Chapter 3

3.6K 63 0
                                    

KIER

"Sumunod na kayo. Andyan na ang mga first year." paalala ni coach Leo bago kami iwanan sa locker room.

"Yes coach!" sagot ni Ian.

Isa sa mga ka-teammate ko.

Tamad na binuksan ko ang aking locker at nagbihis.

"Kier, saan tayo after ng game?" tanong ni Philip habang naghuhubad ng T-shirt.

Philip is my cousin.

"As usual, Beer and Balls tayo." sagot ni Caden.

He is also my cousin.

Beer and Balls ang tambayan namin simula mag first year college kami. Hindi ito simpleng inuman lang, madami kang pwedeng gawin dito tulad ng bilyar, basketball, bowling at tennis. Sikat ang lugar na ito at isa ito sa pag mamay ari namin sa Bella Vista.

"Kier? Sama ka?" Philip.

Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Of course." sagot ko.

Siguro ay nahalata nila na hindi maganda ang pakiramdam ko.

Inakbayan ako ni Caden.

"Bakit ang init yata ng ulo mo ngayon?" tanong niya.

Nagkibit balikat lang ako at nauna nang sumunod kay coach.

Ayokong pag usapan ang pagsasagutan namin ni dad kanina. Gusto niya akong ipakilala sa anak ng businessman na kasosyo niya sa negosyo. Ipapakilala niya sakin tapos pipilitin nanaman niya akong ligawan tulad ng pinagawa niya noon. Hell no! Malaki ang naging away namin ni dad noon dahil hindi ko niligawan ang babaeng gusto niya para sakin.

Bakit ko gagawin ang isang bagay na hindi ko naman gusto?

"Kier!"

May tumawag sa akin mula sa likod.

Isa pa 'to. Hindi ko siya pinansin at tuloy tuloy na naglakad. Patakbo siyang lumapit sa akin hanggang naabutan niya na ako.

"G-goodluck sa game." aniya.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Isa."

Halata naman ang pagtataka niya

"H-huh?"

"Isa pang lapit mo sakin, may kalalagyan ka." Sabi ko.

Iniwan ko siya na bakas ang takot sa kanyang mukha.

What's her name again? Ah. Hillary.

Noon pa niya ako sinusundan at nagkaroon pa ng usap usapan na 'kami' daw. Hindi ko naman talaga kinakausap 'yan at nagtaka ako kung bakit nagkaroon ng issue na ganoon. Malaman laman ko na lang na siya mismo ang nagkakalat na may relasyon kami. Napailing ako. She's obsessed and I hate it. That's a major turn off.

Pumasok na ako sa court at naupo sa bench namin. Umingay ang mga tao sa gym.

"Ang dami nanamang tao. As expected." nakangising sabi ni Philip.

Naupos sila ni Caden sa tabi ko.

Napatingin ako sa mga first year na nagwawarm up sa kabilang side ng court.

"May Del Cuero daw na first year." Caden.

"Saan diyan?" tanong ni Philip.

"Yung naka blue. Si Clifford Del Cuero." Caden.

Dangerous Romance (Bella Vista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon