Chapter 6:Finally!

52 11 2
                                    

Blyth's POV
Year 2018

Haist ambilis nga naman ng panahon.Akalain mo yun?Parang kahapon lang ay nasa ikawalong baitang pa ako.Ngayon,hindi ako makapaniwalang nasa ika-siyam na ako.Kinakabahan ako sa posibleng maging daloy ng aking taon.

Pakiramdam ko kasi mas mahihirapan kami nito kaya kailangan namin mas magsumikap.Kung noon Grade 8 pa kami ay chinichill ko lang yung mga subject ngunit nakakakuha pa rin ako ng mataas na grado pwes ngayon ay mukhang malabo na.

July 25 na pala,at ngayon ang first day of school ko bilang grade-9 student.Excited na may halong kaba ang aking nararamdaman ngayon.Excited kasi nage-eexpect akong may bago kaming classmates,lalong lalo na yung night students.Nabalitaan ko kasi na wala ng night sa amin kasi gaya ng sabi ko maliit lang ang school namin kaya kailangan talaga tanggalin yung classrooms ng night para sa mga elementary students.Dumami kasi yata yung enrollees sa elementary department ngayong taon eh.

"Guys guys!May new student!"napalingon naman ako kay Hansly na ngayon ay may nakaguhit na malaking ngisi sakanyang mga labi.Napalingon naman ako doon sa taong tinuro niya.Nakita kong isang babae pala yun.May mahaba itong buhok at pilik-mata.Balingkinitan din ang katawan nito kung kaya't mas lalong nakakadagdag ng ganda.Hindi siya gaanong kaputi,hindi rin gaanong kaitim.Eksakto lang.Kahit nakatalikod siya ay mahahalatang mong ang ganda niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti.

"Mukhang kilala ko yan eh.Taga LCC yan!"bulong ni Hansly.Kitang-kita mo talaga ang excitement sakanyang mukha.Halata din na kilala nga ito ni Hansly at pakiramdam ko ay close sila nito.

"Pero nakakapagtaka lang kasi nasa Grade-8 seats siya nakaupo.Kasi nung nagkakilala kami sa LCC magkasing grade level lang niya tayo eh.Baka bumalik ulit ng Grade 8."dagdag pa ni Hansly.

"Hans!Tanongin mo dali!Baka kaklase natin yan!"ani Earl na animoy kinikilig.Napailing-iling nalang ako dahil sakanila.Haist.Sanay na talaga ako na maging ganyan sila kapag may bagong estudyante sa paaralang ito.Buti hindi pa ako nahahawaan.

Napasulyap pa ako sa gawi nilang Giomar,Hansly,at Earl bago ko itinuon ang aking atensyon sa harap sa loob ng Chapel.Hinihintay nalang kasi namin na mag-umpisa na ang misa.

Nalaman ko rin pala na lumipat na si Noeh ng school.Mamimiss ko talaga silang dalawa ni Riele.Mamimiss ko yung smurf ng classroom.

Di lumaon ay natapos na din ang misa.Panay sulyap pa din ako doon sa babae na pinagkalaguluhan nila Hansly,Earl,at Giomar.Gustong-gusto ko na talaga siyang lapitan para makipagkaibigan.Kaya nung sinabihan na kami nung emcee na pumunta na sa aming mga silid ay nilapitan ko na siya.

"Hi!"nakangiti kong sabi sakanya.Para naman siyang nagulat sa pagbiglang sulpot ko.Halata kasi sa mukha niya.Hindi ko tuloy maiwasang makyutan sakanya.

"Hello"bati niya din sakin pabalik.

"Anong Grade ka na?"

"Grade 9"seryosong tugon niya na nagpangiti naman sa akin.Ganitong-ganito ako nung first day of school ko.

"Ayieee so magkaklase pala tayo!"tipid na ningitian naman niya ako.Sa di kalayuan ay natanaw ko sina Anthonette at Kiara.At mukhang may pinag-uusapan pa ang dalawa kaya tumakbo ako papunta sakanila.

Sabay kaming naglakad nina Anthonette at Kiara patungo sa aming silid.Excited na talaga ako para sa introduce yourself mamaya!Sa wakas makikilala ko na rin yung mga taga night tsaka yung bago naming babaeng kaklase.Pero syempre kinakabahan parin ako kasi hindi ba ayaw na ayaw ko ay yung nagsasalita ako sa harap ng maraming tao.Kaya nga pinakaayaw ko yung reporting eh.Naiihi ako sa kaba HAHAHA sharot.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon