Chapter 43:Her Plan

27 6 0
                                    

Hiling
Ms.Lyn's PO

"Aww.You must be in grief right now bitch.I can't wait na umabot ang araw na magiging miserable ang dalawang 'yun."

"Nakakalungkot ngang isipin dahil ang mga anak mo pa ang nakakaranas nito sa halip na ikaw.Wala eh,kailangan nilang magbayad sa kasalanan mo."

I really love seeing those two,especially Blyth na nauuto ko.Wala siyang ka-alam alam sa mga nangyayari at pakiramdam kong matutuwa ako sakanyang magiging reaksyon kapag nalaman na niya ang buong katotohanan.

Mamamatay rin naman siya kaya mas mabuting sabihin ko na lang sakanya lahat lahat.Ang ganda non diba?Mamamatay siyang hindi man lang naipaghihiganti ang kanyang mga magulang at kapatid.Pfft.poor girl.

And about her Kuya?Kaunti nalang at mafre-frame up ko na siya.Mga uto-uto talaga.

Itinapon ko ang stick ng aking sigarilyo sa puntod ng kinamumuhian kong babae.Si Mae.Hindi ko parin makalimutan ang mga kasalanan niya sa'kin.Kinuha niya ang lahat-lahat mula sa'kin!!Hindi siya nagtira para sa kaligayahan ko.Kahit yung anak nalang namin ni Ronel ang iniwan niya eh,kaso pati ang anak ko,dinamay niya.Kaya magbabayad siya.Tutal mamamatay rin naman ako dahil sa katandaan,mas mabuti pang unahan ko nalang ang kanyang mga anak.Para patas kami hindi ba?

"At ikaw naman.Ang saya saya mo noh?Ang sarap mo ring patayin.Wala kang klase.Isang mahirap at weirdong babae pa talaga ang pinakasalan mo?Tapos hinayaan mo pang mamatay ang anak natin sa sinapupunan ko.Kapal talaga.Parehas lang kayo ng asawa mo,mga walang kwenta."idiniin ko ang pagkaka-apak sa mga bulaklak na nasa puntod niya.

Ano siya siniswerte?Ang mga lalaking katulad niya ay binibigyan ng lantang bulaklak at hindi bagong pitas pa lamang.

Lumayo ako ng kaunti at tinignan pa mula sa malayo ang puntod ng dalawa.

"Tignan mo nga naman.Pati ba naman sa kamatayan magkasama parin kayo?Pero huwag kayong mag-alala dahil hindi lang si Brianna ang makakasama ninyo sa sementeryong ito.Dadalhin ko rin ang dalawa pa ninyong anak.Papahirapin ko muna sila bago paslangin okay?Mas masarap kasing maramdaman mo muna ang sakit kaysa deretsahan kang kunan ng buhay."napangisi ako sa ideyang iyon.
Matagal ko ng pinlano lahat ng bagay na'to.Darating rin ang araw na mawawala rin ang dalawang natitirang De Castro na'yun.Huwag muna ngayon kasi paglalaruan ko muna sila.Lalong-lalo na yung bunso.

Walang ka-alam alam si Blyth na pinlano ko lahat ng mga ito sakanya.

Ang pag-ampon sa kanila.

Ang pag-ako na anak ko silang dalawa.

Ang paglinlang na may sakit siya.

Ang pag-uto sakanyang mahal ko sila.

Mukhang pam-best actress pala ang datingan ko kasi hindi niya nahalatang pinaplastik ko lamang siya.Sige,sabihin niyo na lamang na mas plastik pa nga ako sa plastik.Pero wala akong pakealam.Hangga't nakikita ko pang nakangiti ang natitirang De Castro na'yan hindi ako titigil.

Kung nagtataka kayo kung bakit ko pa pinatagal ang pagpaslang sa dalawa.Well,gusto ko kasing nasa tamang edad na si Blyth para maintindihan ang lahat.At ngayong taon yun.Hinihintay ko na lamang na sumapit ang kanyang kaarawan.Para maganda naman ang birthday surprise ko diba?

"Goodbye losers.Icheer niyo ako ha?HAHAHAHAHAHA"itinapon ko ang panghuling stick ng sigarilyo sa puntod ng pinakaputang inang lalaki na nakilala ko.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon