Blyth's POV
Year 2020Simula n'ong niyaya ako ni Carl na lumabas ay nagsunod-sunod na ito.
Everyone thinks that we're dating.
Gulat nga ako sa biglang pagbabago ng best friend ko.Naging mas sweet na siya sa'kin kaysa noon.Naghahawak kamay pa nga kami paminsan-minsan.Mas naging possesive siya,ayaw niya lumabas ako ng bahay namin na hindi siya kasama.Kahit bumili lang ako sa tindahan kailangan ay naka-video call kami para kung sakaling may mambastos sa'kin ay alam niya.
Hindi niya alam.Mas lalong dumadagdag ang hopes ko na nagkakagusto na nga siya sa'kin.
Hindi naman sa nagiging assumera ako—pero parang gan'on narin haha.Kasalanan ko bang ganyan ang mga inaakto niya at nalalagyan ko na ng malisya?
Aits bahala na kung madidisappoint lang ako dahil nagiging assumera na ako.Ihahanda ko na lamang ang aking sarili sa posibleng kapalit nito.
Tsaka this past few weeks nagiging mailap na si Kuya at Ashka sa'kin.Kung gaano kami ka-close noon ay kabaligtaran naman ngayon.
Hindi na sila ngumingiti sa'kin—ngumingiti naman pero halatang pilit.
Ni-hindi na nga naaalagaan ni Kuya sina Madilim.Ewan ko ba kung may nagawa ba akong masama sakanila.
Sinubukan kong mag-bake para peace offering kung sakaling may nagawa man ako,tinanggap naman nila kaso gan'on parin.Gusto ko tuloy maiyak kasi nagbago sila ng pakikitungo sa'kin ng hindi ko naman alam ang rason.
Pero kahit anong pilit ko na ipalabas ang aking mga luha ay hindi ito pumapatak,sadyang ang sobrang saya ko lang dahil sa pagbabago ng lalaking mahal ko.
Ngunit hindi ko maiwasang makaramdam ng takot.Natatakot ako sa pagiging sobrang masaya.Natatakot ako kasi alam ko na may kaakibat din itong sobrang masakit.
Pero kahit gan'on hindi ko nalang muna iyon iisipin,ang importante ay masaya ako ngayon.Yayakapin ko muna itong kasiyahan na ito bago ko ihahanda ang aking sarili sa pagharap sa mga posibleng masasakit na pangyayari.
"Oh?Mukhang ang lalim ng iniisip mo ngayon ah?"napabalik ako sa wisyo ng tapikin ni Carl ang aking balikat:Naramdaman ko namang tumabi siya sa'kin at nakangiting tinignan ako.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti rin.Haist.Ang sarap lang makita at malamang may pakealam sa'yo ang lalaking mahal na mahal mo.
Kasalukuyan kaming nasa loob ng classroom,nagsiuwian na ang aming mga kaklase at iilan nalang kami ang naiwan dito para tapusin ang miniature na pinapagawa ni Teacher Karen sa amin bilang proyekto sa sipnayan.
Kasama ko ngayon sina Moses,Criscelle,Josh,Juniel,at syempre si Carl.
"Malapit na naman ang Valentine's Day.Anong kulay ng t-shirt ang susuotin niyo next Friday?"byernes na nga pala ngayon at sa susunod na biyernes na ang selebrasyon ng araw ng mga puso.Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng excitement.Gusto kong malaman na kaagad ang mga bagong pasabog ng aming mga SSG officers para sa espesyal na araw na iyon.
"Gray ang susuotin ko.Ikaw ba Moses?"tanong ni Criscelle sa aming kaibigan na abala sa pagkain ng masarap na banana cue.
"Gray rin"sabay naman silang nagpalitan ng nakakalokong ngisi.
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...