Chapter 26:Her Imagination

24 8 0
                                    

Blyth's POV
Year 2020

Blyth!Hinahanap ka na nila!

Hoi?!Nasaan ka na?!

Malapit ng magsimula.Ano,pupunta ka pa ba?

Tapos na ang open forum.Sayang,hindi nalinawan silang lahat sa mga nangyari.Wala ka kasi.Kailangan din nilang marinig ang side mo.

Kumusta?Bakit absent ka?

Blyth!!May sakit ka ba?!Naku,nag-aalala ako sa'yo!

Mommy!Miss na kita kahit isang araw ka lang wala.Hehe.Pumasok ka na bukas mommy please!

May ibibigay ako sayo bukas Blit!Kitakits!

Buong araw akong nasa kwarto.Kahit andaming text messages galing sa aking mga kaklase ang aking natanggap ay hindi ko ito nagawang basahin.Wala ako sa mood para bumangon sa aking hinihigaan.Gusto ko na lang matulog habang buhay.

Ano kaya ang pakiramdam ng mamatay?

Sana natuluyan nalang ako.

Bakit ba kasi ako nabubuhay sa mundo?

Ano ba ang purpose ko dito?

Haist.Ewan.Trip lang yata.Sana pagkagising ko,wala na talaga.

"Blyth?"sa gitna ng aking pag-iisip,biglang may kumatok.Napa-irap nalang ako at tinakpan ang aking buong katawan ng malambot na kumot.

Narinig ko ang pagpihit ng pinto.Malamang,pumasok na si Mama.Pinapakiramdaman ko lang ang bawat galaw niya hanggang sa gumalaw ang aking hinihigaan—senyales na umupo sa aking kama.

"Anak.Ano 'to?"wala akong nagawa kung hindi harapin ang aking ina.Napakunot pa ang aking noo habang inis siyang tinignan,ngunit makalaunan ay napawi rin.Nadurog ang puso ko ng makita ang aking inay na umiiyak.Napahawak ito sa kanyang bibig na tila pinipigilan ang pag hikbi nito

"A-ang alin Ma?"garalgal kong tanong.Kahit kinakabahan man ay hindi parin ako nagpatinag.Gusto kong malaman kung ano ang iniiyakan ni Mama at bakit ganyan nalang ang reaksyon niya.

Inilahad niya ang isang kulay gold na cellphone.Kilalang-kilala ko kung sino ang nag-ma-may-ari nito.Ang aking kapatid.

Tinignan ko ang screen nito at napagtantong isang video ang gustong ipakita sa akin ni Mama.Wala akong makita kung hindi itim lang kaya napagdesisyonan ko nalang i-play.

Nakita ko ang aking sarili sa isang lugar.Alam ko kung saan ito,sa karinderya ni Aling Martha.Doon,parang may kinakausap ako ngunit wala naman.Parang baliw na nagwawala ako sa lugar habang umiiyak.Napatuon ang aking atensyon sa mga taong mukhang natatakot sa pangyayari.Ang iba ay kumuha ng cellphones at binibidyuhan ako.Ang iba naman abala parin sa pagkain at walang pakealam sa nangyayari.Hanggang sa lumapit na sila Aling Martha kasama ang kanyang mga anak.

"PERO KAHIT NI-ISANG PAGKAKATAON,HINDI SIYA NAKINIG SA MGA PROBLEMAKO!!SA MGA ARAW NA KAILANGAN NA KAILANGAN KO SIYA,NASAAN SIYA?!WALA,KASI ABALA SIYA SA PANSARILI NIYA LANG.NAIINTINDIHAN KO NAMAN EH.KASO HINDI KO NA KAYA MOSES!ANG UNFAIR NIYA!!"nagulat ako ng biglang itinulak niya patumba ang lamesa—ibig kong sabihin,itinulak ko pala.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon