Start

10K 86 1
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story contains certain scene that may not be appropriate for young readers (under 18)

Sorry for typos, grammatical errors and spelling mistake.

ERINA

"What? Hindi ako sasama." sabi ko.

Kasalukuyan kaming nandito sa living room at pinagpipilitan ni mama na uuwi na kami ng Pilipinas.

"Why can't you understand the situation Erina?" tanong niya.

Napapikit ako. I know na kailangan kami ni lola but I really can't help it. Ito na ang nakasanayan ko. Madami akong maiiwan na memories dito.

Ilang taon na ba simula nang umalis kami sa Pilipinas para manirahan dito sa US? I've lost count. Basta ang alam ko lang, sanay na ako sa buhay ko dito. Hindi naman naging mahirap ang manirahan dito dahil madami din naman akong nakakasalamuhang mga Pilipino. Pati na din ang mga kaibigan ko ay kapwa ko Pinoy din.

I don't wanna go back.

Biglang dumating si papa at nagsalita.

"All papers are done. We're going back to the Philippines. To our province, Bella Vista."

Nanghina ako sa pinal na desisyon ni papa. Wala na akong magagawa kapag siya ang nagsabi.

Mas maayos sana kung sa Manila kami titira. Pero sa Bella Vista? Pangalan palang ng lugar ay mukhang malayo na sa kabihasnan.

I'm doomed.

"Ibang iba na ang Bella Vista." nakatingin si papa sa bintana habang tanaw na tanaw namin ang puro mapupunong daanan.

Si mama naman ay mahimbing ang tulog.

Malayong malayo ang lugar na ito sa kinalakihan ko sa US.

"Oo nga Sir Carlito, ilang taon na nga po ulit kayo sa US? Maliit pa si Erina non." sabi ni Mang Berto at tumingin sakin gamit ang salamin na nasa harap niya.

Mang Berto is our driver. He's 41 years old at ang sabi ni papa ay 20 years na siyang nagtatrabaho sa amin. Hindi ko na siya matandaan dahil bata pa lang ako ay umalis na kami sa lugar na ito para manirahan sa ibang bansa.

"Exactly 15 years Mang Berto. 3 years old si Erina nang umalis kami dito. Parang kahapon lang." sagot ni papa at ngumiti sakin.

Sinaksak ko ang airpods ko at pumikit.

I don't want to be here. Alam nila papa yon. Kahit anong pilit ko sa kanila na iwan nalang ako sa US ay hindi sila pumayag. I'm 18 years old and I can take care of myself. Madami naman akong kaibigan doon at kakilala. Hindi ko alam kung kailan pa ulit kami magkikita kita dahil dito na rin ako mag-aaral ng kolehiyo.

Ilang minuto pa ay naramdaman ko na ang paghinto ng sasakyan.

"Wow! Ibang iba na 'tong mansion." komento ni papa.

Halata ang excitement sa tono ng pananalita niya.

Nagising naman si mama.

"Andito na tayo?" tanong niya.

Tumango naman si papa at inalalayan si mama para bumaba.

Bumaba na din si Mang Berto para kunin ang mga gamit namin. Napabuntong hininga lang ako at tamad na bumaba.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon