo tsaka namamanghang binalingan ng tingin si Carl na ngayon ay ganun din ang reaksyon.

"A-ahh naku salamat nalang kuya.May mag-jowa kasi dun baka maging kj pa kami.You know na,respeto narin hehe"ako nalang ang sumagot kay Kuya,naputulan yata ng dila itong si Carl eh.

Sabagay sino ang hindi maspespeechless kung ang kausap mo ay kamukha ng iyong kaklase?

"Nakita mo yun bes?"

"Oo naman,hindi ako bulag HAHAH"sagot ko.

"KAMUKHA NIYA SI LHOYD!"pasigaw niyang sabi.Bakas parin sakanyang mukha ang pagkamangha.

"Baka kapatid talaga yan ni Lhoyd!Tara tanongin natin"yaya ko tsaka hinila siya at akmang lalapitan si Kuya.

Ngunit nagpumiglas siya at bumalik sa pagkakaupo sa hagdan."Ayoko!Ikaw nalang kasi ang kapal ng mukha mo"napasimangot naman ako sakanyang sinabi.

"W a w ha?Hiyang-hiya yung pagmumukha ko sa pagmumukha mo."tinawanan niya lang ako at nagpatuloy na siya sa pagkain ng ice cream."Sabagay,makapal naman talaga mukha ko kasi hindi ako alien."napa-aray nalang ako ng binatukan niya ako.

"Baliw ka"

"Pero seryoso kasi!Tanongin natin!Kamukhang-kamukha niya talaga kasi eh!"grabe.Yung mga mata ni Kuya parehas na parehas talaga kay Lhoyd.Ang pinagkaiba lang ng dalawa ay yung hugis ng kanilang mukha.Shems!Kapag nalaman kong magkapatid itong dalawang ito jojowain ko yang si Kuya.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon