Chapter 35:Doctor Luz

30 8 2
                                    

Hiling
Blyth's POV

"Good morning Boss.Pinapabigay nga po pala ni Mr.Marquez"

Eto na naman kami.Back to basic.Pagkatapos ng mga araw na sweet siya sa'kin balik ulit siya sa pagiging cold at bossy.Typical Justin,tsk.

"Please tell him to stop giving me gifts.Napag-iisipan ko na siya ng masama dahil sa mga weird things na inaakto niya.Nakakasuka."napatawa ako sakanya.

Ang cute nga naman ng friendship nilang dalawa.

Nabalitaan ko nga pala na ayos na sila.Kung itatanong niyo kailan pa.Iyon yung araw na pumunta kami sa amusement park.Nalaman kong pagka-uwi ni Justin ay tinawagan niya si Clyde para sabihing makipagkita sakanya ngayong umaga.

Ako naman na parang tanga,sinundan sila hanggang sa cafeteria.Dinisguise ko pa ang sarili ko bilang customer na abala sa pagbabasa ng dyaryo para lamang masaksihan ang pagbabati nila.

Halata namang ayaw parin ni Justin sa kaibigan ngunit may kung ano na tumutulak sakanya na kalimutan ang lahat at ibalik na lang ang pagkakaibigan nilang dalawa.I wonder if dahil ba'to sa nasabi ko sakanya kagabi?

"Duh.Anong masama sa pagbibigay ng mga regalo para sa kaibigan?"inirapan lang ako nito at itinuon ulit ang sarili sa ginagawa.

"Sus.Kung ayaw mo edi akin nalang."akmang kakainin ko na sana yung chocolates nang agawin niya ito mula sa'kin.

"Oi akin na yan!Mang-a-agaw ka!"pilit na inaabot ko ito ngunit itinago niya ito sakanyang bulsa kaya wala akong nagawa kung hindi ang mapasimangot.

"Ang KJ mo!"inis na sambit ko sakanya.

"Tss.Kung anu-ano ang kinakain mo.Kaya ka tumataba eh"

"Eh ano naman kung tumataba ako?At least cute parin diba?Di ako katulad mo noh!Na kapag tumaba,papangit like sagad hanggang mars.Hindi ka gaya ko na kapag mapataba o mapabalingkinitan ay maganda + cute + gwapo parin'!"

"Tch.Kung anu-ano pa sinasabi mo.What I mean is,what if may lason 'to?"napasapo na lang ako sa sariling noo dahil sa kakitidan ng utak niya.

"Yun?Manglalason?Saang lupalop ka ba galing at bakit ganyan kalawak imahinasyon mo?Taga mars ka ba?"napa-tss lang siya at bumalik ulit siya sa pagkakaupo.

"By the way,mauuna nalang ako.Baka naghihintay na si Clyde sa baba.See you later Boss!Mabulunan ka sana pag kain mo.Iwavyu mwah!"nag-flying kiss ako sakanya.

Nagkunwari siyang umiwas at tinignan ang lumilipad na halik na patungo sa glass wall.

"Oops.Hindi ko nakita yun"inirapan ko na lamang siya at nagpatuloy ulit sa paglalakad papalabas ng kanyang opisina.

Pero may napansin lang ako ah.Diba noon,kahit i-mention ko si Clyde ay ayaw niya?Bakit pumayag siya sa'kin ngayon?At ang mas nakakapagtaka pa,wala naman akong narinig na kahit anong reklamo mula sakanya?Bati na ba talaga sila?Like as in for real?!Owmaygas.Change is real na ba dis?

"Happy lunch Ma'am!"

"Happy lunch rin!"ningitian ko ang mga grupo ng mga kababaihan na nagtratrabaho rin dito sa organisasyon.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon