Hiling
Blyth's POVLate akong nagising sa kadahilanang napuyat ako kakaisip sa nangyari kagabi.Hindi ko inexpect na ihahatid ako ni Angelo!—este Clyde pala.
Tapos ang nakakagulat pa ay kaibigan ko na siya!Kaibigan ko na ang isang Clyde.Kaibigan ko na ang kamukha ni Angelo!
Sa gitna ng aking pag-iisip ay may kumatok sa aking pinto.Napasulyap ako sa screen sa gilid ng pinto at nakita ang mukha ni Mama doon.Tumayo ako at binuksan ang pintuan."Good morning Ma"walang ganang bati ko.Nagtatampo parin kasi ako sakanya dahil doon sa pagtanggi niya sa offer ni Lolo.
"Are you alright?Hindi ka ba papasok ngayon kina Justin?"hindi ko siya sinagot.Sa halip ay nagtungo ako sa couch ko at nag-on ng T.V
"Look,I'm sorry dahil tinanggihan ko ang alok ng Lolo mo.Its just that...argh.We're not on good terms."
"Bakit?Anong nangyari?"itinuon ko ang atensyon kay Mama na ngayon ay nakaupo sa dulo ng aking kama.Nakahawak ang isang kamay sakanyang sintido habang ang isa ay nakahalukipkip.
"Sa amin nalang yun.I don't want you to get involve with this."tumango nalang ako.Kahit labag sa kalooban ko ay pipilitin ko paring tanggapin at intindihin siya.Kung sabagay,para sa akin din naman ito.
"By the way Mom,ano nga pala yung favor na hiningi ni Justin sa'yo?"I don't want to call him Boss if wala ako sa office niya or wala siya sa paligid ko.
"It's a secret"napataas ang kilay ko ng kinindatan lang ako ni Mama bago siya umalis sa kwarto ko.
It's kinda weird.Pinaglilihiman ba nila ako?Aish.
I said those words before
but it was a lie
And you deserve to hear them
a thousand times
If all it is it 8 letters,
Why is it so hard to say?
If all it is it 8 letters,
Why am I in my own way?~🎶Napalingon ako sa tumutunog kong cellphone.Kinuha ko iyon mula sa lamesa tsaka tinignan ang naka-flash sa screen.
Unknown number calling...
Eh?Sino naman kayang lapastangan ang tatawag sa'kin?
Pinindot ko ang accept button at itinapat sa tenga ang phone.
"Hello?"pambungad ko.Hindi pa nga siya nakakapag-hi sa'kin ay sinigawan na niya ako.At doon ko lang napagtanto kung sino ang tumawag at nambulabog sa'kin sa mga oras na'to.
"ANONG ORAS NA?!MAY BALAK KA PA BANG PUMASOK?!ABA,BAKA NAKAKALIMUTAN MONG SEKRETARYA NA KITA!AND WHAT THE HELL,HOW DARE YOU TO TURN YOUR BACK ON ME?!INIWAN MO PA TALAGA AKO SA PARKING LOT KAGABI?!LAGOT KA TALAGA SA'KING BABAE KA.BETTER EXPLAIN YOURSELF LATER"napairap ako sa ere.
"Ang ingay mo.Can you please just shut up your mouth?And hello,wala akong naalalang pumayag ako sa pabor mo kay Mama."narinig ko ang pagmura niya sa kabilang linya.
"What the?—Whatever you say,kahit labag sa kalooban mo,kahit hindi mo gusto,magtratrabaho ka para sa'kin.Hangga't hindi ko pa nakukuha ang buong pakay ko,hindi ka titigil sa pagtratrabaho sa'kin.Naiintindihan mo?"hindi ako nakasagot.Ano nga ba ang pakay mo at bakit kasali ako?Anong plano mo?May koneksyon ba ako sa pabor na hiningi mo sa Mama ko?Bakit ayaw ninyong sabihin sa'kin?"And by the way,maghanda ka na jan.Pinapunta ko ang iilan sa mga tauhan ko para sunduin ka."nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Hiling
RomanceBlyth..iyan ang pangalan niya. Para sakanya,mas maganda raw ang imahinasyon kaysa sa reyalidad.Sa kadahilanang mas masaya ang mundo dito.Hindi ka makakaranas ng sakit dahil ikaw ang may hawak sa imahinasyon mo.Iiyak ka ngunit hindi dahil sa pighati...