Chapter 12:What's happening?

45 12 0
                                        

Blyth's POV
Year 2018

Ilang araw na ang nakalipas simula ng pangyayaring iyon.

Si mama nga hindi na napakali pero ginagawa niya ring biro yun nangyari minsan.Simula nun lagi na akong pinapainom ng gamot kaso nakakalimutan ko kaya ayun hindi ko maiwasang masermonan.

•Flasback•

Haist ano ba yan!Ang tagal naman ni mama.Eksayted na ako sa pasalubong niya eh!

Kakatapos ko lang magsaing para sa hapunan.Alas kwatro pa lamang ng hapon ngunit ang aga kong nagsaing.Para naman maaga akong makapagpahinga.

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok.Sumilay naman sa aming mga labi ang isang napakatamis na ngiti ng malaman na nakauwi na si Mama.Agad namin siyang pinagbuksan at kinuha ang mga bitbit niyang dala."Akin na ma"

"Zion!May pasalubong ako!"excited naman na sinalubong ng yakap ng bunsong kapatid ko si Mama.Nasa ikatatlong edad pa lamang siya kaya hindi pa namin siya gaano naiintindihan magsalita.

"Tignan mo kung ano ang nabili ko"napatalon-talon naman sa tuwa ang aking kapatid ng bigyan siya nito ng laruang sasakyan.Kaagad itong nagtungo sa salas tsaka kinuha ang iba niyang laruang kotse at naglaro.Grabe itong kapatid ko!Parang may collection ng mga laruan dahil sa dami.

"Paano kami ma?Wala ba kaming pasalubong jan?"reklamo ng isa ko pang kapatid.Pangalawa si Bryll sa panganay.Ako kasi yung pinakapanganay sa aming magkakapatid.Apat kaming lahat,kaso yung ikatatlo kong kapatid na babae eh nandoon kay Lola.Lumaki kasi siya doon kaya mas napamahal siya kina Lolo at Lola.

"Hindi niyo na kailangan ng laruan.Eto oh tinapay!"sabay abot niya samin ng ewan ko kung anong klaseng tinapay to.Basta may keso sa ibabaw.

"Hmm!Mukhang masarap to ah!"at sabay pa kaming kumuha ng kapatid ko ng tag-iisang piraso.

"Ate,maghiwa ka nga ng limang bawang at isang sibuyas."utos niya sa akin na agad ko namang sinunod."Okay ma!"

Kumuha na ako ng sibuyas at bawang tsaka nagsimula ng maghiwa.

Habang nasa gitna ng paghihiwa ay nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng aking puso.Patuloy parin ako sa aking ginagawa kahit randam na randam ko ang panlalamig ng aking mga kamay.Unti-unti ding sumasakit ang aking ulo at pilit na hinahabol ang aking hininga.

Gusto kong tawagin sina Mama at ang aking kapatid para manghingi ng tulong kaso hindi ako makapagsalita.Tila na paralize ang aking katawan at hindi ko na ito maigalaw.Randam na randam ko ang padaloy ng iilang mga butil ng pawis sa aking noo.Hanggang sa namalayan ko nalang na natumba ako and eveything went black.

Madilim ang aking paligid ngunit naririnig ko parin sila.Narinig kong ginigising ako ng mama ko.Naramdam ko rin ang pagpapahiga niya sa akin sakanyang hita

Narinig kong tinanong ni Mama si Bryll kung ano ang nangyari sakin,at sabi naman ng kapatid ko ay ewan at bigla nalang akong natumba.

Sobrang bilis parin ng tibok ng aking puso at patuloy parin ako sa paghahabol ng aking hininga.Naramdaman kong ginagalaw nila ang aking kamay tsaka sinasabihang idilat ko na ang aking mata.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon