Chapter 48:Life is Precious

23 5 1
                                    

Hiling
Kiara's POV

Nagising ako 6:30 pa lang ng umaga.Ganoon ako ka-excited sapagkat ngayon kami magha-honey moon ng asawa ko.

Ngunit bago kami magtungo sa isang romantiko at magandang lugar ni Kiel,ide-date ko muna sina Anthonette at Blyth.

Paniguradong mamimiss ko sila kahit isang linggo lang naman kaming mawawala ni Kiel dito sa Pilipinas.Napagdesisyunan kasi naming dalawa na magtungo na lamang sa Korea at doon nalang mag-honeymoon.Wala eh,mga choosy kami!

Ngunit ilang oras na kaming nag-antay ni Anthonette dito sa dati naming tagpuan ngunit wala paring Blyth na sumulpot.

I checked my phone if nag leave ba siya ng chat.Ngunit isang oras na ang nakalipas wala padin kaming natatanggap.

"Tawagan nalang kaya natin si Carl?Baka magkasama parin ang dalawang yun hanggang ngayon."tama.Naalala ko rin na doon na pala sa condo ni Carl siya pansamantalang naninirahan.

Walang pag-aalinlangang sinunod ko ang suhestyon ng aking kaibigan.Di-nial ko ang ang number ni Carl at nakailang ring na ngunit wala paring sumasagot.

"The number you have dialed is busy at a moment.Please try your call later."napa-mura na lamang ako sa inis.

"Huwag mong sabihin sakin na inabutan sila ng ganitong oras sa ginagawa nilang kababalaghan?"

"Mukhang ganoon na nga.Tsk!"

"Pero kahit na!Alam naman ni Blyth na may meet up tayo ngayon eh!Kainis!"pagdadabog ng aking kaibigan.

Kaunti nalang at tila sasabog na ang kanyang ulo dahil sa inis.Para kasi sa aming tatlo,isang napaka-importanteng okasyon itong pagmi-meet up namin.We haven't change since highschool kung kaya't hindi na ako magtataka kung bakit ganyan na lamang ang kanyang reaksyon.Tsaka isa pa,nangako siyang sasama siya ngayon.Pati date nga nilang dalawa ni Kyle at Anthonette ay ipinagliban na muna para sa meet up naming tatlo.Umaasa talaga kaming dadating siya.

Malapit na sana kaming sumuko sa kahihintay sakanya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.

"Bes!Tumatawag si Blyth!!Pota bakit ngayon lang niya naisipang tumawag!"reklamo pa nito bago sinagot ang tawag.

Itinapat niya ito sa gitna naming dalawa at ni-loud speaker.

"Hello"

"HOY PUNYETA SAAN KA NA BA?ISANG ORAS NA KAMING NAGHIHINTAY DITO OH!"pambungad ko.

"Tsaka malapit na kaming ma-luto dito!!Ang init-init kaya!Halika na't bilisan mo!!"dugtong ni Anthonette.

Madami pa kaming inireklamo sakanya ngunit pansin namin ang kanyang pananahimik na siyang ipinagtaka naming dalawa ni Anthonette.Sinenyasan ko siya na tumahimik na muna at makinig na lamang sa kabilang linya sapagkat may di-pangkaraniwan akong naririnig.

Ang malakas na paghingal ni Blyth.Ang mabilis na pagyapak ng isang paa sa maputik na daanan.At ang nakakabinging ingay na nanggagaling sa pag-galaw galaw ng cellphone na hawak-hawak niya.

"Blyth?Nasaan ka?"kinakabahan ako ngunit hindi ko ito ipinahalata sa aking boses.

"P-pasensya na.Hindi ako makakadalo.Maging masaya sana kayo at tsaka babawi ako...pangako."and she ended the call.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon