Chapter 31:Picnic

18 7 0
                                    

Hiling
Blyth's POV

He loves me

He loves me not

He loves me

He loves me not

He loves me

He loves me not...

Nakalumbaba kong pinapanood ang panghuling petal na pinitas ko na ngayon ay unti-unti ng nahuhulog sa mataba at maberdeng lupa.

Napabuntong hininga ako.

"64"

Nagtatakang tiningnan ko si Justin na ngayon ay abala sa paglalapag ng picnic foods.

May nangyari kasing hindi kapani-paniwala kanina kaya humantong kami sa pagpipicnic.

Alam niyo naman,hindi rin ako makakatanggi kasi sekretarya niya lamang ako.

FLASHBACK

Aish.Ano ba 'yan.Mukhang araw-araw na akong makakapasok ng maaga nito ah!

Paano ba kasi?Yung ugok na kamukha ni Carl ay palaging nagpapadala ng tauhan para sunduin ako!Punyeta,nakakainis na nga eh.Sarap bigyan ng mag-asawang sampal.

Pero di bale na nga,at least save ako sa electricity.(Lahat kasi ng vehicles ngayon ay chinacharge.Hindi na kailangan gumamit pa ng gas.)

"Good morning Boss"walang ganang bati ko.

Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata tsaka direktang tinignan si Justin na mukhang wala sa mood ngayon.

"Oh?Bakit nakabusangot ka jan?Hindi naman ako na-late ah.Mukhang never na yata ako male-late.All thanks to you"may sarkastikong ani ko.

Well,totoong nagpapasalamat ako dahil kung hindi siya nagpapadala ng mga tauhan para sunduin ako ay sigurado akong male-late ako palagi.Ngunit hindi parin ako masaya doon kasi alas 6 palang ng umaga nandoon na ang mga tauhan niya sa bahay namin!Sino ang hindi babangon ng maaga doon?Nakakahiya naman kung pag-intayin ko pa ang mga 'yon.

Pinanliitan ko siya ng mata ng mapansing hindi man lang siya sumasagot at nanatiling nakapako lamang ang tingin niya sa'kin.

"H-hoi Boss.Bakit ganyan ka makatingin?May nakikita ka bang hindi ko nakikita?!"pabirong sambit ko.

Nagkunwari akong may nakikita siyang multo para hindi matabunan ng seryosong aura ang paligid namin.Ang seryoso niya kasi eh!

"Mukhang wala ka sa mood.Sige,alis na ako Boss.Matutulog lang.Ikaw kasi eh.Kasalanan mo'to kung bakit kulang ako sa tulog ngayon."

Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng kanyang opisina ng biglang may humawak sa knob nito kasabay ng pagkahawak ko.Nanlaki ang aking mga mata habang binabaybay ng tingin ang maputing kamay na iyon patungo sa mukha ng may-ari.Ng mapagtantong ang lapit ni Justin sa mukha ko ay napa-iwas ako ng tingin sakanya.Ramdam ko ang init ng kanyang dibdib sa likod ko.Parang kinikiliti ang buong kalamnan ko sa mga daliri niyang nakahawak sa aking beywang.Hindi ko alam,ngunit binibigyan niya ako ng kakaibang sensasyon na nagpapagawang pasayawin at pagkaguluhin ang mga paru-paro sa aking tiyan.

HilingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon