Hiling
Blyth's POV"Come on!Hindi mo ba kayang pumili ng mas mabilis?Ambagal-bagal mong kumilos!Hindi pwedeng ganyan ka.Akala ko ba nag-aral ka?Dapat alam mo na'to.Basic palang yan!"napairap ako.Hindi ko na alam kung pang ilang beses na niya sinabi 'yan.Kasalanan ko bang ang kupad kong kumilos?!Aish oo na.Kasalanan ko na.
"Alam mo,kung tutulungan mo lang sana ako dito edi natapos na ako"hindi ko na din mabilang kung pang ilang beses na akong napapairap sa mga churva ek ek na sinasabi ng lalaking 'to.Kung hindi lang sana kamukha niya si Carl matagal ko na yang nasapak.
"May trainer ba na tinatrabaho ang dapat trabahuin ng tinitrain?"napahinto ako sa pagtingin ng aking mga damit sa aking higaan.Napalingon ako sakanya at tinignan siya ng masama.
"Alam mo?Kung hindi mo lang kamukha si Carl,matagal na kitang nasapak.Tinorture,chinopchop at pinakain sa dinosaur"aish.Simula nang pumasok 'yan dito mas lalong nag-i-init ulo ko.Perfect na sana sa panglabas eh kaso ang sutillll!Parehas sila ni Kuya g r r.
Napansin kong hindi sumagot si Justin.Nakapako ang tingin nito sa'kin ngunit malalaman mo kaagad na may malalim itong iniisip."Oh bakit ka nakatulala?Ang ganda ko ba?Asus.Alam ko na 'yan.Huwag mo ng ipahalata"sabay hair flip.Syempre joke lang yun.Hindi talaga ako maganda,cute lang :>
Napako ang tingin ko sa dala-dala niyang puting bowl.Kaninang umaga pa'to kain ng kain ah!Tapos palagi nalang nag-u-utos sa'kin.Eh kung tulungan niya kaya ako?O hindi kaya turuan niya ako ng mabuti!Hindi siya marunong mag train tsk.Utos siya ng utos ngunit wala namang explanation!Paano ako matuto n'on?!
"Tsaka pwede ba Justin?Ihinto mo na yung paglamon mo dito.Kumakain ka naman siguro sainyo diba?"nakita kong may sinabi ito ngunit hindi ko mawari kung ano yun kasi ang hina ng pagkakabigkas.Baliw lang teh?
"HOY!"
"Ay puta!!—teka saan na nga ba tayo?"gusto kong matawa sa reaksyon niya.Ang cute niyang magulat!Parang si Carl.Napapamura kasi yun kapag nagugulat—aish.Ano ba'tong iniisip ko.
"Duh?Ano ba yang kinakain mo?Baka panis na yan ah"sa pagkakaalala ko kasi,halos naubos na yung stock namin na pagkain sa ref.Mamaya pa ako mag gro-grocery.
"I don't know.Maybe this is a kind of cereal.Hindi naman siya Koko Krunch but kulay brown din siya.Pero ang pinagkaiba nila is yung shape.Cylinder kasi 'to hindi katulad ng Koko Krunch.Anong brand ba'to?Parang mamahalin ah"napahinto ako sa pag-a-ayos ng mga damit sa higaan at gulat na napalingon sakanya.
What the–?!
"Saan mo nakuha 'yan?!"nabigla naman siya sa pagbiglang pagtaas ko ng boses.
"Sa ibabaw ng sink.Yung may mga drawers."owemji.So ibig sabihin ginalaw niya yung pagkaing nakalagay sa isang malaking jar?!
"Omaygad.Akin na yan!Itatapon ko na'to"akmang kukunin ko sakanya iyon ngunit itinaas niya ito,dahilan para hindi ko ito maabot.May katangkaran rin kasi siya.
"Oopss!Anong itatapon?Kakainin ko pa'to—aish lumayo ka ngang babae ka!"iniharang niya ang kanyang kamay sa aking mukha.Nagpupumiglas ako sa pagharang niya ngunit masyado siyang malakas.
AISH!Bahala siya jan!
Huminto na ako at tinignan siya ng masama.Nakita ko pang nilagay niya sakanyang likuran ang bowl na tila pinoprotektahan ito mula sa'kin.
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...