Hiling
Blyth's POVPatient's Record
Patient's Name:Mae Krista De Castro
Date of Birth:July 16,1978
Medical Record Number:Po-0143
Date:12/05/1998DATE
12/03/1998PROGRESS
-The patient has been cured from Schizophrenia."Blyth!Nailagay mo na?"dali-dali ko sinarado ang folder na nilalagyan ng records na hawak-hawak ko tsaka binalingan si Chloe ng tingin.
"A-ahh hindi pa eh.Teka,ilalagay ko lang"
Walang pag-aalinlangang pumasok ako sa loob tsaka inilagay sa desk ni Doktora ang records.
"Ay wait!Huwag mo pala ilagay jan."
Kinuha niya mula sa lamesa ang folder at ipinasok sa isang maliit na drawer kung saan may nakalakip na patient's records.
"Nga pala,anong ginagawa mo dito kanina?"tanong niya sa'kin habang abala siya sa paglalakad.
"Kinausap ko lang si Doktora Luz.May mga tanong lang ako sakanya tungkol sa sakit ko."napahinto siya sa paglalakad at kitang-kita ko ang pagkagulat sakanyang mukha.
"M-may sakit ka?"inilibot pa nito ang tingin sa kabuuan ng ospital at tsaka tumingin ulit sa'kin.
"MAY SAKIT KA?!"
"Aray!Nakakabingi ha.Hindi mo naman kailangan sumigaw."
"Hehe"napakamot siya sakanya ulo."Sorry"
"Pero seryoso,baliw ka?"
"Oo.Baliw ako"akala ko wala lang ito para sakanya ngunit nagkamali pala ako.
Unti-unti gumuguhit ang isang malokong ngiti sakanyang mga labi.Kinagat pa niya ang kanyang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili sa pagtawa.Hanggang sa hindi na niya ito kinaya at napahalakhak ng bonggang-bongga.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHA POTA LAPRTRIP KA!"imbes na sabayan siya sa pagtawa ay napangiwi ako.
"Bakit?May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
"Wala!Pero sa itsura mo oo!HAHAHAHHAHA kingina.Kung wala ka lang sanang sakit pagkakamalan talaga kitang baliw!Sinong gago ang aamin na baliw sila?!HAHAHAH tapos yung pagkakasabi mo pa nun sobrang seryoso!Iniimagine ko lang yung ibang tao sa sinabi mo!HAYS HAHAHAH"napailing-iling na lamang ako habang tinitignan siyang tumatawa.
Well,may pinagkaiba na pala sila sa attitude.Hindi kasi magagawang magmura ni Aimreal eh.Itong si Chloe,panay ang mura.
"Haist.Ewan ko sa'yo.Maiwan na nga lang kita jan"
Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.
"Hoy!Ito naman.Binibiro lang kita!"hindi ko parin siya pinansin.
Kung kanina ay nakasunod lamang siya sa likod ko,ngayon ay pinapantayan na niya ang paglakad ko.
Nang makarating kami sa parking lot ay agad niya akong hinila.Nagpumiglas ako ngunit ang kulit niya!
BINABASA MO ANG
Hiling
RomansaBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...